Mary Madaling araw nang dumating si Reymond sa Palasyo. Hindi ako natulog at panay silip ko kanina sa balcony habang hinihintay siyang dumating. Excited ako at nanerbiyos sa pagdating niya. Para bang hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli. Na para bang nawala siya ng matagal at nangulila ako ng sobra sobra. Nang tingnan ko ang cellphone pagkabigay sa akin ni madam kahapon ay umulan ang inbox ko ng text messages mula sa kaniya. Lumukso ang puso ko. Pakiramdam ko ay mahalaga ako sa kaniya at hindi isang kontratang asawa lamang. Napanatag ang loob ko at naglaho ang lahat ng takot dito sa dibdib ko nang makita siya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at sinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil napatda siya at hindi makakilos. Tinit

