Mary Madilim na ang kuwarto nang magising ako ulit. Anong oras na ba at nasaan si Reymond? Bumangon ako at tinakip ang kumot sa hubad kong katawan. Pakiramdam ko ay nasa balat ko pa ang labi niya at naririnig ko pa ang bawat bulong niya. Kinagat ko ang ibabang labi at ngumiti. Bumangon ako at nagbihis. Pero paglabas ko ng walk in closet niya ay nasa kwarto na siya at madilim ang mukha. Nag-alangan akong lapitan siya. Para kasing may nakaaway sa labas dahil hindi mo maipipinta ang itsura niya ngayon. "Mag-empake ka mamaya. Aalis tayo ng maaga bukas." Napanganga ako. "Saan tayo pupunta?" "Dadalawin natin ang mga magulang mo. Baka huli ko ng makapunta sa kanila dahil busy akong tao, Mary." Lumunok ako sabay tango. Nag-iba na naman ang ugali ni Reymond. Naging malamig at hindi ako

