Mary "A-anong s-sabi m-mo? Anong pangalan?" Tinulak ko siya sa balikat at tiningnan sa mga mata. Tinikom niya ang labi at mariin akong tinitigan. Malakas akong napalunok. Hindi ko maalala na nananaginip akong may binubulong na ibang pangalan ng lalaki. Hindi ko alam itong inaakusa sa akin ni Reymond. "Reymond. Uminahon ka nga. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Muli kong ginalaw ang mga kamay sa kaniyang balikat upang makuha ang atensyon niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." ulit ko. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa balikat niya at ginapos iyon sa ulunan ko. "I hated you that day, Mary." Napasinghap ako ng malakas. Nagpumiglas ako upang makawala ang mga kamay ko sa kaniya pero sadyang malakas si Reymond. Muling bumaba ang labi niya sa labi ko at malupit akong hinali

