Mary Napabangon ako mula sa pagkakasandal sa sofa nang marinig ang sinabi ni Lolita sa kabilang linya. "Anong sabi mo? Si madam Laura ay nanggaling diyan sa amin upang bayaran sina Tatay at Nanay?" Nagbuga siya ng hininga. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Ano pa ba? Nandito pa nga sa kamay ko ang lintik na checky na 'to oh! One million! One million Mary para layuan mo raw ang anak niya! Buti nga sa kaniya ang ginawa ni Nanay Helia! Akala niya siguro ay masisilaw sa pera ang mga magulang mo! Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Mary? May nangyayari ba sa iyo na hindi mo sinasabi?" Malalim akong bumuntong-hininga. Hindi madali ang lahat ng ito sa akin kaya hindi pa tamang oras para magtapat ako kay Lolita. Muli siyang humugot ng malalim na buntong hi

