bc

Sister Noah

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
others
forced
CEO
sweet
others
love at the first sight
naive
novice
shy
like
intro-logo
Blurb

SISTER NOAH

ramildeaza

Bata palang ay alam na niyang may calling na siya.Alam

niyang naghihintay lamang siya ng tamang panahon

upang maikasal sa poong may kapal.Ramdam niya ring

wala na siyang ibang mamahalin kundi ang Diyos. Mula

sa pagkabata ay lumaki siyang mababa ang loob at

mabait na bata.Mabuti na nga lang at may kaparehas

siyang ganoon din ang pangarap.Ang naging matalik

niyang kaibigan,si Zach Cordova.Alam nitong lahat ang

mga nais niya at ganoon din siya rito.Sabay silang

nangarap ng iisang mithiin.Ang maglingkod sa Diyos...

BARACHIEL CORDOVA

Ang panganay na anak ng mag asawang Luisa at

Matt.Maraming nagtataka kung bakit lumaki siyang sutil

at maigsi ang pasensiya gayong nasa masaya at

mapagmahal na magulang at kapatid naman siya .Ayaw

niyang nalalamangan siya.Kung ano ang nais ay siya

niyang nakakamit.lsa siyang black sheep na

kabaligtaran naman ng kapatid.Inshort, HINDI SIYA

MABAIT.

chap-preview
Free preview
BARACHIEL CORDOVA
Kahit natatakot sa panganay na anak ng mga Cordova ay pinilit ni Noah na sumunod dito sa tulong ng kaibigang si Zach na isa ring Cordova. Malaki at gabundok ang layo ng ugali ng dalawang magkapatid at alam iyon ng lahat.Sa katunayan ay mas close sila ni Zach.Sa kabila noon ay pinipilit niyang hindi na lamang pansinin ang mga patutsada ng lalaki.Araw araw niya itong isinasama sa kanyang mga dasal na sana'y dumating din ang panahon na makasundo niya rin ang batang lalaki. Ngunit parang may ibang plano ang nasa itaas para rito dahil sa dami ng kanyang dasal ay parang walang nagbabago at hindi iyon naging dahilan upang magtanong siya sa Diyos kung bakit.Wala naman kasi tayong karapatang kwestiyunin ang lahat niyang mga plano tulad na lamang na bakit pinabayaan ng Diyos na magkasala sina Eva at Adan gayong nalalalaman naman nito ang lahat. Basta ang tanging naging sagot niya sa kaisipan ay ganito. Marahil sa sobrang pagmamahal ng Diyos sa tao ay binigyan niya tayo ng malayang kalooban upang magpasya at makakilos ng walang nagdidikta.Sino ba naman kasi ang gustong madiktahan at maging robot na sunod sunuran? Kaya lang kung tayo lang kasi ang magpapasya at walang tulong ang nasa itaas ay siguradong falure ang kalalabasan kaya nga sila napalabas ng paraiso.Doon palang ay ipinakita na ng Diyos na ang bawat kasalanan,maliit man o malaki ay may may kapatawaran subalit may kabayaran. Kaya nga ba sa bawat kasalanang nagagawa niya, ang lagi niyang hiling ay sana singilin kaagad siya.Ayaw niyang maipunan dahil baka lumaki ng lumaki.Baka kasi sa sobrang laki na nito ay pagbayaran pa niya iyon sa kabilang buhay. Ikasampung anibersaryo ng kasal ng mag asawang Cordova kaya lahat sila ay naroroon. Espesyal ang araw na ito para sa mag asawa.Suot niya ang kanyang fushia pink na dress at flat sandals na may ribbon sa dulo.Nakaheadband siya ng mga bulaklak na kulay pink na nakapalibot sa kanyang ulo,samanta lang ang dalawang magkapatid ay naka amerikanang puti.Walang itulak kabigin. Kahit mga bata pa ay ma-kikita na na lalaking mga gwapo ang mga ito. Nagsi-simula na ang seremonyas ng renewal ng vows at lumakad na siya sa ailse at nagsimulang magsaboy ng bulaklak.Medyo nakababa ang kanyang tingin dahil sa masyado siyang mahiyain.Humihinga na lang siya at nagbubuga ng hangin upang kahit papa-no ay maibsan ang nararamdaman niyang hiya. Lumakad na siya... Alam niyang isa siya sa pinagtitinginan ng mga tao dahil sa taglay niyang ganda sabi nga ng iba ay bea-utiful and adorable. ... "Hey you! Little kitten.Come here!" Napalunok si Noah ng malamang tinatawag siya ni Quiel.Kasama nito ang mga kaibigang nagtatawanan at ngayon ay nagkakaisang nakatingin na sa kanya. Waring hinihintay ng mga ito kung lalapit siya o hin-di.Bantulot siyang ihakbang ang kanyang mga paa. Lilingon lingon siya sa paligid bago niya gawin iyon. Tila may hinahanap ang kanyang mga mata. "Dont look for him he's not gonna rescue you,you little kitten.I said,come here!Are you deaf?" Nagulat siya at bahagyang napa talon dahil hindi niya inaasahang naroon na ito sa kanyang tabi at hawak na ang kanyang mga kamay.Nanginginig siya at halos hindi maihakbang ang mga paang hinila siya nito papunta sa mga kaibigang alam niyang maloloko rin.Hindi niya maagaw dito ang mga kamay dahil parang bakal itong naka hawak doon. "I would like to present my future wife. Noah!" Napanganga si Noah sa sinabi nito.Gusto niyang magsalita ngunit pinanlakihan siya ng mata nito. Hindi ba't galit ito sa kanya?Mukhang pinagtitripan siya nito ngayon.Nuon pa man ay iwas siya rito.Sinu-bukan niya kasing patulan ito noong maliliit pa sila. Ngunit may ginawa itong hindi niya makakalimutan kaya't mula noon ay iniwasan na niya ito ng tuluyan. "You cant fool us bro!" Sabi ng mga ito kay Quiel na tatawa tawa na tila nag uulok lang."Want me to prove it?"Matatalim ang mga mata nitong sabi sa mga kaibigan. "Yeah! We want to see you kissed!" Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig lalo na ng tingnan siya nito deretso sa mga mata ng nakakalo-kong tingin.At habang papalapit ito sa kanya ay sa-bay sabay na nagsasalita ng mahina ang mga kaibi-gan nito. "Kiss,!kiss!kiss!kiss!" Siya naman ay palayo ng palayo ang mukha ng lalaki. Ano sa palagay nito ang ginagawa ng lalaki?diyata't masyado pa silang bata para gumawa ito ng gano-ong klase ng kalokohan.Maiiyak na sana siya sa balak nitong gawin sa kanya ng biglang sa kung saan ay may humablot sa kanya. "What do you think you are doing?" Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Zach na siyang may gawa noon sa kanya.Galit ang mga mata nito.Ngunit mukhang walang planong magpatalo si Quiel nakipagtagisan ito ng tingin at kahit anong oras ay may nagbabadyang hindi magandang mang-yayari. Balak ni Noahng pumagitna sakali mang mag-kabanggaan ang dalawa.Napapikit siya ng nagsikilos ang mga ito. "What's happening here boy's?"Ni isa sa dalawa ay walang balak magsalita ng lumapit ang mag asawa at ang kanyang mama. "Halikayo at magsikain na.Bakit nandito pa kayo?" Saka lang nabasag ang namumuong tensiyon sa pagitan nilang tatlo. Kahit hawak si Noah ng kanyang mama ay ramdam ng batang babae ang mga nagbabagang titig ni Quiel sa kanyang likuran habang kasabay niyang lumakad si Zach.At ng mapatingin siya rito ay sinalubong siya ng ngiti. Nagpupuyos ang kalooban ni Quiel dahil bukod sa napahiya siya sa mga kaibigan ay nakaligtas nana-man sa kanya ang batang babae.Umentra nanaman ang kapatid niyang isa ring uto-uto pagdating sa babaeng iyon.Kaya nga ba't naiinis siya rito.Halos lahat sa eskwelahan nila ay nais siyang maging kaibi-gan samantalang ang kapatid niya at ang babaeng iyon ay mukhang hindi alam iyon. Kahit piniling kumain ng dalawa ng malayo sa table ni Quiel ay nakasunod ang tingin niya sa mga ito.Lalo siyang naiinis na nakatingin mula rito sa kinauupuan niya. "Hi Quiel!how are you na this past few days?I texted you many times but you didn't text back even a single word." Tanong kay Quiel ng nakangusong kauupo lang na batang babae na edad 12 rin na katulad ng batang si Quiel.Naka kulay peach ito at bata palang ay naka lipgloss na.Maganda rin naman ang babae kaya lang, hindi niya ito type.Naiinis siya si Quiel sa mga ganito ang dating.Kilala ito ng pamilya dahil anak ito ni Tita Marie na nagtatrabaho sa kumpanya ng kanyang papa at kanang kamay nito. "I didn't promise you anything and Im not interested in texting anyone especially you!"Mukha namang na-bigla ang batang babae dahil nagyuko ito ng ulo at nanahimik nalang habang si Quiel ay kumakain at patingin tingin sa dalawang kinaiinisan. Ewan ba niya kung bakit bwisit na bwisit siya sa mga ito,kung tutuusin nama'y marami siyang kaibigan na naghihintay ng kanyang pansin lalong lalo na ang mga girls. Hindi nga ba't ulti mo sa mga bagong gadgets kung anong meron siya ay ginagaya ng mga ito? sapatos,damit,relos?name it they'll gonna have it. Si Barachiel Cordova bata palang ay iba na ang mga kilos at galaw.Kumikilos ito ng hindi naaayon sa edad.Matigas ang ulo at masasabing popular at siga sa kanilang eskwelahan.Walang nagtatangkang bumangga.Bata palang ay may kalipunan ng mga kabarkada.Gusto lagi na sa kanya ang atensiyon kaya galit siya sa mga kapwa kaedaran na hindi siya pansin.Lumaki ang batang lalaki sa isang pamilyang mapagmahal ngunit sabi nga ng karamihan walang perpektong pamilya at si Barachiel ang isa sa mga dahilan ng hindi pagiging perpekto ng kanilang pamilya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook