Pagkatapos kong mag banyo bumaba ako ulit pero di ako bumalik sa kusina kundi nag punta ako sa may pool side.pag lingon ko nakita ko ang magandang garden na puro orchids at dahlia. Maliwanag ang ilaw kaya kitang kita ko ang ganda ng mga bulaklak.naupo ako sa banko sakat pumikit ng umihip ang malamig na hangin.ang ganda dito madaming bulaklak.mama papa Kumusta po kayo diyan sa langit.alam niyo po nakarating na po ako ng Manila.sobrang iba po ito sa atin dahil maraming malalaking building at bahay.tingala ko sa langit.sobrang linaw ng langit at maraming bituin na kumikislap.
Hindi ko namalayan na isang oras na pala ako dito at May naramdaman akong parang May nakatitig sakin kaya bigla nalang akong kinilabutan.dali dali akong pumasok at natakot pa ako ng makasalubong ko ang isang kasing edad ko lang na kasambahay.
“Ay kabayo!! Ano ba yan nakakagulat ka naman” sabi ko na hawak ang dibdib ko dahil sa kaba.
“Pasensya na po ma’am kung nagulat ko kayo sige po mauna na po ako” sabi niya umalis na kaya pumasok na rin ako at umakyat sa taas.pag bukas ko ng pinto walang Jacob sa kama.pero narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.humiga na ako kasi inaantok na ako.
Kinabukasan,nagising akong mag isa na naman sa kama at may nakita akong notes sa tabi ng cellphone ko. Hi beautiful, be ready at 4pm I will pick you up.sulat kamay niya at grabi ang ganda ng sulat niya ha.nilapag ko sa table ang note niya,bumangon ako para mag banyo.
“Ma’am,ready na po ang almusal” katok ng kasambahay sa pinto.
“Sige baba na ako” sagot ko mula sa loob.tinapos ko na ang pag bibihis at bumaba na .maraming nakahain na pagkain sa mesa kaya niyaya ko mga kasambahay na sabayan ako pero ayaw nila dahil tapos na daw sila kumain.
Wala akong ginawa buong umaga kundi manuod ng tv,kain at umupo.ka boring naman nito.
Pagkatapos ng tanghalian dumeritso ako dito sa may garden para tumambay.presko ang hangin dito at maraming paro-paro kaya nakaka relax sila tingnan.hindi ko namalayan na nakatulog ako dito sa may sofa ng gazebo.
“Ma’am Sharon? Maam Sharon! Tumawag po si sir Jacob,tulungan daw po kita mag bihis.” Gising sakin ng kasambahay na si ate miyang.
“Umm nakatulog pala ako.anong oras na ba?” Tanong ko.
“3:30 pm na po” sagot niya kaya bumangon ako.tumayo na ako saka umakyat sa taas.sumunod naman sakin si ate miyang sa taas.pag bukas ko ng pinto mayroon doong mahabang box na kulay puti at meron din iba pang box na kasama.
“Ate anong mga yan,?” Tanong ko.
“Ah yan? Yan daw po gagamitin mo sa date ninyo ni sir,hehehhehehe!! Ang sweet ni sir Jacob”sabi niya na kinikilig.
“Date? Kailan at saan?” Tanong ko.
“Ah di ko po alam basta ang bilin sakin tulungan kitang mag bihis.kaya sige na po maligo na kayo” sabi niya.nag half bath lang ako dahil naligo na ako kaninang umaga at mahirap patuyuin ang buhok ko.suot ang bathrobe inayusan ako ni ate sa mukha, kunting blush on lang at light na eyeshadow ang nilagay niya sakin ganon din sà lipstick.
“Ayan!!!! Super ganda mo na po ma’am tiyak na lalong mainlab si sir sayo” daldal niya pa.
“Naku ate hwag mo na akong bulahin at nakakahiya” sabi ko sa kanya pero napahagikgik lang siya.
“Totoo po yon na ang ganda ganda niyo po.hali na po kayo suot na natin ang damit bago natin ayusin ang buhok mo.” Sabi niya kaya binuksan niya ang damit at nagulat ako sa sobrang ganda nito. White off shoulder na hanggang tuhod ko lang pero serena cut siya kaya mas lalong litaw ang kurba ko at yong s**o ko litaw na litaw ang cleavage ko.nilagyan ni ate ng spray foundation ang banda sa may leeg ko hanggang cleavage para daw parang Naka highlight ang bilugan kong cleavage kaya nailang tuloy ako.nilagyan niya ako ng pearl na hair pin saka kinulot ang dulo ng buhok ko.
“Wow grabi ang super ganda naman ng batang ito!” Bulalas ni ate.
“Si ate talaga ,sige na nga salamat po” sabi ko na natatawa.kinuha niya ang sandal na kaparehong kulay din ng damit at binuksan niya ang isa pang blue na square box at tumambad sakin ang isang set ng diamond earings and necklace.sinuot niya sakin saka ako sinipat sa salamin.
“Oh ha? Pang ms universe!!!”sabi niya na nakangiti sakin sa salamin.napangiti na rin ako .may inabot pa siya sakin na maliit din na parang wallet na kakulay din ng damit at sandals ko. “Dito mo lagay ang cellphone mo at kung ano pang gusto mo dalhin like lipstick but yong lipstick mo waterproof yan kaya di basta basta matanggal kaya ok ka na.”paliwanag ni ate miyang,tumango lang ako sa sinabi niya.
“Salamat po ate miyang” sabi ko.
“Oh halika na at nasa baba na malamang ang sundo mo” sabi niya na pinag taka ko.
“Akala ko po ba si gur—-Jacob ang mag sundo sakin?” Tanong ko sa kanya.
“Ah eh hindi daw makarating si sir kaya pinasundo ka nalang at alam naman ni kuya kung saan ka ihatid.” Sabi ni ate miyang. Tumango nalang ako kahit disappointed ako sa nalaman na hindi pala si gurang ang mag sundo sakin.
Huminto kami sa isang building sa Ortigas,pasado alas sais na kami naka alis sa traffic kaya medyo gutom na rin ako.
“Ma’am andito na po tayo,” sabi ni kuyang driver.nakalimutan ko ang pangalan niya.
“Ha ah eh saan po ba ako pupunta? Hindi ko p——tok!tok!” May kumatok sa bintana kung saan ako nakaupo.nagulat ako dahil nakita ko si Eloisa,binuksan ko agad ang pinto.
“Hello,nagkita ulit tayo” bati niya na nakangiti sakin na may pag hanga.
“Hi Eloisa, Salamat nga pala noong nakaraan ha tinulungan mo ako” pasalamat kung sabi sa kanya.
“Ay naku wala yon, teka halika ka na at hinihintay ka na ni kuya nasa loob.” Sabi niya kaya nag taka ako kung sinong kuya.
“Ha? Ah eh sino ba kuya mo?” Confuse kung tanong.
“Yong lalaki na sumundo sayo last time,si Mr Jacob Rickman kuya ang tawag ko kasi nga matand naman siya sakin ehehhehehe” sabi niya kaya napangiti na rin ako.
sinamahan niya ako sa loob,at dinala sa isang parang malaking kwarto,dim light ang buong lugar pero kitang kita ang mga naka ayos na lamesa pero wala naman akong nakitang tao kundi si gurang lang na naka tayo sa parang hallway.may hawak na isang bouquet ng bulaklak nakatingin siya sakin ng na medyo nakangiti halos hindi ako makahinga sa lakas ng kaba sa dibdib ko ng makita ko siya dahil sobrang gwapo niya ngayon sa ayos niya.yong tingin pa lang niya nanghihina na tuhod ko at nakaayos din ang buhok niya kaya mas lalo siyang guwapo.
Hindi na yata nakapag hintay na lumapit ako kaya sinalubong niya kami ni eloisa.
“Hi babe,” bati niya sabay kiss sa noo ko at binigay sakin ang flowers na hawak niya. “thanks Eloisa” baling niya sa kasama ko na nakangiti.
“No problem kuya” sagot niya at umalis na ito.
“Umm tayo lang andito?” Tanong ko
“Hmmmm siguro, let’s go to our table?” Yaya niya sakin.pinag hila niya ako ng upuan at itinabi niya muna ang bulaklak sa isang upuan ng marinig ko mah tugtog ng kantang (?? ????? ?? ???)hinintay ko siyang maupo sa harap ko pero hindi.mayamaya lang may lalaking lumapit samin,may dala itong bottle of wine at wine glass.saka naman lumapit sakin si gurang hinawakan ang kamay ko para tumayo,nag taka naman ako kasi akala ko kakain na kami.
“Babe, before anything else, I am so happy that you are with me now, I can’t find the words to say this.all i know is I can’t afford to lose you or let you go.” Sabi niya na nakatitig sakin hindi binibitawan ang kamay ko.wala akong masabi dahil sa kaba na nararamdaman ko. “ ummm bakit mo ba sinasabi to sakin?hindi naman ako aalis” sabi ko sa kanya.napangiti siya sakin saka hinawakan ang pisngi ko at gamit ang hinlalaki he touch my lips na mas lalong nagpalakas ng t***k ng puso ko.
“And I won’t let you, It may sounds selfish but I want you to stay with me,babe” sabi niya.napangiti ako ng kaunti sa sinabi niya.pero naisip ko din yong sinabi niya dati.wala na akong pamilya na matatakbuhan kundi si nanay Azon nalang meron ako at ayaw ko na nigyan siya ng problema.alam ko sa sarili ko na mahal ko na ang lalaking ito pero alam ko rin na hindi kami nababagay dahil sa agwat ng buhay meron kami.
“Ano ba yang pinag sasabi mo gurang,nagugutom na kaya ako at mukha pa namang masarap ang pagkain nila dito” sabi ko pero may narinig akong tawa sa sulok ng lugar.
“Tsk!! I’m serious Babe, Call me gurang again and I will make love with you right here!” Sabi niya na kinakaba ko at may narinig na naman ako singhap kaya natakip ako ng bibig.
“Sorry” tangi kung nasabi na nag peace sign pa sa kanya.hindi ko tuloy alam ang sasabihin kasi baka tutuhanin niya ang sinabi niya naku pag nagkataon baka mag viral pa kami, dalawang tao nahuli nag se-s*x! Yuck ang pangit,