Chapter 18

1548 Words
Waldo calling.. “ hello” “Sir andito sa baba si Hero”bungad nya sakin. “Okay baba na ako.” Sagot ko, tiningnan ko muna si Sharon na katutulog lang.may lagnat pa sya pero di na kagaya ng kagabi. “Good morning Mr Rickman” bati sakin ni hero ang private investigator na h-hire ko para alamin kung si Sharon ba yong batang tinulungan ko noon. “Good morning,any update?” Tanong ko pero tumingin lang sakin si Hero ang tumingin kay Waldo na nasa isang upuan.nagets na naman ni Waldo kaya tuamyo ito. “Sir sa labas lang po muna ako” sabi nya na tumango lang ako. “So , ito yong nakalap kong information sa aking pag punta doon” inabot nya sakin ang brown envelope.binuksan ko ito .may mga pictures sa landslide at kilala ko ang lugar na ito. Flashback “Anak Jacob sponsor ang company natin sa medical mission sa pronbinsiya at bilang anak ko gusto ko ikaw ang maging representatives ko doon.sa Friday na ang lipad mo patungong ormoc” sabi ni dad sakin habang kumakain kami ng almusal. “Honey, masyado pang bata itong anak mo para ipadala mo sa malayo,” sabat ni mommy. “Hon mas maigi yan para masanay ang anak natin sa pag ma-manage ng business natin dahil sila din naman ang magmamana ng lahat.” Mahabang sabi ni dad kay mommy.tahimik lang ako kumakain dahil ayaw ko suwayin si daddy.kahit ayaw ko ang pag do-doctor dahil ang gusto ko talaga gumawa ng mga bahay o building (engineering)pero ayaw ko ma-disappoint si dad sakin. “Haaay ang layo naman kasi non honey,baka mapano lang anak natin.” Sagot ni mommy na tumingin sakin.alam ko na kung bakit nag alala sya na baka mapano ako doon,ngimiti ako sa kanya. “Mey ok lang po ako gusto ko rin po”assurance ko kay mommy. “See? Gusto din nag anak mo kaya hwag ka na mag alala at kasama naman nya yong driver nya at si conching” sagot ni dad . “Daddy sama din po ako” singit ni John na nasa high school na sya. “Nope, may klase ka at gusto ko mataas ang mga grades mo kagaya ng sa kuya mo” sagot ni dad.mataas din naman mga grades ni John yon nga lang may comparison samin na nangyayari dahil gusto ni dad na kung ano grades ko dapat ganon din kay John.mabuti nalang at andito si mommy para e explain kay dad na hindi kami magka pareho ni John. “Lagi nalang si kuya ang ganito,ganon”pabulong nya na sagot na nakanguso pa. “John!” Boses ni dad na medyo matigas na “Hon ako na kakausap sa mga bata,please nasa harap tayo ng pagkain” pigil ni mommy kay daddy. “Hmmmm, mag ready ka Jacob dahil maaga ang alis nyo sa friday. Don’t disappoint me son!” Sabi ni dad na kinatango ko. “Opo dad” saka ako ngumiti kay mommy para iparating na ok lang ako. Sakay ng chopper maaga kaming nakarating sa Ormoc city.at dahil nga nasa liblib na mga baranggay ang medical mission kaya kailangan namin sumakay ng 4x4 truck. Kasama ang buong team bumiyahe kami para hindi kami gabihin sa daan.nakasunod naman samin ang dalawang truck na puno ng mga gamot at gamit para sa mga taga rito. “Yaya conching gutom na po ba kayo?” Tanong ko kay yaya na nag pupunas ng pawis. May edad na si yaya at mahal na mahal ko to dahil para ko na rin nanay. “Naku anak Oo kanina pa.nag tanong na rin ako kung may malapit ba na kainan sa pupuntahan natin”sagot nya.kasama namin sa truck si kuya Rico kahit sabi ni daddy driver ko sya pero alam ko na hindi dahil narinig ko sila minsan nag uusap na bantayan ako.at minsan ko na rin nasaksihan kong paano lumaban si kuya Rico sa tatay nong nang bully sakin noon sa school. “Ako din po gutom na” sagot ko, may kinuha si yaya sa loob ng bag nya at inabot sakin ang isang cracker biscuit saka tubig. “Ito muna kainin mo” abot nya sakin. Napatingin naman samin ang mga kasama kung doctor at nurse. “ ito ba yong anak ni Mr Rickman? May kasama pang yaya?” Sabi nong isa at tumawa pa. “Iba talaga pag mayaman” sabi din nong isa. “Mga doc ako ang nag pilit dito sa anak ko na sasama dahil taga rito din ako sa Ormoc pero nasa ibang baranggay lang kami nakatira.”sabat ni nanay, “Ahhh kaya pala. Pasensya ka na iho, ano nga pangalan mo?” Tanong nong tumawa na nasa edad 40 yata, “Jacob po” tipid kong sagot. Sasagot pa sana sya ulit ng bigla kami huminto.Sumilip si kuya Rico sa unahan. “ nanay conching kayo muna bahala kay Jacob,titingnan ko kung Ano nangyari sa unahan”bilin nya at tumango naman si yaya. Mayamaya bumalik si kuya. “ kakain daw muna tayo meron kainan doon sa unahan” sabi nya kaya nag sibaba na kami.marami akong nakikitang mga puno ng niyog at punog kahoy.ibang iba sa Manila na puro building ang makikita mo.kumain kami at napaka bait ng mga tao samin.namigay na rin kami ng gamot at vitamins sa kanila at malapit na kami sa pupuntahan namin baranggay kaya inimbitahan namin sila na pumunta sa medical mission. Marami din ang pumunta sa medical mission para magpa check up at humingi ng gamot o vitamins. “Jacob Anak merienda ka muna oh” abot sa kanya ni yaya conching ng juice kakanin na binili yata nito sa mga nag titinda. “Salamat yaya kayo po nag merienda na?” Tanong nya. “Ay Oo kanina sabay kami ni Rico” sagot nito kinain nya ang bigay sa kanya na merienda at bumalik sa kanyang ginagawa. Mag alas dos na ng nag umpisa ang malakas na ulan at mabuti nalang dahil malaki itong covered court at may mga naka lagay na trapal sa gilid bilang dingding para di mabasa ang gamit nila. Tuloy pa rin sila sa ginagawa dahil gusto nila matapos ang araw na ito na gamot lahat o nabigyan ng vitamins. “Mama ayaw ko po kasi baka turukan ako ng karayom” narinig nya ang umiiyak na bata kaya lumabas sya ng tent.nakita nya ang batang babae na nasa sampo o higit pa.ang cute nito at kahit luma ang suot nitong damit makikita mo ang gandang bata. “Pag hindi ka talaga tumigil sa kakaiyak mo papaturukan kita” sabi ng ina ng bata. Nainggit tuloy sya sa nakikita kahit naman kasi mahal sya ng mommy at daddy mas iba pa rin pag totoo mong magulang. “Huhuhuhu ayaw ko nga kasi natatakot ako sa karayom” iyak nong bata.kaya lumapit sya at kinuha nya ang lollipop sa may table. “Hello,hwag kang matakot dahil parang kagat lang ng langgam yon” sabi nya at nag tago naman sa likuran ng nanay yong bata. “Ay magandang hapon po sir,pasensya na po kayo at maingay itong anak ko” sabi nya kaya ngumiti ako. “Hwag po kayong mag alala at ok lang.ano po ipapatingin nyo sana para masamahan ko kayo kay doc” tanong ko. “Palagi kasing sumasakit ang ipin ng batang ito kaya ipatingin ko sana” sabi nya kaya sinamahan nya ito Sa dental area. “Maayos naman ang ngipin nya walang sira pero lagi po tayong mag sipilyo araw araw para maiwasan ang pagka sira ng ipin ano po?” Sabi ni doc Aries sa dental area. “Salamat po doc. Narinig mo yon Sharon?” Baling nito sa anak, tumango naman ang bata dahil parang nahihiya ito sa kanya. “Walang anuman po.punta nalang kayo sa pharma section para makahingi kayo ng vitamins ano ho?jake iho paki samahan sila” sabi ni doc Aries. “Opo doc ,tayo na po?” Aya nya sa mag ina at dinala nya nga ito sa pharma section.nag bigay din sya ng dagdag vitamins para sa bata at paracetamol. “Salamat sir ang bait mo naman.doctor ka ho ba?” Tanong ng ali. “Mag do-doctor pa lang po.at ito po pala may binalot po kami para sa lahat” binigay nya ang naka pack na grocery.noon kasing nakaraang buwan dito ang bagsak ng bagyo kaya madami din ang napinsala ang bagyo at itong medical mission in organized ng daddy nya para sa libring gamot. “Kuya bakit mo iba ang kulay ng mata nyo?” Tanong nong bata.napangiti naman sya dahil sa wakas kinausap siya nito. “Sharon! Naku pasensya ka na sir,madaldal talaga tong anak ko.”ginulo nya ang buhok ng bata “Ok lang po nanay. Ang totoo niyan di ko din alam bakit iba ang kulay ng mga mata ko” sagot ya sa bata saka ito tiningnan sa mata din at hindi niya maintindihan dahil bigla siyang kinabahan ng tumingin din ito pabalik sa kanya.bigla nalang kasi parang ang bilis ng t***k ng puso nya napahawak pa sya sa dibdib nya. Nag paalam naman ang mag ina na aalis na.tinawag na sila nong tatay yata ng bata na nasa loob ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD