Pag alis nila ate malou at ate Gena nag stay lang kami ng thirty minutes.hanggang ngayon parang masamang panaginip lang. Kasama sa nasunog ang mga gamit ko.babalik na naman ako sa umpisa nito.ano ba to sobra naman pahirap sakin ako na nga lang bumubuhay sa sarili ko tapos ganito pa.kaya di ko napigilan umiyak sa sobrang awang-awa sa sarili ko.
“Stop crying,everything will be fine” sabi ni Jacob na nasa driver seat.
“Sabi mo lang yan dahil may pera ka,may mga magulang ka.eh ako? Wala!” Iyak kong sabi.bumuntong hininga sya .
“Wala naman kasing mangyayari kung iiyak ka lang dyan.gamit lang yon pwede mong palitan.ang importante wala ka doon sa sunog na yon” sabi nya na matigas ang boses kaya mas lalo akong naiyak sa sinabi nya.
“Sana nga andoon nalang ako.baka sakali nakuha ko pa ang mga gamit ko”iyak kong sagot.masakit talaga para sakin dahil kasama yong importanting alala nila mama at papa sa nasunog.itinigil nya ang sasakyan sa tabi at bumuntong hininga ulit.
“Wala na tayong magawa dahil nangyari na. Come here i give you a hug” sabi nya sabay hila sakin na akmang yayakapin ako.
“Teka ano ba? Bakit may yakap ka pang nalalaman? Para-paraan ka rin ano?”pigil ko sa kanya.
“Tsk! E c-comfort lang naman kita.napaka malisyusa mo pala pero pwede na rin total pareho naman tayong single” sabi nya kaya naihampas ko sa kanya ang sling bag ko dahil namula ako sa sinabi nya sakin.
“Lahat nalang dinadaan mo sa biro.seryuso nga kasi!!” Inis kong sabi.
“Bumaba ka na! Baba!!” Sabi nya na binuksan ang pinto para lumabas.nagulat naman ako sa sinabi nya bakit nya ako pinababa? Iiwan nya ba ako dito sa gitna ng daan?natakot ako at nainis na rin sa kanya hanggang sa buksan nya ang nasa side ko. “Halika ka na gutom na kasi ako.kakain muna tayo bago tayo uuwi.”nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya kasi akala ko nagalit sya at iiwan ako dito sa kalye.napalinga ako ar ngayon ko lang nakita na meron palang maliit na kainan sa tapat ng pinag parkingan nya.tumingin ako sa relo ko six thirty na pala.
“Anong gusto mong kainin?” Tanong nya ng maka upo kami sa may lamesa.
“di ko alam” Tipid kung sagot.
“Wala silang ganon g pagkain dito” sagot nya kaya naguluhan ako.
“Ha?”
“Sabi ko wala silang pagakin dito na ang pangalan ay (di ko alam)” sabi nya kaya inirapan ko sya.
“Bahala ka na mag order.” Sagot ko.
“Ok” tipid nyang sagot.
“Teka! Kumakain ka sa ganito? Baka mamaya nyan sasakit pa ang tiyan mo malayo tayo sa hospital”sabi ko sa kanya.medyo natigilan sya at tiningnan ako sa mata.maraming dumaan na emotion doon at tipid syang ngumiti sakin na kalaunan ay nauwi sa ngisi.
“Hmmm nag alala ka sakin? Don’t worry babe sanay ako sa ganito” sagot nya na naka ngisi kaya napa taas ako ng kilay.
“Bahala ka basta wala akong kasalanan” sabi ko nalang. Lumapit sya sa nag titinda para pumili ng ulam.nakita ko pa na naka ngiti sya sa tindera at yong tindera naman parang kilala sya at nakipag tawanan pa.gwapo naman talaga itong si gurang.matangkad,makinis ang balat na parang may ibang lahi,matangos ang ilong at macho din dahil nakita ko na sya minsan naka sando lang.bigla syang lumingon sakin at di ko alam kung ano ang nangyari eh bigla nalang nag slow motion at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.hala anong nangyayari sakin may sakit na ba ako sa puso?nakangiti din ang tindera na matanda lang sakin ng ilang taon.kinuha nya ang pagkain saka sya nag lakad pabalik sa mesa namin.
“Here’s our food.susunod nalang yong drinks natin ni melba.” Sabi nya pagkalapag ng tray.
“Ang dami naman nito. Kaya ba natin ubusin to?” Sabi ko.tiningnan ko ang mga pagkain.adobo manok.paksiw na bangus,nilagang monggo,apat na takal ng kanin,pritong pork chop at ginataang pero ang totoo nyan tuwang tuwa ako dahil gutom na talaga ako. “At saka wala akong pambayad nyan”dagdag kong sabi.
“Well? Pwede naman utang muna”sagot nya kaya napa simangot ako.
“Ganon? di nalang ako kakain.sige hintayin nalang kita sa sasakyan”sabi ko sabay tayo.wala na nga akong trabaho tapos may babayaran pa akong salamin nya at ito na naman idagdag nya naku mauubos ang ipon ko at problema ko pa ngayon kung ang mga gamit ko sa school.
“Oppss! Nag bibiro lang ako! Umupo ka na at kakain na tayo” pigil nya sakin.
“Ito na inumin nyo sir jake,ma’am?” Inilapag nong tindera ang isang pitsel na tubig at dalawang baso.
“Salamat Aiza” sabi nya sa tindera.
“Walang anuman sir,kung may kailangan kayo sabihin nyo lang sakin.sige po” sabi nya at bumalik na sya sa loob.
“Kilala mo sya.?” Tanong ko.
“Anak sya ng dati naming kasambahay” sagot nya sakin.
“Talaga? Maganda ba ang Manila? Gusto ko kasi pag nakapag tapos ako punta ako doon.” Sabi ko habang kumakain kami.
“Depende kung saan banda sa Manila,maganda sa negosyo dahil city sya pero magulo din”sagot nya na nag kibit balikat.
“Bakit magulo? May abusayaf doon?”curious na tanong ko.
“Wala pero traffic doon.” Sabi nya.
“Ahh okay “
“Bakit gusto mo pumunta ng Manila?” Tanong nya.
“Para makita ko yong future husband ko. Hehehhe” biro kung sagot.napa simangot naman sya sakin.
“Kumain ka nalang muna,husband agad wala ka pa ngang boyfriend”masingit nyang utos sakin.
“Joke lang naman,mag tapos muna ako ng pag aaral saka ko sya hahanapin para makapag pasalamat ako sa kanya.” Sabi ko.napatingin sya sakin.
“Sino? Akala ko ba ulila ka na.”tanong nya.
“Yong taong tumulong sakin noon.” Sagot ko na ngumiti sa kanya.
“Alam mo ba kung saan sya sa Manila?” Tanong nya.
“Hindi nga eh,pero alam mo ba na ang bait-bait nya sakin at sobrang gwapo pa nya”pag bibida kong sabi sa kanya.
“Mas gwapo pa sakin?” Tanong nya.
“Oo,pero matanda ka na kasi eh” sagot na kinasamid nya.pulang pula ang mukha sa kaka ubo.inabutan ko sya ng tubig para mawala ang bara sa lalamunan nya.
“okay ka na?” Tanong ko sa kanya ng tumigil na sya sa pag ubo.
“Are you done eating?” Seryuso tanong nya sakin.
“Oo tapos na ako,”sagot ko. Tumayo sya at lumapit sa tindera,nakita ko nag abot sya ng ilang papel na pera. Ayaw pa sana tanggapin ng tindera pero pinilit nya ito kaya dinig ko pa ang pasasalamat nya kay Jacob.
“Let’s go,it’s getting late”sabi nya na nauna ng nag lakad palabas kaya patakbo akong sumunod sa kanya.
Tahimik kami sa biyahe pa uwi.at sobrang seryuso ang mukha nya .ano kaya nangyari?ok naman kami kanina habang kumakain.
Huminto sya sa tapat ng bahay namin.
“Salamat ha,goodnight Jacob” pasalamat ko sa kanya dahil masyado syang tahimik mula pa kanina.
“Goodnight”at nagulat ako sa ginawa nya.bigla nya kasi akong hinalikan sa noo. “Sige na pumasok ka na sa loob” utos nya sakin. Napahawak tuloy ako sa noo ko. Pamilyar kasi sakin yong gestures na yon.pagka pasok ko sa loob narinig ko ang pag alis nya.tahimik na ang bahay tiyak na tulog na sila nanay kaya umakyat na ako sa taas, 9pm na pala at narinig ko pa na nakikinig ng radio si ate Janice kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.nakaligo naman na ako kanina kaya nag bihis lang ako ng sando at shorts.yon nag pang tulog ko.buti nalang may damit pa akong natira dito.nakatulugan ko ang pag iisip kung saan ako hahanap ng trabaho para sa pag aaral ko.