Napag desisyunan ko na hihinto muna sa next semester.mag hanap muna ako ng trabaho para makaipon ako ulit.
“Anak,gising ka na pala.halika na kain na tayo.Janice anak yong mga ingredients ok na ba?” Tanong ni nanay kay ate,
“Opo Ma,Sasa ikaw na ang mag deliver ng order mamaya.”baling ni ate sakin.
“Sige po ate,saan po e deliver?” Tanong ko.
“Diyan lang anak sa may crossing.yong bagong tayong malaking bahay.may okasyon yata.” Sabat ni nanay.
“Ano pong order nila nanay?” Tanong ko.
“Biko at puto anak pwede bang ikaw ang gumawa ng puto at dalhin mo mamaya?”sabi ni nanay.
“Sige po walang problema at tutulong din po ako bukas.” Sagot kong nakangiti. Natapos kaming kumain at nag umpisa na akong mag luto. Ganon din sila nanay at ate.
“Tao po! Tao po!” May tao sa labas kaya dumungaw ako sa bintana.isang lalaki at babae na halos kaidad ko lang.
“Ano po yon?” Tanong ko.
“Andiyan po ba si nanay Azon?gusto ko po sana makausap.” Sabi nya kaya pinapasok ko sila at tinawag ko si nanay .
“Upo muna kayo” sabi ko.
“Ohh Ale,ikaw pala. Anong sadya nyo?” Tanong ni nanay .
“Ah nanay sa linggo po ang birthday ni mama at isabay na rin ang house blessing. Wala po kasi kaming nakuhang mag luto.kung maari po sana kunin po namin kayo? Dumating kasi ang kapatid ko at si bayaw galing ng US kaya yon medyo espisyal po.”mahabang sabi nong Ale daw.napangiti naman ako sa kasama nya,ang ganda ganda nya at mukhang mabait.
“Ah eh,nasabi nga sa akin ng mama mo nong nagkita kami sa palingke.nag order nga sya ng biko at puto” sagot ni nanay.
“Ah ganon po ba?” Tanging nasabi ni Ale kay nannay.
“Hi ako pala si Sally,”pakilala nya sabay lahad ng kamay.
“Hello ako naman si Sharon”sagot ko na tinanggap ang kamay nya.
“Yes! Sa wakas may friend na ako dito” sabi nya na nakangiti.
“Naku Salamat Ale at naisip mo ako pero hindi ko alam kung kaya ko pa mag luto ng marami.” Sagot ni nanay.
“Mama tutulong po ako”sabat ni ate Janice kaya napatingin kami sa kanya, “magkano ang bayad?” Tanong nag agad sa kausap namin.
“2k po.pag luluto lang po yon at may mga kasama naman po kayo na iba pa.bali kailangan lang po namin ng marunong talaga sa mga putahe para sa linggo” sagot nya.
“2k lang? Dagdagan nyo na dahil tatlo kami mag luto”sabi ni ate . Nagulat ako na ganon pala ka laki ang bayad pag mag luto? Sabagay ano bang alam ko eh kahit nga 500 malaki na sakin.
“Sige po walang problema sabihin ko nalang kay bayaw.”sagot ni Ale.
“Sige basta ba maayos kayong kausap.paki sabi pala kay mama mo na mamaya nalang namin i deliver ang order nyang puto.” Sabi ni ate.
“Sige po ate Janice,nanay Azon,alis na po kami”paalam nila.
“Bye Sharon,nice meeting you” sabi naman ni Sally.kumaway ako sa kanila.
“Anak kaya ba natin yon mag luto ng marami?”worried na tanong ni nanay kay ate.
“Mama ako na bahala. Ano pa’t nag aral ako ng HRM?” Pagmamalaki pa ni ate.
“Tutulong din po ako nanay” sabat ko at niyakap sya ng mahigpit.
“Haaaay Salamat Lord at napaka swerti ko sa mga dalaga ko sana hwag muna silang mag asawa” sabi ni nanay kaya natawa ako.
“Hahhaha nanay bata pa po ako.at di ko pa po nahanap yong magiging husband ko” pabiro kong sabi na kinatawa ni nanay.
“Tsk! Iwan ko sa inyong dalawa.buti nalang ako andiyan si boyet,tutulong din sya bukas satin mama” sabi ni ate kaya natuwa ako.mabait si kuya boyet,minsan pag inaapi ako ni ate sya ang nagtatanggol sakin.
“Oh siya sige. Ngayon mag ayos na tayo para sa tindahan natin.sharon anak ikaw na bahala sa puto” bilin ni mama.dahil nag luluto si ate ng mga tinda namin.
“Nay,alis na po ako!” Paalam ko kay nanay per di ko alam kung paano ko dalhin ang dalawang bilao.
“Anak hintayin mo si Ronald.sya ang kasama mong maghatid ng puto.” Sabi ni nanay kaya natuwa ako.
“Magandang hapon po!” Bati ni Ronald.
“Oh Ronald mabuti andito ka na.” Sabi ni nanay.
“Mano po nanay Azon” sabi nya kay nanay
“Kaawaan ka ng Dios”
“Hello Sharon,ito na ba yong dadalhin natin?” Bati nya saka tinuro ang mga bilao.
“Hello, Oo yan,sige po nanay alis na kami para makabalik ako agad,” paalam ko .
“Sige mag iingat kayo,”bilin ni nanay at sinakay na namin sa loob ng tricycle ang dala namin. Mabilis lang kami nakarating dahil malapit lang naman bahay nila Ale.
“ andito na tayo” sabi ni Ronald. Bumaba ako ng tricycle at kinuha ang bilao. Nag doorbell naman si Ronald at mayamaya pa may nag bukas na matandang lalaki.
“Oi Ronald ikaw pala,sino kasama mo?”tanong ng matanda.
“Ahhh hello po mang berting,si Sharon po dala yong order ni Auntie”sagot ni Ronald. Kilala nya pala ang mga nakatira dito?
“Oh sige pasok na kayo”sabi ng matanda at niluwagan ang bukas ng gate. Namangha ako sa ganda ng bahay. At ang garden ang ganda din.nakita ko na may mga tao sa gilid ng bahay at may nag aayos ng tent,mesa at upuan.deri-deritso naman nag lakad si Ronald na para bang sabisado ang bahay.
“Dito tayo dadaan sa kusina” sabi nya kaya tumango lang ako.komatok sya at ang nag bukas si Ale, inabot ni Ronald ang dala nya at kinuha naman ito ni Ale.nakita ko si Sally sa may likuran nya.
“Oi Sharon pasok ka muna!” Sabi nya at hinila ako papasok. Medyo nahiya pa ako dahil may mga tao pala dito sa loob. Nakatingin sila lahat sakin na hila hila ni Sally sa kamay. At mas lalo akong nagulat ng makita ko si gurang kausap nya yong mukhang amerikano at yong magandang babae. Nasa table sila at mukhang nagkakatuwaan.napahinto naman ako bigla sa pag lalakad.
“Halika ka na hwag ka mahiya,”sabi ni Sally kaya alanganin akong ngumiti sa kanya.
“Guy’s sya pala si Sharon kaibigan ko.sila yong maari ng kainan diyan sa may labasan” pakilala nya kaya tipid akong ngumiti.
“Ikaw ba ang nag luto nito?” Tanong nong magandang babae.nailang ako dahil titig na titig sakin si gurang.ilang araw din hindi ko sya nakita pumunta sa tindahan namin simula nong sinamahan nya ako sa bayan.
“Opo ate” matipid kong sagot.kumuha sya at kinain nya ang dala kong puto.
“Wow ang sarap,na miss ko to ng sobra” sabi nya habang kumakain.
“Baby give me some” sabat naman ng amerikano at hinawakan ang kamay ni ate na may puto saka sinubo.nakita ko pa kung paano nya sinimangutan yong tao kaya napangiti ako.kumindat naman yong lalaki sa kanya.ang cute nilang tingnan parang yong nasa tv lang. Pero narinig ko nalang na may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako at medyo nagulat ako ng naka tingin ng seryuso sakin si gurang.
“Ahh Sally alis na ako, mauna na po ako”paalam ko sa kanilang lahat.sumunod naman si gurang sakin kaya binilisan ko ang lakad.
“Sinong kasama mo? Gabi na ah” tanong nya kaya napahinto ako.
“Si Ronald sinamahan ako”sagot ko at tinuloy ang pag lalakad. “Sige alis na ako” paalam ko.
“Sabihin mo maona na sya at ako na mag hahatid sayo pauwi.”sabi nya ,
“Ha? Ah eh baka hanapin ako ni nanay” sabi ko
“Sandali lang naman ,”sabi nya kaya tumango nalang ako.lumabas ako ng gate para puntahan si Ronald, nakaupo na sya sa kanyang tricycle.