Pagka alis ni ronald hinila nya ako papunta sa sasakyan nya at pinasakay.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko dahil kinakabahan ako.
“Malalaman mo mamaya”sagot nya.kinabitan nya ako ng seatbelt at umikot sya sa kabila. Ilang minuto lang huminto kami sa bagong bahay.hindi pa sya tapos at maraming mga naka tambak na materials sa gilid.may nakita akong mga tao sa gilid at nag si yuko ito kay gurang.
“Magandang gabi po engineer.magandang gabi ma’am” sabi nong isang parang leader nila. Tumango lang si gurang sa kanila at tuloy lang sa paglalakad habang hila hila ako sa kamay.
Narinig ko pa sang sabi ng isang tauhan. Ang ganda nong kasama ni engineer at mukha bata pa.girlfriend nya kaya yon? Oo nga at first time to nag dala ng babae dito si engineer.sa narinig ko hinila ko ang kamay ko mula sa kanya.
“Teka lang saan ba tayo pupunta?” Tanong sa kanya.
“Tsk bakit natatakot ka ba sakin?may ipapakita lang ako sayo kaya kita dinala dito.” Sabi nya kaya napa buntong hininga nalang ako. Hinawakan nya ulit ang kamay ko at pumasok kami sa isang pinto. Namangha ako dahil ang ganda ng loob ng bahay.nakatakip pa yong ibang gamit pero dahil sa liwanag kaya kitang kita ko ang ganda nito.inikot ko ang mga mata ko sa paligid.
“Wow ang ganda!!! Kaninong bahay to?” Tanong ko sa kanya.
“Nagustuhan mo ba?” Ang labo naman nito,tanong din ang sinagot nya sa tanong ko.
“Oo ang ganda ganda ng bahay” sabi ko at hinila na naman nya ako umakyat kami sa taas,nakakita ako ng apat na pinto. Binuksan nya yong isa at pag pasok naman mas maganda dahil salamin ang sa left side bahagi ng kwarto at kitang kita mo ang view ng lupain sa ibabang bahagi.
“Ito ang master bedroom.at yong pinto na nakita mo kwarto din yon para sa guest or kung sino man ang titira dito.” Sabi nya.wala akong masabi kundi ang ganda.binuksan nya ang sa sliding door na salamin at lumabas kami.may balcony pala dito. Sariwang hangin ang sumalubong samin at nakita ko pa ang papalubog na araw.
“Wow ang ganda ng view dito!” Bulalas ko .napangiti naman sya sa sinabi ko.
“Buti naman nagustuhan mo ang gawa ko”sabi nya.
“Ang galing galing mo pala gumawa ng bahay!” Sabi ko sa kanya.napakamot naman sya sa batok nya parang nahihiya sya.
“Salamat,”tipid nyang sabi.humingi pa sya ng suggestion sakin kung ano pa ba daw ang idagdag sa bahay o kaya sa master bedroom.at kung ano ano pa lalo na sa kusina. Eh wala naman akong masabi pero pinakita nya sakin ang 3D na nasa laptop nya kaya namangha na naman ako sa nakita ko. Ang ganda talaga ng bahay.naalala ko tuloy ang munting bahay namin noon sa Ormoc. Maliit lang yon pero masaya kami dahil kumpleto pa kami non.ngayon mag isa nalang ako kaya kung ano meron ako laking pasasalamat ko na.
Mag didilim na ng hinatid nya ako sa bahay. Niyaya pa sya ni nanay na sumalo sa amin sa hapunan pero sabi nya babalik pa sya doon dahil andon daw best friend nya kaya hindi na namin napilit.
Araw ng linggo at busy kami sa pag luluto dito sa bahaging likuran ng bahay nila ate Lani.mabait si ate at boyfriend nya pala yong kaibigan ni gurang kaya pala parang close sila.si Ronald naman,sila pala ni ate Lani ang sinasabi nyang amo ng tatay nya.masaya akong nag luluto ng may mag abot sakin ng tasa na may lamang kape.
“Here drink this” napatingin naman ako sa nag abot sakin.si gurang at mukhang bagong gising magulo pa ang buhok.
“Umm sorry di kasi ako umiinum ng kape” sabi ko sa kanya. “Pero Salamat ha” dagdag kung sabi.
“Anong gusto mo inumin?” Tanong nya.kumuha sya ng puto at nilagay sa platito.
“Milo o ovaltine lang ang iniinom ko.” Sagot na may kasama tipid na ngiti.ako ang nakatuka sa pag hihiwa ng mga gulay at iba pa.si nanay at ate naman sa pag luluto.may mga kasama naman sila na tumulong din dito dahil nga may lechon din.
“Ok gagawa kita ng milo” sabi nya na pumasok sa loob . Mayamya bumalik sya na may dala ng tasa at kanin sa tray.nilapag nya ito sa lamesa at tinawag sila nanay at ate.
“Salamat Jacob anak. Gutom na rin talaga ako.” Sabi ni nanay dahil alas otso na kasi ng umaga. Kanina pa kami dito mga alas kwatro.
“Kain na po tayo nanay Azon.” Aya nya samin at nagulat pa ako ng pinag lagay nya ako ng pagkain sa plato.hindi tuloy nakaligtas sakin ang pag ismid ni ate sakin.nag patay malisya nalang ako sa nakita.sumalo naman si girang samin kumain.
Alas doce na kami natapos mag luto.Pina una na namin pinag pahinga si nanay kanina at kami nalang ni ate ang nagpa iwan dito.matapos malagay lahat sa lalagyan ang mga pagkain umuwi muna kami para magpa hinga.
“Sharon anak!” Katok ni nanay sa pinto.nakatulog pala ako sa sobrang pagud.bumangon ako at binuksan ang pinto. “Mag ayos ka na at andiyan si Jacob sa baba”sabi ni nanay pag bukas ko ng pinto.
“Po? Bakit daw po!” Confuse kung tanong.
“Pina susundo daw tayo ni Lani.sige na mag ayos ka na” sabi ni nanay kaya naligo ako at nag bihis.pinili ko ang isang simple bistida na sa ulay ukay ko lang nabili.malambot ang tela at butones sya sa harap hangga laylayan kulay pink cream sya kaya tamang tama sa kulay ng balat ko.nag suot lang ako ng sandals ko na parang gawa sa abaka sixty pesos lang bili ko nito dahil tinawaram ko talaga ang tindira hamggang sa pumayag sya. Nag pulbo lang ako at nag pahid ng kunting lipstick na baby pink color.ten pesos ang bili ko hahhaha.kinuha ko ang maliit kong sling bag at bumaba na.nakita ko naka upo si Jacob sa may banko namn na gawa sa kawayan.
“Alis na ba tayo?” Sabi ko nag angat naman sya ng tingin sakin .napa nganga pa sya na nakatingin sakin.nag taka naman ako sa reaction nya.napa sobra ba ang lagay ko ng pulbo kaya ganon ang reaction nya
Nag alis sya ng bara sa lalamunan nya.
“Ahh yeah, let’s go?” Sabi nya sabay lahad ng kamay,napa taas naman ako ng kilay.
“Bakit ganyan ka makatingin sakin? Masyado bang maraming pulbo ang nalagay ko?” Tanong ko sa kanya at hindi nakaligtas sakin nag ngsisi nya.
“Oo kaya di kita nakilala akala ko multo ka” sabi nya kaya napa hampas ako sa balikat nya.
“Ang sama mo sakin” sabi ko na lumapit sa salamin para tingnan ang mukha ,ok naman ang mukha ko. Sinimangutan ko sya at tiningnan ng masama.
“Aray! Ang bilis talaga ng kamay mo.hindi pa nga tayo mag boyfriend eh nananakit ka na”sabi nya.
“Iwan ko sayo halika na nga.”sabi ko at nauna ng nag lakad. Naona na yata sila nanay dahil hindi ko na sila makita dito sa bahay.
Malakas ang sounds system ang sumalubong samin at nagkakainan na pala sila.nakita ko sila sally sa may mesa kaya lumapit ako.
“Hi Sally nakita mo sila nanay?” Tanong ko.
“Nasa loob sila, pasok ka lang.” Sabi nya kaya pumasok ako.nakita ko naman si gurang na lumakad patungo sa isang mesa na may mga lalaki. Pag pasok ko busy ang lahat sa kusina.
“Nay,” tawag ko saka lumapit. Nakita ko si ate Lani at mama nya yata yon kausap nya .lumapit sila samin.
“Kumain na muna kayo maring Azon.pakainin mo na rin itong mga dalaga mo. Mag enjoy kayo sa party” sabi nya samin .
“Salamat mari, Lani “ sagot na pasalamat ni nanay. Ngumiti lang ako sa kanila.
“ anak kumuha ka na ng plato mo at kumain ka na rin.” Utos ni nanay pero di pa kasi ako nagugutom.
“Mamaya nalang po nanay. Di pa kasi ako gutom.”sabi ko.
“Ok sige, ikaw bahala”sabi ni nanay. Lumabas ako ulit at lumapit sa kanila ni Sally. Nag videoke sila kaya nanuod ako sa mga kumakanta.