Nag e-enjoy ako sa panunuod ng may humila sakin.
“Let’s eat first” si gurang na naman.
“Bakit ba hila ka ng hila sakin” inis kong sabi dahil muntik na akong masubsob sa sahig buti nalang nasalo nya ako.
“Sorry babe,halika na kain na tayo sa loob”sabi nya pero dahil nainis ako kaya sinungitan ko sya.
“Mauna ka na kumain at mamaya na ako.” Sabi ko.naamoy ko ang alak sa kanya kaya mas lalo akong nainis.
“Gusto ko sabay tayo babe,let’s go” sabi nya ulit at hinawakan ako sa kamay.hihilain ko sana ang kamay ko pero ang higpit ng hawak nya sakin.
“Ohh kuya kumain ka muna.”sabi ni ate Lani sa kanya na inabutan ng plato.
“Pahingi isa pa kasabay ko kakain ang babe ko” sabi nya kay ate Lani.napangiti naman si ate sakin.
“Ginugulo ka ba nito?” Tanong nya sakin .alanganin akong ngumiti sa kanya.
“Tsk hwag ka nga ganyan sakin” sabi ni gurang at lumapit naman yong amerikano na kaibigan nya.
“Hey bro, I will borrow my girl” sabi nya kay gurang at napa simangot naman si ate sa kanila.
“Go take her away from us.” Utos ni gurang.
“See y’all in later,I will talk to her first” sabi nya at umalis na sila.tiningnan naman ako ni gurang.
“Seat here I’ll get us food” sabi nya na hinila ang upuan para sakin.kumuha nga sya ng pagkain at tahimik kaming kamain dalawa.
Matapos ang housw blessing,nag umpisa na rin kuamin mga bisita nila at ako naman tambay sa tabi kasama sila Sally.mag pamangkin nila halos ang kumakanta sa videoke. Enjoy naman ako sa panunuod ng meron kumanta ng breathless by the corrs ng bigla nalang may dalawang taonng sumayaw sa gitna.
Ang isa doon ay si gurang kaya Natawa ako dahil mukhang lasing na sila. Pero maya maya pa tumigil din sila at kinuha ang mic ng mama ni Lani para magpa Salamat sa lahat ng dumalo sa birthday nya. Pero mas nagulat ang lahat ng bigla nalang nag proposed ang kaibigan ni gurang at napag alaman ko Aiden pala ang pangalan nya. Nakita ko pa na naiyak si ate Lani sa pag sagot nya ng YES.hiyawan naman ang mga bisita. Napangiti akong nanunuod sa kanila dahil ang cute nilang tingnan.
Ten thirty na ng magyaya si Nanay na uuwi na kaya nag paalam kami kina ate Lani at nag pumilit naman si gurang na ihatid kami pa uwi.
“Salamat sa paghatid,Goodnight Jacob Anak” sabi ni Nanay.
“Walang anuman nanay Azon”sagot nya.nagpasalamat din si ate Janice sa kanya at ganon din ako. Paalis na ako ng pigilan nya ako sa braso.
“Wait, are you free tomorrow?” Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.
“Umm maliban sa tutulong ako mag luto kay nanay wala naman na akong gagawin.bakit?” Sagot na patanong ko sa kanya.
“Okay I will pick you up tomorrow,around 2pm” sabi nya .
“Ha? Ah eh saan naman tayo pupunta?” Tanong ko.
“You will know tomorrow,just get ready .okay?” Sabi nya.
“Okay, sige pasok na ako,goodnight” sabi ko.
“Goodnight babe, dream of me” sabi nya kaya inirapan ko sya.
“Baka bangungot kamo”sagot ko kaya natawa sya.
“Grabi ka talaga sakin.sa gwapo kong to bangungot? Nakaka hurt ka na babe” sabi nya may pahawak pa sa dibdib.
“Sige na umuwi kana rin ang gabi na. Bye bye.” Sabi ko na nag umpisa na mag lakad pero hinila nya ako at hinalikan sa noo.
“Goodnight babe” paos nyang sabi kaya wala na akong nasabi na iba. Ang lakas kasi ng t***k ng puso ko parang di ako makahinga sa kaba.napa sandal ako sa pinto pag pasok ko.nag cleaner lang ako ng mukha at nag punas ng paa dahil sa alikabok at nag bihis ng sando at short ko na favorite dahil kahit butas butas na ayaw ko pa itapon presko kasi sa pakiramdam.
Kinabukasan totoo nga na sinundo nya ako at nalaman ko na pinag paalam nya pala ako kay nanay kagabi pa.
“Are you ready?” Tanong nya pag labas ko ng bahay. Nasa labas sya sa may ilalim ng punong mangga nag hihintay sakin.
“Oo,” tipid kung sabi.pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.ganon din ang ginawa ko sa kanya. Naka suot sya ng khaki shorts na black,fitted white shirt and white sneaker na may tatak at relo lang ang suot nyang accessory.natawa pa ako dahil para kaming nag usap sa suot namin. Paano naka dark blue jeans ako,white shirt din at flat na sandal pero cream naman ang kulay.
“Meant to be babe” comento nya na pinagtaka ko.
“Ang alin?” Tanong ko.inalalayan nya akong sumakay sa kotse nya.
“Our clothes” sabi nya at sya na rin nag kabit ng seatbelt ko.
“Hmmmm di ko naman alam na nakaputi ka rin. Gusto mo mag palit ako,pwede pa naman.” Sabi ko sa kanya .
“Nope, i love it we are matching,couples shirt” sabi na kina iling ko.
“Couples shirt mukha mo eh kulay lang naman at hindi tayo couple” sagot ko sa kanya.
“Tsk ganon na rin yon,anyway are you hungry?” Tanong nya sakin.
“Hindi naman,bakit di ka pa kumain? Sana sinabi mo may pagkain pa naman sa bahay”sabi ko sa kanya.
“No worries, ikaw nalang kainin ko” sagot nya.
“Hala ano ka aswang? Jusko po !! Promise di ako masarap at mapait po ang dugo ko at saka wala kang makuhang laman sakin dahil payat ako” sabi ko sa kanya.pag lingon ko sa kanya nag pipigil sya ng tawa kaya mas lalo akong kinilabutan.
“Hahahhahahhahahha!” Tawa nya ng malakas .
“Oh Lord gusto ko pa po makita yong crush ko at pakasalan ko pa po yon,iligtas nyo po ako” nakapikit kong dasal.nag sign of ths cross pa ako.mas lalo naman syang natawa sa ginawa ko.
“ ohh my God babe. You’re so funny like hell” sabi nya na tumatawa at hind pa nakuntento huminto sya sa tabi na humawak sa tiyan nya sa katatawa kaya nawala ang kaba ko na napalitan ng pagka inis. Hinampas ko sya ng aklat na nakita ko sa may tabi ng inuupuan ko.tawa pa rin sya ng tawa pulang-pula na ang mukha.
“Pinag t-tripan mo ba ako? Gurang ka talaga kahit kailan!” Inis kung singhal sa kanya na nagpatigil sa kanyang pag tawa.
“Anong tinawag mo sakin?” Tanong nya.
“Bakit? Eh sa gurang ka naman talaga!” Pang aasar kong sabi sa kanya.
“Sabihin mo pa yan at makakatikim ka sakin.” Pananakot nya pero dahil naiinis ako sa kanya kaya inirapan ko lang sya.tumigil na sya sa pag tawa at nag tuloy na sa pag drive.nagsisi tuloy ako dahil bigla nalang sya tumahimik.
“Sorry” halos pabulong kong sabi,napalingon sya sakin at binalik nya ulit ang tingin sa kalsada. Nakita ko na papuntang city ang tinatahak namin.
Huminto kami sa isang bahay na bongalow at bumaba sya.
“Wait for me here.”sabi nya saka lumabas ng kotse. Pumasok sya sa bahay.nag bilang ko ng minuto at iksaktong ten minutes lumabas na sya.kaninonkayang bahay to at wala naman syang dala pag labas.sumakay na sya ulit at nag drive sya ulit.clueless ako kung saan kami pupunta nitong gurang na to.pumasok na sya sa driver side at nag drive na ulit.marami na kami nadaanan na mga bahay at building.mahabang tulay.