Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.nagising ako sa tunog ng kung ano at saka ko narinig na may kausap si gurang sa cellphone nya.tumingin ako sa labas ng kotse may nakita akong iba’t ibang klase ng kotse na naka park sa tabi namin.mukhang nasa city na kami at may nakita din akong building Gai**** Department store .
“Hey are you okay?” Tanong ni gurang. Nilingon ko sya. “Are you hungry?” Tanong nya ulit .
“Ahh Sir saan na po tayo?” Balik tanong ko sa kanya.
“Andito tayo sa bacolod.”sagot nya. Hala ang layo na namin.
“Ano po gagawin natin dito?”tanong ko sa kanya.
“Samahan mo ako makumbinsi ang may ari ng property na gusto kung bilhin” sabi nya na pinagtaka ko.ano naman kinalaman ko sa bibilhin nya.
“Ah eh hindi ko po alam o maintindihan ang sinasabi nyo” sagot ko sa kanya na naguguluhan.
“Basta sumunod ka lang kung ano sabihin ko mamaya ha”sabi nya ulit .
“Haaay naku po wala naman talaga akong alam sa sinasabi nya”bulong ko pero narinig nya pala.
“Tulungan mo ako or else di kita iuwi sa inyo”banta nya. Haist kainis naman kung alam ko lang sana nag dala man lang ako ng pera.
“May choice pa ba ako? Kainis ka talaga gurang ka” naiinis kong sabi sa kanya.
“Tawagin mo pa ako ulit ng gurang at hahalikan kita!”sabi nya kaya napatahimik ako. Sa inis ko dinilatan ko sya ng mata ko .pero ang lentik tumawa lang.
“Tsk!! Sige na baba ka na at kakain muna tayo dahil nagutom ako sa pag d-drive.” Sabi nya kaya bumaba na kami. Hinila nya ako papunta sa isang kaina na chicken Inasal. Nag order sya nga batchoy at isang buong hita ng inihaw na manok.ako naman nag order din ako ng isang hita at isang takal na kanin at halo-halo.mabait pa yon nag serve samin dahil binigyan nya ako ng sabaw na medyo maasim kansi daw ang tawag doon.busog na busog ako pagkalabas namin ng kainan.
“Halika mag ikot ikot muna tayo” sabi nya sabay hila sakin.
“Dahan dahan naman.yong isang hakbang mo tatlo na sakin kaya kung nag mamadali ka mauna ka na” inis kung sabi kasi busog nga ako tapos hila ng hila sakin.
“Sorry babe,come here” sabi nya at hinawakan ang kamay ko.para tuloy kaming nag hoholding hands,hinila ko kamay ko pero ayaw nya bitawan.pumasok kami sa department store.kinausap nya yong sales lady at pagkatapos lumapit sakin yong sales lady.
“Ma’am dito po tayo”sabi nya sakin tiningnan ko si gurang.
“Go with her and whatever you like take it.” Sabi nya kaya naguguluhan ako sa sinabi nya.
“Ha? Bakit ano ba yon” tanong ko.
“Just go with her I will make phone calls and wait for you here” sabi nya na umupo na sa may upuan doon.sumunod nalang ako sa sales lady at dinala ko sa mga damitan na pang babae.
“Ma’am pili nala po kayo ng magustuhan nyo.” Sabi nya kaya ginala ko ang mga mata ko.
“Eh wala akong pambayad, pasensya ka na ha” sabi ko na nahihiya.
“Ay ma’am utos po yan nong boyfriend nyo.” Sagot nya na kinagulat ko.
“Ay hindi ko po sya bo— hey babe did you find anything?”Singit ni gurang at ngumiti naman ang sales lady sa kanya.
“Ay, sir parang nahihiya si ma’am.” Sabi nya kaya nainis tuloy ako kay ate sumbungira!.
“Okay tulungan nalang kita mamili ng damit” sabi nya at kung ano ano nalang pinag dadampot nya tapos binigay sa sales lady. Halos puno ang cart at hinila nya naman ako sa may mga sapatos.halos wala akong ginawa dahil si gurang ang kumuha ng sapatos para sakin at sinukat sa paa ko.
“Tama na to dahil wala akong pang bayad sayo” pabulong kong sabi sa kanya ng isuot nya sakin ang pang apat na sapatos.
“Don’t worry babe ako bahala.alam ko na nasunog mga gamit mo kaya ako na ang bibili para sayo.” Sabi nya kaya natigilan ako.
“Eh wala nga akong pambayad sayo” sabi kong naiiyak na. Nahabag ako bigla sa sarili ko dahil nga ayaw ko bawasan ang kunting naipon ko.
“Hindi naman ako naniningil ah.pag di mo to tanggapin sige ka hahalikan kita dito” sabi nya kaya napalabi ako.
“Blackmailing yan” inis kong sabi.
“Hmmm,nope! Let’s go to the cashier?” Aya nya na kaya sumunod ako sa kanya.nilagay nya lahat sa likuran ng kotse ang mga pinamili nya sakin.
“Anong oras yong meeting mo?eh gabi na oh” tanong ko. Di ko namalayan na gabi na pala.
“Bukas pa meeting ko” sagot nya kaya nagulat ako.
“Ano? Eh saan naman tayo matutulog nito?” Tanong ko sa kanya.napangiti naman sya.
“Relax wala akong gagawin sayong masama” sabi nya sus subukan nya lang at talagang basagin ko bitlog nya.
“Bakit sino ba may sabi na takot ako sayo?” Sabi ko nalang pero ang totoo kinakabahan ako.
“Thats good, ok put your seatbelt”sabi nya at nag drive ma sya mayamaya lang pumasok kami aa isang building.nasa limang palapag ito at may malaking sign sa harap.Rickman’s Hotel and Restaurants. Familiar sakin ang pangalan ng hotel kaya di ko na napigilan sabihinsa kanya.
“Dito tayo matutulog?alam mo pamilyar sakin yong pangalan ng hotel.” Sabi ko.nakita ko na napangiti sya.
“Talaga?”sagot nya na inaayos ang pag park.
“Oo, ka apilyido kasi nong future husband ko” nakangiti kong sabi sa kanya. At nakita ko sya na natigilan.at tumikhim pa sya ng ilang beses.
“Hmmmm why not.” Sakay nya sa biro ko.
“Hahahhaha joke lang yon, pero totoo pamilyar talaga sakin.yan din kasi ang tawag sa kanya ng mga tao”sabi ko.bumaba na ako at sya naman may tinawagan at mayamaya lang meron dalawang lalaki na lumapit samin.
“Good evening Sir Jacob” sabay sabay na bati ng dalawang lalaki.
“Good evening din,pakitulungan akong e akyat sa unit ko.” Sabi nya sa dalawa at binuksan ang back seat at compartment ng kotse. Kinuha ang mga binili namin kanina.
“Lets go babe,”sabi nya sakin sabay hawak na naman ng kamay ko kaya napatingin naman samin yong dalawang lalaki.
“Good evening ma’am,buti naka pasyal kayo dito kasama si sir” sabi nila kaya tipid akong ngumiti.nauna silang nag lakad samin pag pasok namin lahat ng employees ay bumabati kay gurang at ganon din sakin narinig ko pa yong sabi nong isang babae. “Amo ni siguro ang nobya ni sir baw ka gwapa ah bagay sila!”namula tuloy ako at pasimple kung hinila kamay ko sa kanya pero ang higpit ng pagkakahawak nya sakin.nag elevator kami at pumasok kami sa isang malaking unit .white and gray ang kulay ng pintura at kumpleto sa gamit.ipinasok ng dalaawang lalaki ang mga bitbit nila .
“Sir may ipag uutos pa po ba kayo?” Tanong nong isa.
“Wala na po manong Rene,Salamat.ito pala pang merienda nyo “imabutan nya ang dalawa ng pera pero di ko alam kung mag kano dahil busy ako sa pag mamasid.
“Salamat po dito sir,mauna na po kami” sabi nila at lumabas na .lumapit ako sa sofa at hinipo ko ito.gawa sya sa leather at ang ganda ng carpet nya dahil mukhang malambot kaya hinubad ko ang sapatos ko. Nakatingin naman sakin si gurang sa ginagawa ko. Nag mahubad ko na sapatos ko at inapak ko sa carpet nya omg ang Sarap sa paa lalo pa at malamig na dahil sa aircon kaya sarap damhin yong mabalahibong carpet.