Habang busy ako sa kakadama ng carpet,sya naman pumasok sa isang pinto.mayamaya pa lumabas sya .
“Dito muna tayo matulog.kung gusto mo maligo nasa loob ang banyo at meron din naman banyo dito pero walang shower”sabi nya na tinuro ang isa pang pinto.tiningnan ko nga lababo at inuduro lang andito.dinala naman nya ako sa kwarto para ipakita sakin ang banyo. Pag pasok ko malaking kama na kasya yata ang apat katao.may malaking tv at parang study table sa gilid.pumasok kami sa banyo at tinuro nya sakin kung saan ang towel,sabon at shampoo.binuksan nya rin ang isang closet at nakita ko maraming damit doon pero puro panlalaki.
“Kumuha ka nalang ng kahit anong damit diyan.hwag ka mag alala malinis mga yan.sinadya ko talaga yan para pag pumunta ako dito may maisuot ako.”sabi nya,tumango nalang ako.nag half bath ako saka kumuha ng t-shirt na kulay brown.buti nalang din at kahit saan ako mag punta may baon ako laging extra panty at pads.yon nalang gagamitin ko at labhan ko naman yong ginamit ko ngayon para may suotin ako bukas.dahil nga slim ako at hindi naman katangkaran kaya yong t-shirt ni gurang parang daster ko na dahil umabot haggang ibabaw ng tuhod ko kaya kahit di na ako mag suot ng short ok lang.iwan di ko naman maramdaman na may gagawin masama sakin si gurang,feeling ko nga safe ako sa kanya.pag labas ko ng banyo may kinakalikot sya sa harap ng laptop nya.
“Ummm saan dito ang laundry area mo?” Tanong ko dahil gusto ko isampay ang panty ko pati damit ko nilabhan ko na rin.
“Nasa ground floor and laundry area,bakit?” Tanong nya. Then.
“Ah eh may isasampay sana ako,yong ano— basta !” Sabi ko .nahihiya akong sabihin.tumayo sya at nag lakad palapit sakin kaya nataranta ako kasi baka pumasok sya sa banyo.dali dali akong pumasok sa banyo at nilagay ko sa ilalim ng damit ang underwear ko para di nya makita nakakahiya eh luma pa naman yong mga undies ko.
“Bukas mo nalang yan pa labhan sa baba.at may binili tayo mga damit mo yon muna gamitin mo” sabi nya .sumunod pa talaga sya dito sakin sa banyo.
“Nalabhan ko na eh at saka ayaw ko nga ipalaba sa iba yong ano ko” naka nguso kong sabi sa kanya.tiningnan nya ako na para bang feeling naman nito.kaya napakamot ako sa ulo. “Isasampay ko lang kasi to matuyo na to bukas”dagdag ko pa sabi at napa buntong hininga pa sya.
“Hmmm, okay you can hang it on the terrace.but make sure tomorrow morning bring it inside” sabi nya at tinuro ang sliding door.pag bukas ko malamig ma hangin ang sumalubong sakin kaya natuwa ako dahil mukhang madaling matuyo ang sinampay ko.kumuha ako ng hanger at nilagay ki ang damit ko sa may grills.pumasok ako ulit sa loob at lumingon naman sakin si gurang.napangiti sya sakin,
“ if di ka pa inaantok pwede ka manuod ng tv. May tatapusin lang ako.nag email si waldo sakin.” Sabi nya kaya tumango nalang ako. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv sakto naman at yong favorite k-drama ang palabas.tuwang tuwa ako dahil may cable pala sila dito.hindi ko namalayan na mag hahating gabi na pala.nakahiga na rin ako sa kama habang nanunuod.si gurang naman nasa harap pa rin ng laptop at ang cute nya dahil naka suot sya ng eyeglasses kaya na imagine ko tuloy sya yong bida sa pinanuod ko.naramdaman nya yata na may nakatingin sa kanya kaya bigla nalang itong lumingon at sa gulat ko dahil nahuli nya akong nakatingin bigla akong nahulog sa kama.
“Araaaaay!!!” Daing ko ng bumagsak ako sa sahig.tumayo sya at lumapit sakin binuhat ako saka nilapag sa kama.
“Tsk!! Staring is rude babe,but I don’t mind” sabi nya at kumuha ng tubig sa ref.
“Nagulat lang kasi ako.nakakatakot kasi mukha mo pag lingon mo” palusot ko at nakita ko ang pag lukod ng mukha nya sa sinabi ko.
“Tsk grabi ka talaga sakin!”sabi nya at pumasok sa banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig.mayamaya lumabas din sya na nakatapis lang ng towel ang baba nya kaya napatakip ako ng mukha.
“Ano ba ang bastos mo!!! Mag damit ka nga muna!”reklamo ko sa kanya.
“Tsk !! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito?” Tanong nya.
“Grrr paki mo ba hindi nga ako kumportable at Virgin pa itong eyes ko kaya wag kang baboy!”inis kong sabi ng nakatalikod sa kanya narinig ko naman na tumawa sya sa sinabi ko.
“Hahhahaha you’re so funny and silly!” Sabi nya mayamaya naramdaman ko na lumundo ang kama kaya napadilat ako.naka sando na sya at naka short. “Matulog na tayo at gabing gabi na” sabi nya sabay tapik sa unan.
“Dito ka rin matutulog?” Wala sa sarili tanong ko.
“Alangan! Malaki naman itong kama!” Sagot nya. Napalabi ako. Tumayo ako at kinuha ang isang unan.
“May extra kumot ka ba?” Tanong ko at tumayo naman sya para kumuha ng kumot.
“Here,” abot nya sakin. Saka ako lumapit sa may pinto. “Hey where are you going?”tanong nya.
“Sa labas doon nalang ako sa sofa matutulog” sabi ko.
“Nope!you sleep here. Don’t worry! Hindi ako gagawa ng isang bagay na labag sayo.promise!” Sabi nya sabay taas ng kamay na nanunumpa.
“Ah basta doon ako sa sofa matulog di ako sanay na may katabi” sabi ko at wala syang nagawa.sa awa ng dios nakatulog naman ako ng mahimbing.
“Mama,papa huhuhu bakit nyo ako iniwan?”iyak ko.
“Hwag ka ng umiyak at papangit ka nyan.” Sabi ni kuya.andito na naman sya at may mga dala syang prutas at kung ano ano pa.
“Nag iisa nalang ako!paano ako ngayon?” Iyak kung sabi.niyakap nya ako ng mahigpit at saka hinalikan sa noo.pag tingala ko sa kanya naging si gurang ang itsura nya at hinalikan ako sa labi.ang lambot ng labi nya. “Hmmmm gurang bakit ang gwapo mo?” “Tsk matagal ko ng alam na gwapo ako” “haaay ang yabang talag” hahalikan nya sana ako ulit pero tinulak ko sya .
“Araaaaayyy!!!” Nahulog ako sa sofa.ay shuta buti nalang panaginip lang yon.naku po ! Ang sakit ng gilid ko tumama sa sahig.ano ba yan kagabi ang puwit ko tapos ngayon naman tagiliran!bumangon nalang ako para mag ayos ng sarili.medyo madilim pa sa labas kaya napatingin ako sa wall clock 5:43 na pala ng umaga.siguro tulog pa si gurang kaya dahan dahan akong kumilos papasok ng kwarto para kunin ang sling bag ko.pero walang tao sa kama?saan kaya nag punta ang isang yon? Pumasok nalang ako sa banyo para mag hilamos at toothbrush.iksaktong pag labas ko ng kwarto pumasok si gurang na pawis na pawis.
“Good morning! Saan ka galing?” Bait ko sa kanya.
“Sa labas nag jogging”sagot nya na kumuha ng tubig sa ref.ako naman pumunta sa may terrace para tingnan ang sinampay ko kagabi.kinuha ko kahit hindi pa masyadong tuyo yong pantalon ko.
“Ohh tuyo na ba?sabi ko naman sayo sa baba nalang labhan kasi may dryer doon.”sabi nya na nasa mag pintoan.
“Pwede na to iwan ko nalang muna dito baka matuyo din to mayamaya pag may araw na” sagot ko. “Teka anong oras pala tayo uuwi?” Tanong ko sa kanya.
“After lunch tayo uuwi.saan mo gusto mag almusal?dito o sa baba?” Tanong nya.
“Sa baba nalang kasi nakakahiya naman sa kanila kung dito pa tayo kakain” sagot ko na kinatawa nya.
“Ok sige mag shower lang ako .mag bihis ka na rin”sabi nya. Pagka alis nya nag kalkal ako doon sa binil namin kahapon.ay ito maganda!napili ko ang dress na kulay black na may mga bulaklak sa bandang laylayan.nag tingin din ako ng maisusuot na terno sa damit ko.ito flat shoes na black din dali dali akong pumasok sa banyo na andito sa sala para mag bihis.yay kasyang kasya sakin at hakab na hakab sa katawan ko yong damit dahil malambot ang tela meron syang maiksi na manggas kaya safe ang kili-kili ko.nag suklay ako ng buhok at nag pulbo saka nag pahid din ako ng magic lipstick ko na tag sasampong piso hehehhe.ayan!! Gora na!!