Pag labas ko ng banyo nasa sala na naka upo si gurang na busy sa cellphone nya.
“Umm tayo na po?” Sabi ko sa kanya nag angat naman sya ng tingin at natulala syang nakatingin sakin. “Hoy!bakit ganyan ka makatingin?pangit ba?di bagay sakin?” Tanong ko sa kanya na sinipat ang suot ko.tumikhim muna sya bago nag salita.
“Aahh bagay sayo.tara na?” Sabi nya sabay lahad ng kamay kaya nag taka ako tiningnan ang kamay nya.
“Bakit anong hinihingi mo?” Tanong ko sa kanya dahil sa kamay nya na nakalahad.
“Tsk!!! Silly!! Let’s go im starving!” Sabi nya at bigla nalang akong hinila palabas.
“Aaay! Ano ba nanghihila ka na naman!”sabi ko sa kanya na kinurot ko pa ang kamay nya.
“Ang bagal mo kasi gutom na nga ako” sagot nya.kaya hinayaan ko nalang sya na hilahin ako papasok ng elevator pababa.sinalubong kami ng isang staff.
“Good morning sir Jacob,good morning din ma’am” bati ng staff sa amin at tumango naman sya.
“Good morning din po” ganti kong bati na nakangiti.
“Sir , the table is ready,this way po” guide samin ng staff.maraming din kumakain ng almusal at halos busy ang mga staff ng hotel. “Andito na si sir Jacob naku ang ganda talaga ng girlfriend nya at mukhang mabait kasi nakangiti sya kay veronica” “ay Oo nga andito sila siguro kakain ng almusal.dali na at na baka mapagalitan tayo.e serve na natin ang pagkain nila.” Dinig kong usapan ng mga staff na nasa may counter island ng restaurant.lumiko kami sa may kaliwang bahagi at nakita ko na pumasok kami sa sliding door na gawa sa salamin hindi kita ang nasa loob pero kita mo ang nsa labas.ginala ko ang paningin at mukhang private ito dahil iisang table lang ang andito na pang six seaters.pinag hila nya ako ng upuan kaya naupo na ako.mayamaya ay pumasok ang limang crew na may tulak sila na cart na puro pagkain ang laman yong iba may dalang inumin na parang juice iba’t ibang kulay.may red,yellow at white.
“Ito na po ang pagkain nyo sir,ma’am” sabi ng isa na katabi ng may tulak sa food cart.
“Thank you po,mukhang masarap po ang luto nyo”sabi ko.nilagyan naman ni gurang ng pagkain ang plato ko. “Salamat” pa Salamat ko sa kanya.nahuli ko pa na nakatingin samin ang mga staff na parang kinikilig. Hala nakakakilig si sir ang sweet nya.bulong nong may hawak ng inumin.tinikman ko ang pagkain at wow ang sarap kaya tuloy tuloy ang kain ko.hindi ko namalayan na halos maubos ko ang pagkain.napalakas pa ang dighay ko na kinalingon ni gurang sakin.
“Ay sorry!” Sabi ko na naka peace sign sa kanya at nilingon ko naman yong mga staff sa tabi. May narinig akong hagikgik pero timugil din agad ng lumingon si gurang sa kanila.“thank you po sa inyong lahat.masarap po ang niluto nyong pagkain.” sabi ko sa kanila na may ngiti sa labi.
“Walang anuman maam” sabay sabay nilang sagot.
Pagkatapos naming kumain ng almusal umakyat muna kami ulit sa taas.
“Gusto mo bang mamasyal? Total maaga pa naman” sabi nya sakin.gusto ko sana pero wala naman kasi akong pera.
“Hindi na,dito nalang ako.ok lang po ako dito” sagot ko sa kanya.
“Gusto sana kita samahan kaya lang may gagawin pa kasi ako para sa meeting mamaya.”sabi nya na napakamot sa gilid ng tainga nya.
“Naku ok lang,at saka hintayin nalang kita dito”sabi ko.
“Hmmmm ganito nalang, mamasyal ka peropasasamahan kita sa isa sa mga staff ng hotel.okay ba yon?” Sabi nya kaya umiling ako.
“Hwag na po kasi!makulit ka rin eh no.”inis ko ng sabi sa kanya.
“Bakit ba ayaw mo? Mamasyal ka sa mall at bumili ka ng kahit anong gusto mo” sabi pa nya.
“Ayaw ko nga kasi mamasyal dahil wala naman akong pera .at isa pa hindi ko naman hiningi sayo na dalhin mo ako dito.bilisan mo nalang yan meeting mo para makauwi na tayo.mag hahanap pa ako ng trabaho!” Inis kung sabi.
“Aw so yon ang problema mo kaya ayaw mong mamasyal?”tanong nya na tumayo sa harapan ko.kinuha nya ang walllet nya sa likod ng pocket saka binuksan at kumuha ng tag lilibuhing pera at binigay sakin. “Here take this”sabi nya .tinaasan ko sya ng kilay.
“Ano yan? Bombay ka ba?5/6?” Patanong kong sabi na kinatawa nya.
“Silly! Kunin mo na para makapasyal ka na” sabi nya na inabot ulit sakin ang pera pero di ko parin Tinanggap.
“Ah eh wag na ok na ako” sagot ko . Baka naman kasi singilin nya ako pagkatapos o kaya baka may kapalit pa yan.
“Ano na? Kukunin mo ba to o hindi?” Tanong jya na parang naiinis na.
“Ayaw ko nga!! Wala akong pambayad sayo” sabi ko na tinaasan ko sya ng kilay.
“Sinong nag sabi na bayaran mo ako? Kunin mo na or else di na kita e uwi sa inyo?” Sabi nya. Grrrrr nakakainis na talaga tong gurang na to! “May sinasabi ka?” Tanong nya.
“Wala po.haaiisssttt! Akin na nga!!!” Inis kong hinablot ang pera sa kamay nya.
“Tsk!! Wait lang at tawagin ko si Veronica.”sabi nya na tumawag sa baba.umupo muna ako sa sofa at tiningnan ko yong pera na nasa kamay ko. Binilang ko nalang at nagulat ako kng mag kano. Tumataginting na twenty thousands pesos!! Jusmiyo marimar! Ang laki nito baka mamaya ma hold up pa ako.pumasok ako sa loob ng kwarto. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang table nya maraming papel doon.nag hanap ako ng envelope pero wala akong makita kaya gumawa nalang ako ng sariling envelope.nilagay ko ang pera sa loob at nilagay ko sa loob ng drawer nya.kumuha lang ako ng isang libo.
“Hi ma’am ako po ang sasama sa inyo” sabi ni Veronica.
“Mag iingat kayo Veronica,at wag mo iwala sa paningin mo ang ma’am mo” bilin pa ni gurang.anong akala nya sakin batang paslit na kailangan bantayan?
“Opo sir, kasama naman namin si kuya Gener siya po ang mag drive ng auto.” Sagot nya kay gurang.
“Okay. Babe? Hwag kang lalayo sa kanila ha? Tawagan mo ako kung may problema” bilin nya sakin na hinawakan pa ang balikat ko.
“Opo . Sige po alis na kami.” Sabi ko sa kanya.
“Sige , mag ingat ka ha?” Sabi nya at nagulat ako ng hinalikan na naman nya ako sa noo.hmmm palagi nalang sa noo, eh saan pala gusto mo? Haist naalala ko tuloy yong panaginip ko.
“Tayo na po ma’am?” Aya sakin ni Veronica.
Namasyal nga kami sa plaza, lagoon at sa daungan ng barko.at ang last stop namin Rob****n mall.grabi ang ganda dito.nakakatuwa yong mga ilaw na kumikinang at ang daming tao.napa takbo ako doon sa may pabilog na sapa at kakaiba kasi yong tubig lumalabas sa bibig ng isda at yong isa naman sa banga na hawak ng babae.
“Ma’am gusto nyo po ng ice cream?” Tanong ni Veronica. Tumango lang ako dahil sobra akong natuwa sa tanawin.
maymaya pa may nakita akong bata na may hawak na parang bulak na kulay blue at pink kinakain nya ito kaya sinundan ko sila dahil sasabihin ko sa mama nong bata na masama sa tiyan ang bulak.sinundan ko sila hanggang sa labas pero bigla nalang nawala at di ko na alam kung saan sila nagpunta.
Tumingin pa ako sa paligid ko at natakot ako dahil kaunti lang ang tao andito.may nakita akng mga bata na nakahiga sa semento at ang dudungis nila na parang di naliligo. Bakit di nalang sila maligo doon sa sapa na nakita ko kanina sa loob mukha naman malinis ang tubig doon.
At meron din naman ibang bata na nag lalaro yon nga lang madungis din sila. Napatingin naman ako sa pinang galingan ko pero mahabang kalsada lang ang nakita ko. Paano ako babalik doon kay Veronica?.hala! Nawawala na yata ako.nag lakad pa ako para hanapin ang daan pabalik kay Veronica pero di ko talaga makita kung saan ang daan pabalik.at ang malas ko din dahil hindi ko dala ang bag ko nasa loob ng kotse at wala man lang akong dalang pera o cellphone.parang gusto ko ng umiyak sa takot.