Continue... Wala akong reaksyon sa binulong ni Alfonso. Na kay Kiefer lang ang titig ko na ngayong madilim ang tingin kay bakla. Lumunok ako sabay baling kay Peyton na ngayong nilalaro 'yung damit ni Kiefer sa likuran, sinipat ko s'ya ng palihim, buti na lang at napansin niya. Ngumiti sa akin si Peyton at tumakbo papalapit sa akin. "Magandang umaga, Sir Montefalco. Ako nga pala si Alfons..." "I don't care." supladong sagot ni Kiefer. Hindi pa pinatapos si Alfonso, tila nalaglag naman ang panga ni Alfonso sa inasal ni Kiefer. Totoo namang walang pakialam si Kiefer, kahit saan yata 'yan mag punta hindi mo mahanap pake nyan. "Mommy! Can we go inside now?" ngising tanong ni Peyton. Nagdadalawang isip naman akong tumango, pero kalaunan naman ngumiti ako ng pilit. s**t! "Ay naku girl! T

