Riley's POV Maaga na naman akong gumising dahil may pupuntahan kami ngayon. Hinanda ko na 'yung mga gamit ko ganu'n din 'yung mga gamit ni Kiefer at Peyton, pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan. Kakabukas pa lang ng kwarto ni Kiefer, mukhang bagong gising din ang mga ito. Nilapag ko sa sahig 'yung bag na dadalhin namin 'saka ako umakyat papunta sa kwarto ni Kiefer, nadatnan ko si Peyton na busangot ang mukha habang si Kiefer naman ay tinatawanan ang anak. Gago talaga. "I want to swim, Papa!" "Shh your Mom will get mad at us if we both didn't hurry." "But she isn't here Papa! Come on Papa!" "Nah! Let's go son mag bihis kana." Ngumiti ako sa kanilang dalawa 'saka ako kumatok sa nakabukas na pintuan. Mabilis namang umarko ang kilay ni Kiefer at hinayaan niya 'yung anak naming pumun

