CHAPTER 2

1787 Words
GRACE POV Papunta ako ngayon sa bago kong bukas na Coffee Shop. Pinangalanan ko ito ng 'Dreaming Steam Coffee' na ngayon ay ika limang Branch na sa iba't-ibang lugar. May sa Rizal, sa Pasig, sa Taguig, sa Mandaluyong at pang huli ay dito sa Makati na kakaumpisa pa lang magbukas. Mula ng maitayo ng mga magulang ko ang unang Branch ng Coffee Shop sa lugar ng Rizal na may tatlong pwesto ay ako na ang namamahala niyon at ngayon nga ay umabot na ito sa limang malalaking Branch sa loob mismo ng SM sa iba't ibang lugar. Naisip ko kasi na mas maganda kung nasa loob ang mga ito ng SM para naman mas actractive sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Yung unang Branch namin sa Rizal ay tatlong pweseto iyon, ngayon ay inisa ko nalang at pinalaki pa lalo ang pwesto roon. Bale nasa dalawang palapag iyon dahil ang nasa taas is for dine in na pwede pang pagtambayan dahil sa ganda ng overlooking roon. Dahil nga unang tayo iyon ng mga magulang ko ay pinaganda at pinaayos ko iyon kung saan nakapwesto sa nakakaakit na tanawin. I am 27 year's old and i proud to be a single woman and yes, NBSB ako at kahit maraming nanliligaw sa akin dyan ay hindi ko sila binibigyan ng chance para maging boyfriend ko. Sa edad kong ito ay may mga nagawa na ako sa buhay. Kung tutuusin ay pwede na akong mag segregate pero nag aalala lang ako sa mga magulang ko. ako lang naman kasi ang nag iisang anak nila at walang inaasahan kung hindi ako lang. Nasa age 50's na sila ngayon at sa katunayan nga ay ayaw ko na silang pagtrabahuhin pa. Matatanda na ang mga ito at dapat naman na talagang ako na nag-aalaga at nagsusukli sa mga sinakripisyo nila noong bata pa ako. At kung mahihiwalay ako sa kanila at magkaroon na ng sariling pamilya ay paniguradong iiyak ang mga ito lalo na si Papa. Ang Papa ko kasi ay napakamaalaga sa amin ni Mama. Kung minsan pa naman napaka protective at ayaw na ayaw niya akong umaalis nang hindi niya nalalaman at kapag hindi ako nagpala-alam sa kaniya kung saan ako pupunta. Si Mama naman very supportive. Laging may tiwala sa anumang mga disisyon ko sa buhay at always nya rin pinapaalala sa akin na Alway trust your self to achieve of your dreams. Hinding hindi ko iyon nakakalimutan. Napaka protective din naman nya pero hindi tulad ni Papa na super sigurista. Sayang nga lang dahil wala akong mga kapatid para sana may kakampi once na pinagkakaisahan ako ng mga magulang ko. Pero mahal na mahal ko ang mga yan kahit ganiyan sila. Never akong mag question sa mga pangaral nila sa akin because i know my self na this is for me. Lahat ng mga ginagawa nila is for me. Kahit kailan ay hindi ako nagdemand sa kanila. I love them so much and they are enough for me. Hindi rin nila itinago sa akin ang katotohanan na ako ay isang adopted child at hindi tunay na anak nila. Dahil nga sa hindi sila magka anak kaya naisipan nilang mag-ampon na lamang. Si Mama ay may diperensya kaya hindi sila magkaanak-anak ni Papa. Im happy and bless to have them. Dahil ako ang napili nila bilang anak kahit hindi ko sila mga kadugo. Tanggap ko naman iyon. Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Bagkus ay nagpapasalamat pa ako dahil binigyan nila ako ng masaya at kompletong pamilya katulad nalang ng nararanasan ko ngayon kasama sila. Napaka swerte ko kung tutuusin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa dyos dahil dumating sila sa buhay ko. Kung ano man ang nakaraan ko ay hindi na mahalaga yun. Ang importante sa akin ang ngayon. Ang masayang pamilyang natatamasa ko ngayon. Pagdating ko sa Coffee Shop ay sumalubong naman kaagad sa akin ang assistant ko. "Good morning Miss G." masayang bati nito. "Good morning! darating ba ang supply natin ngayon?" tanong ko ng makapasok na ako sa opisina ko dito lang din sa loob ng shop. "Yes Miss G. Maya lang po ay darating na ang mga iyon." "Good. Just tell me what you need here and i'll take care of it." aniko. Naupo ako sa aking swivel chair. "Yes po. Lalabas na po ako." "Okay. Thank you." Pag alis ng assistant ko ay inabala ko na ang sarili ko sa pag iinventor. Maya maya lang ay may kumatok muli sa pintuan kaya napatingin ako roon. Nakaawang lang ang pinto kaya kita ko kung sino ang kumakatok roon. Ang assistant ko. "Miss G. Pinapatawag ka po ng isang costumer sa labas." sabi ni Mira. "Bakit daw?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko po alam. Basta raw po ay tawagin ko lang daw po kayo." Napahinga ako ng malalim kay Mira. "Sige. Lalabasin ko na." aniko. Sabay pa kaming lumabas ni Mira at itinuro nito kung saan ang sinasabi nitong custumer na naghahanap sa akin. Bakit kaya? Hindi nya nalang sinabi. Ang dami kong kailangan gawin. Nakatingin ito sa labas kaya hindi nito napapansin ang paglapit ko rito. "Good morning! Welcome to Dreaming Steam Coffee! What can i help you Sir?" nakangiti kong bungad sa kanya. Agad naman iton napalingon at medyo nagulat pa sa una. "Oh hi!" Bati nito. Gwapo naman. Kamukha nga lang sya ni Michael Pangilinan kapag ngumiti. "Are you the owner of this coffee shop?" tanong nito. "Yes Sir. So, do you have a complaint about the drink or my staff?" nakangiti ko paring tanong sa kaniya. Inilagay ko sa aking likod ang dalawa kong kamay bilang pag-galang na rin sa kaniya. Tumayo ito. "Actually no. Gusto ko lang talaga malaman kung sino ang may ari nitong coffee shop. You know, this is the most delicious I've tasted in my entire life." mahabang paliwanag nito na bahagya pang namamangha base sa magandang expression ng mukha nito. "Ohh! Thank you for your compliment Mister-" "Im Kai Axel Florente. You can call me Kaixel for short." sabi pa nito at inilahad ang kamay bilang pagpapakilala. Natigilan naman ako bigla sa inakto nito kay pilit nalang akong ngumiti at marahang tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harapan ko. "Im Grace." tipid kong sabi at kinuha ko naman ang kamay niyang nakalahad. We're shaking hands while he couldn't take his eyes off me. "Im sorry but i have to go. I still have a work to do in my office. Thank you again and for coming Mr. Kaixel and enjoy your day!" Pilit ko paring pinapalapad ang pagkakangiti ko sa kaniya at nag bow muna ako bago umalis at bumalik sa aking opisina. Pagbalik ko sa silid ay pabagsak kong iniupo ang katawan ko sa upuan. Huminga muna ako ng malalim at napasandal ang aking ulo. Pumikit ako ng mariin. Huminga ako ng malalim at hinilot ang ang aking sintido. Hindi na ito bago sa akin. Halos araw araw laging ganoon kapag may mga lalaki kaming costumers at nagpapakilala sa akin. Gumagawa pa ito ng mga strategy at kung ano ano pa para lamang makipagkilala sa akin. Hindi ko na nga matandaan kung ilan na ang mga nagpakilala sa akin pero always parin pumupunta para lang kulitin ako at tandang tanda ko pa ang mga mukha nila. Hindi lang ang mga pangalan nila. Im very busy person. May oras paba ako sa mga ganyan? hayy Sa dami kong inaasikaso wala na akong oras makipag-aksaya ng oras sa ibang mga tao. Especially sa mga men. Inabala ko nalang ang aking sarili sa trabaho. Pag uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Mama sa kusina abala sa pagluluto. "Hi Ma!" bati ko sa kaniya at humalik pa ako sa kaniyang. "Nandyan kana pala anak! Kamusta ang araw mo? Napagod kaba sa maghapon mong trabaho? Ha?" anito pero sa niluluto nito ito nakatingin at abala sa ginagawang paghalo. "Medyo lang po pero Im feeling good pa rin naman ako." tipid akong ngumiti rito kahit hindi siya nakatingin sa akin. "Nasaan po si Papa?" "Nandoon, nasa tambayan n'ya. Puntahan mo na at kakain na tayo. Malapit na tong matapos." "Sige po." Nang tumalima na ako para puntahan si Papa ay nadatnan ko itong nagkakape sa may veranda. Busy-bisihan sa cellphone. Mahilig kase ito sa mga online games at iyon lang ang tangi niyang libangan dito sa bahay. "Pa." sabi ko sa sabay halik sa pisngi. "Oh? Nandyan kana pala Iha. Kamusta ang araw mo?" Halos pareho talaga sila ni Mama. Lagi akong tinatanong tungkol sa trabaho ko maging sa kalusugan ko. "Ok lang naman po. May mga naliligaw pa rin ng daan sa bago kong bukas na shop." umupo ako sa tapat nya at nakihigop rin sa kape nito. Ahh! sarap! ito ang lasang unang unang kong natikman bago sila nagtayo ng coffee shop. Wala paring pagbabago sa timpla ni Papa. Laging pasado sa taste ko. "Talaga ba? Bakit hindi ka pumili sa kanila upang maging nobyo mo?" sabi pa ni Papa na hindi inaalis ang tingin sa cellphone. Napataw naman ako. "Papa naman?" Sa wakas ay tumingin rin ito sa akin at saka ibinaba ang cellphone. Tinanggal rin nito ang suot na salamin at kinuha ang basong may laman ng kape sa aking kamay. "Ang sa akin lang anak, pumili ka ng mabuting lalaki. Hindi man mayaman, basta maipagmamalaki. Sapat na sa amin ng Mama mo na may mag aalaga sayo at mamahalin ka pang habangbuhay. Pano nalanh kapag wala na kami?" anito at humigop sa tasa. Kumamot ako sa aking batok. "Pa.. Ayan kana naman po. Lagi nyo nalang yan sinasabi sakin na hindi naman po mangyayari iyon. Pinuntahan kita rito para sabihin na kakain na tayo. Hindi yung kung ano ano na naman pinagsasabi nyo?" nakasimangot kong sabi. "Kay nagsasabi lang ako ng totoo, mali ba ako ha?" "Pa.." "Mapag-iiwanan kana ng langgam wala kapa ring boypren?" "Hindi naman po yun kailangan eh?" "Anong hindi? Tingnan mo nga kami ng Mama mo? Masaya kompleto araw namin dahil magkasama kaming dalawa." "Masaya kapag may katuwang ka sa buhay." sabi pa nito. "Tara na nga po. Ang dami nyo pa sinabi." natatawang tumayo ako at hinila sya patayo. Natatawa nalang si Papa dahil umiiwas na naman ako sa usapan. Naiiling na sumunod nalang ito ng ayain kona ito sa kusina para makapag hapunan na kami. Masaya dahil may mga magulang akong katulad nila. Proud ako na sila ang tumayong mga magulang ko kahit hindi ko sila mga kadugo. Wala na akong mahihiling pa kundi ang mahabang panahon na ipagkaloob sa akin upang makasama pa sila. Sana makasama ko pa sila ng matagal at makapiling ng pang habangbuhay. Iyon lang naman ang nais ko sa aking sarili. Sapat na sila upang maging masaya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD