CHAPTER 1
Prologue
Nakatulala habang nakaupo sa kama ang batang babe na siguro nasa apat na taong gulang. Kakalabas lang nito sa hospital at diniretso na ito sa EASY FUNDS na kung tawagin ay isang bahay ampunan.
Wala na ang mga magulang nito dahil sa aksidenteng nangyari at tanging itong batang babae lang ang nakasalba. Minor damage lang ang natamo nitong sugat ngunit sa kasamaang palad hindi ito nakakausap. Pati mga kamag anak ay wala rin pumunta para akuin ang responsibilidad. Hindi rin malaman laman ng mga pulis ang nangyari dahil hindi nagsasalita ang bata.
"Iha, magpahinga ka muna. Bukas ipapasyal kita sa labas. Ipapakilala rin kita sa mga kasamahan mo rito." anang babae na nasa 30+ na ang edad.
Walang imik at tanging tango lamang ang isinasagot nito sa Madre kapag may itinatanong ang mga ito.
Awa ang makikita sa mukha ng mga Madre na nagkupkop sa batang naulila sa magulang. Hindi man ito umiiyak pero kita sa mukha nito ang lungot. Laging tahimik at walang kibo. Nakatulala at parang walang buhay dahil siguro sa pagkaka-aksidente nito.
Tinatanong naman ng mga Madre ang bata kung ano ang pangalan nito ngunit hindi man lang ito nagsasalita o kahit tumingin man lang ng diretso sa mga mata.
Napagdisisyunan ng mga Madre na bigyan nalang ito ng bagong pangalan para naman sa ganon ay makilala nila ito sa ganoong personalidad. Pinangalanan nila ito ng Grace. Hindi narin nila pinahanap pa ang mga kamag anak ng bata dahil wala naman nagrereport na Missing Person gayong inaasikaso naman nila at tamang gawain bilang mga tagapag-alaga at tagapangasiwa ng mga naulilang bata. Tumigil na rin sa pag iimbestiga ang mga pulis dahil wala rin naman silang nakukuhang lead patungkol sa kaso ng batang babae.
Inalagaan ng 'EASY FUNDS' si Grace hanggang sa tuluyan na itong nakalimot sa nakaraan. Hindi rin naman nagtagal ang pangungulila nito dahil kalaunan ay masigla na itong nakikipag-usap dahilan sa mga kasamahan nito sa Bahay Ampunan ng kapwa mga batang naulila rin sa mga magulang.
Naging masiyahin na ito at nakikipaglaro na rin sa ibang batang naroon. Kapag tinatanong nila ito tungkol sa nangyaring aksidente at pilit nilang pinapaalala sa bata kung ano ang huling bagay na natatandaan nito ay hindi ito nagsasalita. Bagkus ay napapayuko na lamang at bakas sa mukha ang kalungkutan.
Hanggang sa nagawi nga ang mag asawang Gonzales sa 'EASY FUNDS' para mag Adopt ng batang kanilang aalagaan. Sa kabutihang palad si Grace ang napili ng mag-asawa na sya namang ikainatuwa ng batang babae. Kita sa mga mata nito ang tuwa lalo pa at nang makita nito ang mag-asawang Gonzales ay umaliwalas ang mukha nito. Miss na miss na siguro nito ang Pamilya nito kaya siguro ganoon nalang ang naging reaksyon nito sa mag-asawa.
Kaya naman walang alinlangan na sumama si Grace sa mag-asawa na ikinatuwan naman ng pamilyang Gonzales.
Inampon ng mag asawang Gonzales ang batang si Grace at pinalaki ito na itinuring isang tunay nilang anak. Wala kasing anak ang mga ito dahilan sa personal nilang problema.
Naging masaya ang pagsasama nila kahit hindi man nila tunay na anak si Grace. Pinalaki ng mga ito si Grace pinag-aral. hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Isang pagsubok na huhubog sa katatagan at emosyon ni Grace.