Chapter-16 KABA

2157 Words
Alex POV Pag kadating na pag kadating ko sa kuwarto ay deretcho banyo na ako para maligo,.Habang naliligo ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari lang nitong umaga, ang pagkakadikit ng  katawan namin ni chairman, ang mabango nitong hininga, ang malamyos niyang tinig pag tinatawag niya ako sa salitang " Agrioloúloudo" na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin pero nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa puso ko na hindi ko mapangalanan, Ano ba itong nararamdaman ko alam ko lang ay crush ko si Chairman, ang guwapo ba naman at ang talino sino hindi magkaka crush sa kanya pero ano itong nararamdaman ko sa kanya, ilang araw pa lang naman kami nagkaka sama pero pag nakikita ko siya abot-abot ang aking kaba, gustong-gusto ko pagmasdan mukha nito, kahit napaka sungit at demanding niya hindi pa rin nababawasan pag hanga ko sa kanya.Nag download  pa nga ako ng picture niya sa internet at ginawa kung contact picture niya at pag nag aalarm cp ko mukha niya bubungad dito. Hayyys Alexandra ,grabe na pag kaka crush mo sa boss mo ingat ka baka ma fall ka jan, ouch masakit yun, remember gurl, mahirap abotin ang langit, never ka makakalevel sa Yvonne, Airah, nor sa mga naka date niya na nuon", Ang sita ng utak ko. Napatigil ako sa pagligo, sa sinabi ng utak ko, natahimik at napatitig sa kawalan, ilang segundo pa lumipas ay nilinga-linga ko na ang ulo ko, upang ipakita ang hindi pag sang ayon sa sinasabi ng aking isipan, "Over naman itong utak ko alam ko naman yun, crush lang naman hindi ko naman talaga papangarapin ang isang Chairman na magkagusto sa akin, malalyong-malayo ako sa  gusto nitong babae, kahit sa estado sa buhay" Ang pag salungat ko pa sa aking isipin. Napabuntung hininga na lang din ako at kahit ayaw ko tanggapin ay may nadama akong kirot sa puso ko. Upang hindi ko na rin maramdaman ang kirot sa puso ko na parang pumipiga sa aking paghinga ibinaling ko na lang sa pag ligo ko ang isipan, ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya, nagpapatuyo ako ng buhok gamit ng maliit na tuwalya na nakita ko sa  cabinet na nasa banyo, nabaling ang atensiyon ko nang mapansin ko ang isang pula na paper bag na nakapatong sa kamang pinag higaan ko. Out of curiosity ay binuksan ko ito  at tinignan kung ano nasa loob nito, may nakita din akong note na naka dikit sa harapan ng paper bag,binuksan ko ito at napangiti sa nabasa. "Alexandra, please accept this as an apology gift for what happened this morning. DLM tinignan ko ang laman ng paperbag, nang nailabas ko ang laman dun ko lang napagtanto na isang above the knee black dress ito, with a straight neckline and adjustable cami bow tie strap sa likuran . Ang ganda ng dress bagay siya sa Red peep toe heels ankle strap na bitbit ko kahapon maigi na lang nadala ko un kung bakit di ko din alam. Sinuot ko ang dress, and nag apply na rin ng light make up at dahil sadyang mapula na ang aking labi ay nag lipgloss na lang ako, inilugay ko na lang ang wavy, layered na buhok ko na hanggang kili-kili dahil sa basa pa din ito at inayos ang side bangs ko na din. Nang nakarating na ako sa dining area ay narinig ko pa ang pagkukulitang ng mga boss ko at karamihan ng pangangantiyaw ay lahat patukoy kay Chairman. "I never knew I will leave a day, to see my best friend being whipped, welcome to the human world" narinig ko pang pagtawa nito at nga mga kasamahan namin. Kung kaya't natigilan ako sa pagpasok dahil lalong kimabog ang dibdib ko,jindi ko naman maintindihan pero kinakabahan ako pumasok ngayon. "Ano ba naman itong nangyayari sa akin. inhale ,exhale, hinga ng malalim Alexandra, wala ka dapat ikakaba"Ang pag papalubag ko sa puso ko, huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa silid na pinagmumulan nang tawanan. Biglang natahimik ang paligid sa aking pag pagpasok pag angat ng aking mukha, mata kaagad nang lalaking aking nasa isip ang aking nakita, nakatitig din ito sa akin na para bang inaarok ang nasa puso at isipan ko, ang dibdib ko ay parang tambol sa pagtibok dahil sa mga nangungusap na tingin nito. Nabasag lang ang titigan namin ng nagsalita si Sir Darius. "Hi, Babydoll,you look great! para kang anghel na pinadala ng langit para iahon kami sa dilim." Napangiti na lang ako sa tinuran nito. "Oh Iha anjan ka na pala, alika na saluhan mo sa pagaagahan sila Chairman" ang masiglang bati sa akin ni Manang Letty, habang dala-dala nito ang plato na may laman longganisa at fried rice. "Sige po,Manang, salamat po." at ngumiti naman ako dito, nilingon ko pa ang boss ko na abala sa pakikipagusap kay Sir Russel at Sir Philroy na kapwa nasa magkabilang gilid nito. Napakunot nga lamang ang noo ko nang napansin na ang kanyang tasa ay mainit lamang na tubig. "Ayaw niya bang magkape, pero sa pagkakaalam ko ito ang pinaka preferred drink niya sa umaga" napapaisip pa ako nang dumating si Kuya Ruel bitbit ang termos na dala ko kagabi. "Chairman, si Bruno nasa kuwarto muna niya as part of his discipline ,tapos ito po yung termos na pinakuwa niyo, pero sir, wala na itong laman" "Paanong walang laman eh may natira pa ako kagabi jan?" ang nakataas na kila na tanong ng boss namin. "uhumm uhummm, naghanap ako kagabi ng kape nainom ko yung nasa termos mo ,eh nasarapan ako kaya naubos ko" ang napakamot nang ulong sagot ni Sir Darius. "What???, ang dami nun naubos mo?" "No, ako din kasi uminom" ang pag kukumpisal ni Sir Russel. "Si Dylan.din uminom, sumakit kasi ulo namin eh ang sarap nang kape kaya nasarapan na kamng anim" ang pangangatwiran pa ni Sir Carlos "What kayong anim , pang 15cups yung termos na yun at kung tutuusin naka 2cups pa lang ako pero naubos niyo lahat ng laman nun"ang kuryosong tanong ni Sir David. "You can't blame us the taste is really good".ang sagot naman ni Sir Darius na sinang ayonan naman ng iba. "Damn!Anong kape ko na ngayon?"ang painis na tanong ni Sir David. Sabay tingin sa akin na parang humihingi ng tulong, parang naunawaan ko naman ang pahiwatig nito, kung kaya't tahimik ako umalis sa harapan nila at dumiretso sa kusina, at naghahanap ng kakailanganin ko . "Maxwell roasted dark coffee-Check, Honey-wala pero may mascuvado sugar na mas malinamnam sa ganitong coffee,Good, and lastly cinnamon sticks- wala din pero my cinnamon powder-perfect, now let's brew"  Nag brew ako ng 20cups sa De'Longhi  coffee maker in  5minutes at ready to serve na ito. While doing this I also cook banana pancakes, nakakita kasi ako ng ingredients sinamantala ko na with scoop of ice cream masarap ito for breakfast. Mga ilang minuto pa lang natapos ko na lahat nang ginagawa ko at inihanda ko na ang yayamanin na food cart para maiserve ko na ang kape nila at ang pancakes, paglabas ng kusina ay nakita ko  ang boss ko na seryosong nakikipag usap kay Sir Russel., parang hindi pa siya naguumpisa kumain dahil wala pa akong nakita na pagkain sa harapan nito habang ang iba ay kumakain na "May hinihintay kaya siya? Hindi kaya ako ang hininhintay niya? napangiti naman ako maisip lamang na hinihintay ako ng binatang boss ko, bago kumain. Naglakad  ako patungo sa puwesto nito nagkatitigan pa kami nang mag salubong ang aming mata, nakaka tunaw ang mga tingin nito sa akin parang inaabot ang kaibuturan ng puso ko pakiramdam ko tuloy nanlambot mga tuhod ko, lalo na ng ngumiti ito sa akin. Gagantihan ko na sana ng ngiti ito kaso  may nagsalita sa likuran ko na siyang umagaw ng atensiyon ko "Hi Baby! I'm back I brought a cake for you. I ask my personal chef to bake his famous cake, try it, alam ko magugustuhan mo yan" ang malambing na bati nito sa boss ko while palapit ito sa kanya, nang napagsino ko kung kanino galing ang boses dun ko lang napagtanto ang malagkit na tingin at ngiti nito ay para sa panauhing dumating, ang maganda at mayamang si Ms. Airah. "Assumptionista ka kasi  masyado self" ang sermon ko pa sa sarili ko. Upang pag takpan ang pagka pahiya ko sa aking sarili lumapit na ako dito at sinerve na ang kape nito.Nakatingin ito sa akin ngunit ako na rin ang umiwas ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman. after maiserve sa kanya ang kape at maipatong ang pancakes sa lamesa ay tumalikod na ako upang kunin pa ang ibang kape para sa mga kasamahan namin. "Sana may extra coffee ka pa para sa second serving" ang ungot ni Sir Darius sa akin. "Meron po Sir, wait lang po dalhin ko na po dito yung coffee" "Alex, if you can get a plate for me also, I want to serve your boss here, the cake I brought" "Sige po ma'am" pagkqgaling nang kusina bingay ko na kay Ms. Airah ang plate na nirequest nito, while nagserve na rin ako ng coffee sa iba. " Ma'am Airah, coffee po" ang offer ko dito. "No I dont drink plain coffee, my barista ako na tiga gawa ng coffee ko" ang sagot nito sa akin. "Champion ang coffee mo Angel pati pancakes mo ang sarap ipartner sa coffee and sa longanisa at dito sa egg,pag may natira,, baon ko na paluwas ng Manila" ang sabi ni Sir Russell habang tuloy lang sa pagkaing ng pancake na may palaman na longganisa at egg. Nginitian ko naman ito para pag sang ayon dito. "Sir another coffee po?ang offer ko naman kay Sir David na seryosong nakikipag usap kay Ms. Airah. "Yes and pancakes to, yung ginawa mo" ang sagot nito sa akin na bingyan diin ang pancakes na ginawa mo, bingyan ko naman ito ng isa and nagpour ng coffee niya. "Alexandra, why only one, bakit tinirahan mo na ba si Russel ng pancakes" ang nagumingising tanong nito "Sir?" natatanghang tanong ko dito. "I don't repeat myself,dagdagan mo na lang pancakes ko and magtira ka ng baon ko later " ang walang emosyon na sagot nito at hindi na ako pinansin. Dinagdagan ko na lang ang kanyang pagkain at naglagay na rin ako ng babaonin nito at ng iba pa sa mga disposables paper boxes. Nang maihanda na lahat ay duon pa lang ako nakakain ng agahan, naupo na ako sa tabi ni Sir Russel, at tahimik ng kumain. "Marami ka din pala kumain Alex? Are you not really conscious on your weight? ang tanong ni Ms. Airah. "Magana po talaga ako kumain, hindi naman po ako ganon ka concern sa weight ko" ang ngiti ko dito. "Anong weight and height mo ba Alex? ang tanong ni Sir Vincent ang pinaka tahimik sa grupo. "5'6 po and 54kls po" ang sagot ko. Out of nowhere nagkaroon ako bigla ng 3pancakes 2longanisa at 4 Sunny side up sa plato ko napanganga na lang ako sa pagkabigla at napangiwi sa rami nang nakalagay sa plato. "Bat ganon sabi ni Ms. Airah ang taba ko bakit nilagyan pa ako ng pagkain. Ganon ba ako katakaw para bigyan ulit ng marami, da diet na nga lang ako "Eat them, don't think about going on a diet, ubusin mo yan or hindi kita papapasokin ng office for 1week.." ang utos ng demanding kung boss "Si-sige Sir" ang sagot ko dito, sabay tingin sa kanya at sa dalagang katabi nito na halatang naiinis dahil nakasimangot na ito at inirapan pa ako.Pinagtakahan ko naman ano ginawa ko dito. Bahala sila ang iniisip ko ngayong kung talagang matakaw nga ako. "Grabe ganon na ba ako katakaw, di naman nagcocomplain si mama na mataba ako ah tuwang tuwa pa nga ito pag kumakain ako ng husto" usal ko pa sa sarili ko ng natapos na ako kumain ay dun ko lang napagtanto na kami na lang ni Sir David ang nasa lamesa at titig na titig ito sa akin.Na conscious naman ako kaya napahid ko ng table napkkn ang bibig ko. "Ma-may dumi po ba sa mukha ko sir?" "hmmm, wala naman, naisip ko lang kung nag eentertain ka na ba ng mga manliligaw ngayon?" "Wala pa sa isip ko sir, gusto ko muna mag focus sa work ko" "Pero I heard marami nagkakagusto sayo sa office, same age as you". "but their not you, sir!" gusto.ko sana sabihin kaso alam ko naman ang kakahinatnan. Kaya iba na lang sinagot ko. "Sir, naman wala pa kasi talaga, di bale pag meron na kayo unang sasabihan ko" "let's hope na papasa sa panlasa ko magiging boyfriend mo" ngumiti ito sa akin na nagpa kabog na naman sa aking dibdib. Parang sa araw na ito puro kaba na lang ang naramdaman ko pag nagkakatinginan kami may sakit na ata ako sa puso . hayyyyys Itutuloy.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD