ALEX POV
Hindi kami kaagad naka balik ng Manila, dumating kasi ang ama ni Ms. Airah , ang Governor ng Batangas at siyempre hindi matanggihan ng boss ko ang paanyaya ng Governor na itour sila sa isla nito, kung kaya't heto kami ngayon sakay ng magarbong private ferry boat ng mga Rivera.
Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan ang humanga sa kagandahan ng dagat ng Mabini Batangas, ang linis tignan at ang bango ng hangin nanggagaling sa dagat gayundin ang mga bahay na aking natatanaw ay ang gandang pagmasdan, every houses is painted with vibrant bright colors that resonates happiness and calmness of the place.
May nakita din kaming mga dolphins na sumasabay sa aming ferry, I shouted in glee when they dance in front of us. Sa sobrang saya ko ay talagang lumapit pa ako sa deck ng ferry para lamang kuwaan ng litrato ang mga papalayo na dolphin siyempre hindi mawawala ang selfie, nakakayaman kaya ang selfie sa private ferry. Nang nakuntento sa pag kuwa nang larawan ay napagdesisyon ko nang lumapit sa aking mga kasama, ng bigla na lang umuga ang ferry na nag pawala ng balanse sa aking kinatatayuan, may narinig ako na nag sabing may nahagip itong bato kung kayat naging maalog ang barko, maaring ang kapitan din ng ferry ang humingi ng paumanhin sa amin. Maigi na lamang at nakahawak agad ako sa braso ng aking katabi. Pag angat ko nang aking paningin upang sinuhin kung sino ang dahilan ng hindi ko pagkakabagsak , ang nakangising Sir Russel ang bumungad sa akin. Napatingin din ako sa paligid at nabanaag ko ang pag-aalala ng ibang kasamahan namin, ang iba ay aktong tutulungan ako subalit dahil si Sir Russel ang nasa tabi ko ay kahit papaano nabawasan na rin ang kanilang pagkabahala. Inikot ko pa ang aking paningin ngunit hindi ko nakita ang pigura ng aking boss o kahit sila Gov. at ang kanyang anak na si Ms. Airah sa paligid,
" Asaan kaya sila" ang tanging na usal ko sa aking sarili. Eh teka nga bakit ko ba sila iisipin ....eh baka naman nasa isa sa mga cabin ang mga iyon at may contract signing na nagaganap.... eh ano naman kung contract signing yun? Teka kung contract signing yun bakit hindi ako sinama , eh di ba PA/secretary ako, ano ba ang role ko pala dito, palamuti ganon, tsk tsk tsk......Alam mo self ang contract signing nila hindi pang trabaho, maybe a union of two heart that will be tied together forever, Ganern"
" Saan ba makakabili ng kunsensiya, gusto ko na palitan ang utak ko yung slightly use para naman hindi contaminated ng bitterness sa life.... Sino ba ang bitter ako ba? hindi ba't ikaw??? ikaw itong kung ano-ano iniisip sa dalawa....
bahala nga sila kung ayaw ako isama eh di huwag mag-eenjoy na lammang ako sa magandang tanawin na ito.
Tama, huwag ka na magselos instead mag enjoy ka na lang, ingat nga lang baka ma out balance ka ulit, lampa ka pa naman, ... Shut up self, for once shut up ka jan"
Sa pagka-alala sa nangyari ay sinipat ko ang sarili ko at nang makita na ayos ako at intact pa din sa kamay ko ang hawak ko na cellphone ay napa thank you Lord talaga ako. Sobrang iniingatan ko ang cellphone ko dahil ala-ala ito ng aking namayapang tatay, kaya hindi pwedeng mawala ito sa akin. Kahit siguro can afford na ako para makabili ng Iphone, nungkang itatabi ko ito. Bilin pa man ng aking Yumaong ama na huwag ko iwawala ito dahil ito lang daw maipapamana niya sa akin, Naalala ko pa na walang-wala kami pero nang nalaman niya na with honor ako na gragraduate ng college, eh excited siyang inaya ako na bumili nang cellphone sa kakilala. kaya sobrang may sentimental value ang cp na ito sa akin.
"Hoy my Angel, wala ka na naman sa sarili mo! ang agaw pansin na tawag ni Sir Russel sa akin.
"Hala sir grabe ka naman makasigaw, nakakabingi po" ang buwelta ko naman sa kanya.
" Alam mo hindi ka nag-iingat kaya muntikan ka na maging sireyna, kung yan din lang naman pala pangarap mo sa buhay, sabihin mo lang ako at tutuparin ko pangarap mo, ako na sisid sayo, gusto mo sisid marino pa" sabay kindat sa akin at basa ng labi nito gamit ang kanyang hinlalaki."
" Yes, Bossing David, may sinasabi ka ba" Ang malakas na salita ni Sir Philroy, pagkarinig ni Sir Russel sa pangalan ng boss ko eh biglang dumistansiya ito sa akin na pinagtatakahan ko.
"Angel, hindi kita sisirin , promise joke lang yun, script kasi yun sa bagong commercial ng MCORP, title eh, "SISIDIN MO AKO BABY-KAPE PARA SA KATATAGAN" namumutla pa ang mukha nito habang nag papaliwanag sa akin na hindi ko naman maunawaan.
"Bakit niya ako sisirin, ano ba yun? teka commercial ba unm bakit ang pangit parang porno ang dating kung para sa MCORP? ang sagwa naman ng pagkakasulat ng commercial.
"Sino sisirin mo Russel"ang pagsabat naman ng boss ko na mukhang kakadating lang at mukhang naulinigan ang usapan namin. Habang ang iba namin sa mga kasama nami ay hndi matigil sa pagtawa sa napipintong usapan nang magpinsan.
" Ano sinabi ni Russel sa iyo, agrioloúloudo?" napalaki naman ang mata ni Sir Russel at inunahan niya na ako sa pag sagot.
" Insan sabi ko lang naman kung gusto niya turuan ko siya sumisid, Yun lang wala ng iba., diba Angel?"
"Yes Chairman yun lang po wala ng iba" ang pag sang ayon ko dito .
Tinitigan muna kaming dalawa ng boss ko, inaarok ang katotohanan sa sinabi namin, tumikim muna ito at tumitig sa akin bago walang sabi na tumalikod sa amin, bago pa man mawala ito sa aming paningin ay humarap ito sa akin na nakakunot noo.
" Agrioloúloudo, you forgot to serve my afternoon coffee, do I really need to remind you about my coffee time? kung hindi mo kaya trabaho mo, sabihin mo lang sa akin I can hire a new secretary" ang walang control na salita nito, hindi man lang iniinda na may mga ibang nakikinig na pwedeng ikapahiya ko.
Hindi ko naman mawari saan ko nakuwa ang tapang para sumagot pa ako sa boss ko at inis na lumapit sa kanya.
"Sir, as far as I am concern kanina pa kita binigyan ng coffee, hindi ka lang attentive sa bingay ko kaya hindi mo napansin na iniwan mo sa lamesa yung tasa mo at hinayaan lumamig ito" ang sagot ko na may diin sa bawat salita ko .
Umigting naman ang panga nito sa aking tinuran, at pinanlisikan ako ng mata. Halos pigilan ko ang aking paghinga , pakiramdam ko fire out na ako.
"Alex, fired out ka na, so stupid of you na sagotin pa ang lalakeng laging may dalaw" Kalma lang self may piso ka sa bulsa mo ngayon rememeber, ito yung pinagwishan mo ng nakaraan linggo for luck may bisa pa ito for sure, kaya hindi ka pa mafa fire out, suspend lang siguro.... Shamay kahit suspend, ayaw ko"
"Ms. Carreon" ang malamig na tawag nito sa akin.
"Yes sir" and now ladies and gentleman we are back in being formal.
"I have documents in the office of Airah for review , go and get it to her secretary" ang mahinahon nitong utos sa akin.
"On it sir"ang sagot ko pa habang dali- daling naglakad papunta sa Mini office ng ferry.
__________________________
A few minutes later.....
Anak ng Tipaklong akala ko naman eh napakagaan ng documents na pinadadala ng boss ko sa akin hindi naman niya sinabi na isang box ng bond paper at 20 blue prints na tig 3inches ang kapal ang dadalhin ko, halos lumaylay na balikat ko sa pagbubuhat. Sabi pa ng mabait na secretary ni Ms. Airah ay dapat mag pasalamat pa nga daw ako dahil na awa pa sa akin ang may sayad sa utak ko na boss, dahil inihiram niya pa ako ng mga eco bag courtesy off Ms. Airah, para paglagyan ng mga documents na hindi naman siya ang babasa kung hindi si Sir Philroy naman pala, pwede naman ipadala sa mga crew ng ferry pero hindi my sadistic boss really wants me to suffer, hindi na siya naawa sa akin buti na lang nag change costume ako bago umalis ng White house, doll shoes and use pants ang suot ko ngayon dahil sa pag punta ng isla, hinayupak na yan kung nag dress pala ako ano na lang itsura ko... Feeling ko hindi na ako magkaka anak nito , bumaba na ang matres ko sa bigat ng dalahin ko. Hindi ko tlaga mawari bakit pinababa niya ito samantalang mag gogolf lang naman sila dito hindi naman magrereview ng proposal. Infairness sa ibang mga bossing ko like Sir Russel nag offer naman sila ng help kaso, sinasamaan ako ng tingin ng Psychotic kung amo,at dahil ayaw ko masisante agad para sa pangarap na pag-ibig at 13th month pay eh tumatangi ako , at umaarteng kaya ko ito, O diba best actress goes to me for "pasan ko ang daigdig"
Tagktak na ang pawis ko ng nakarating din kami sa may waiting area ng golf car kahit paano nakikinita ko na, makakaupo na ako at maipapahinga ang ngalay ko na balikat. Nagdidiwang na kalooban ko dahil sa naaninag na golf car, dahil Sampu kami na magkakasma ay may dalawang gold cart ang dumating, 7 seater ang bawat golf cart , kaya alam ko na maipapatung ko mga dalahin ko , sasabay na sana ako sa grupo nila sir Russel, sir Carlo, Sir Dylan, and Sir Darius nang hatakin ako ng boss ko.
"Where do you think your going?" ang naiinis na naman na tanong nito sa akin.
"Sir, sasabay po sana ako sa sasakyan nila sir Russel" ang inosente ko naman sagot
"Bakit sa kanila, sino ba boss mo at nagpapasahod sayo? sige kung sasama ka sa kanila mag empake ka na rin tommorrow humanap ka na ng ibang trabaho!" Ang napipikon na salita nito sa akin sabay lakad sa golf cart na nag aantay sa kaniya.
Napapikit na lamang ako sa inis, dahil sa attitude ng psychotic,egotistic kung boss, huminga ako ng malalim, sabay kanta ng "10 little monkey jumping on the bed" upang mawala lang banas ko sa taong dahilan ng pagod ko.
"Are you coming or not?" ang naiinip na tanong niya.
"Ito na nga po Sir, I'm coming na!" nakasimangot ko na sagot sa kanya.
Ngumisi naman ang mokong nang makita akong nagmamadaling lumapit sa kanya. I swear chivalry is dead. Wala talagang awa ang hinayupak.
"What took you so long?" ang ngumingising tanong panito sa akin.
I swear to all devil in hell parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ,Manalo lang ako sa lotto I will kill him with my 2 hands, wait ayaw ko bahidan ang pure soul ko, I will kill him with kindness pakakainjn ko siya ng maraming food gang maempatcho siya, serves him right and while labas masok siya sa CR , I will do my evil laugh, but for now tiis ka muna self.
"Sir, Mabagal ba kala ko kasi mabilis ako knowing na may bitbit ako na sobrang gaan na gamit" ang sarkastikong sagot ko akala ko naman tatablan na ang mokong kaso ngumisi lang at taas kilay na tumingin sa akin.
"Get in, and because we don't have any available seats, just place the documents on your lap."
"Yes sir" ang tipid na sagot ko hindi na ako nag attempt na magsalita pa. gusto ko na lang maiyak sa sakit ng mga kamay ko.
Tumahimik na rin boss ko , at nang tumingin ako sa direction niya, I caught him staring at me. Napakunot noo tuloy ako sa kanya.
"Do you need anything sir" ang nag aalangan na tanong ko sa kanya.
" Nothing" ang simpleng sagot nito at iniba na ang direksiyon ng kanyang tingin.
"We're here!" ang excited na sigaw ni Ms. Airah, nang huminto ang golf cart sa isang malaking Mansion.
Bumaba na lahat ng mga kasama ko, at dahil sa ngalay pa nga mga kamay ko ay hindi muna ako bumaba at nang masigurado na kaya ko na, ay naghanda na muli ako magbuhat ng mga bitbitin na dokumento.
"Ms. Carreon, just leave it there, the staff of Ms. Airah will handle it later." Ang utos naman ng boss ko , ngunit hindi ko na ito pinansin, deretcho kung binitbit ang mga document at lumakad papunta sa pintuan ng Mansion
Nilapitan naman ako ng isang staff nila at tinuru sa akin kung saan ilalagay ang mga dokumento.
When I placed the document on the governor's Oakwood office table, I felt relieved from the burden of carrying a bundle of documents. I stretched and massaged my shoulder, when a strong hand took over and massaged my shoulder and back, instead of being alarmed. I feel comfort in those hands. His touch makes me moan softly.
"Feel better now?" saad ng mahinahong baritonong boses, shocks bosses ng boss ko yun, bakit siya andito eh diba kasama lang siya kanina ni Ms. Airahm, napabalikwas ako at nanlalaki ang matang tumingin sa taong nasa akin likuran. Shemmms, boss ko nga, bakit hindi ko napansin na nasa likod ko na siya, ganon ba kabigat mga dalahin ko talaga at hindi ko man lang napansin ang nasa likuran ko.
" Ye-Yes sir, okay na po ako, Salamat po. uhhhm tara na po sir labas na po tayo" ang nauutal kung sagot sa kanya. Habang ang ulo ko ay yukong-yuko sa kahihiyan feeling ko ang kapal -kapal na ng mukha ko sa pamumula nito.
Tumango lamang ito at nag pauna nang lumabas sa akin.
Walang imik naman na sumunod ako sa kanya. Sa pagdating palang namin ay lumapit na si Airah at pinuloput ang kanyang braso sa binatang boss ko, habang mapanuri naman ang tingin na pinukol sa akin. Hindi ko na lang ito binigyan pansin at humalo na lamang ako sa mga nagkukumpulang grupo at nakigulo na rin sa kanila. The snacks are also being serve, though nagtataka ako dahil wala sa mga kasamahan ko ang kumain bagkus ay nag aya na ang mga ito mag ikot. . Dinala kami ng ama ni Ms. Airah sa isang lugar na tinatawag ni lang Oasis.
To say that I am mesmerized is an understatement much better if they say the place is spellbinding.
The place is like the Garden of Eden it contained all kinds of trees, there were all kinds of animals and in the middle of the garden is a man made river watering the garden flowed from the island; from there it was separated into four headwaters.
Naputol ang aking pag mumuni -muni nang magsalita ang ama ni Ms. Airah.
"This is my kingdom, Mr. Maxwell, everything I have now is a fruit of my labor and no one can take it out of my hand. it will cost them life before they got it from me, sabi nga ng mga bata ko eh ang bumangga taob". habang nakangisi itong nakatitig sa binata kung boss.
"Everything has a price to pay, Governor Rivera, but I also believe that there are things in life that you cannot keep. Even life itself may hold no value for a person dedicated to a mission"nag igting ang panga ng governor sa tinuran ng binata kung boss, napuno ng tensiyon ang buong paligid, ngunit nawala din ito agad at napalitan ng ngisi ng Gobernador.
"I like you, Mr.Maxwell, I hope we can do business , sooner, alam mo na ang mga katulad ko ding politician/negosyanteng, tulad natin ay mainipin." ang tumatawang sagot nito.
"Daddy, huwag mo naman ipressure si Dave, I know aagree din yan sa plano mo" Ang paglalambing naman ni Airah sa kanyang ama
" My team will review your proposal and I will let you know my response soon" Ngumiti lamang ang binata kong boss sa mag-ama
" Anyway it's getting late and uuwi pa kami ng team ko sa Manila. Thank you for showing us your place" ang sambit pa mulit nito.
"Sweety, why don't you just stay here with your team, late na rin naman kayong makakauwi ng Manila" Ang pag lalambing naman ni Airah sa binata.
"Sorry we can't stay long, sagutin ko ang secretary ko sa pamilya niya" langya ako pa tlaga ang dinahilan, pinanlakihan ko nga ng mata.
"Why don't you just let your team go, why you my loves can stay here and we can do the catching up tonight" ang unti-unting pag fliflirt nito sa binata, hindi inalinta na maraming nakikinig sa kanya.
"As much as I want to, but I am a man of words, Aira, You see Alex here is a solo parent, ilang months pa lang ang baby nito and she can't just leave her baby to her mom, dahil nagpapasuso pa daw siya sa anak niya, for sure ung milk na iniwan niya for her baby is no longer enough for the whole evening na wala siya sa tabi nito" ang nakaka awa na pagpapaliwang nito kay Airah.
"You wouldn't want a child to perish without his mom on his side, right darling? paglalambing ng binatang boss ko, while ang Airah naman ay parang sili na sinisilaban sa sobrang pag kakilig
Ako, eto pinaplano ko na kung paano ko na mumurderin ang boss ko, ako talaga sinangkalan , no offensement sa mga nanay pero, my gosh mukha na ba akong nanay? ni hindi ko pa nga alam ang hole in one tpos ngayon mag papasuso pa ako... hayerp na yan.
"Alex, I never know your a solo parent, I'm sorry to hear that, for sure you will find someone who can be your knight in shinning armor na tutulong sayo in racing up you kid. Akala ko kaagaw kita kay Dave but I never knew your situation, buti na lang mabait ang boss mo.. Oh well wala na ako magawa kungdi sabihan kayo mag-ingat. Ingatan mo ang boss mo ha and I will see you in a day or two.
"Dave, make sure the young mom here will be safe ha, may uuwian pa itong anak" ang maarte pa nitong sabi na parang nagbibilin pa sa asawa.
"Yes, Ma'am, don't worry I will deliver her safe and sound, well we have to go, the calf need the milking mama now" ang natatawang paalam nito sa mag-ama.
Nakasimangot naman akong tumitig sa kanya. Mukha pa palang baka ako sa lagay na ito, tinde...Humanda ka talaga sa akin, mukhang maaga ako tatanda sa amo kung may hormonal imbalance.. Makahanap nga ng pamparegla sa Quiapo ng umayos utak nito.
______________
Habang lulan ng ferry hindi ko magawang makihalubilo sa kanila, tawagin na nilang pikon ako pero kasi naman sino pa manliligaw sa akin kung ang pakilala sa akin ay dalagang ina, hindi ko pa nga naranasan ang first kiss eh sira na kaagad ako sa mga kalalakihan,
"Don't be sad na mamme in an hour nasa patag na tayo, you will be home soon, before you know it you're feeding your baby already" ang biro pa sa akin ni Sir Russel, na ginantihan ko naman ng masamang tingin.
"Carlo, bakit fresh ang milk?" tanong ni Sir Russel
"why?"
"kasi galing sa gatas ng cow" ang tuwang-tuwa na sagot ni Sir Russell
Siyempre benta sa mga kasama namin ang joke niya, nag hagalpakan pa nga ang mga kurimaw pati boss ko nakisama na din sa pangangantiyaw.
Tumayo ako sa inis at iniwan silang tawa ng tawa.Ngunit kahit ako ay natawa na rin hindi lang nagpahalata
Pagbaba ng Pantalan ay nag kanya-kanya na nang lakad kami, while ako sinabay ni Sir David sa kanyang sasakyan.
Habang binabagtas ang South Express way ay panay ang linga naman ng boss ko sa rearview mirror nito.
Nagtaka ako , kaya kahit ako napatingin na rin, nagulat na lamang ako na may ilang sasakyan ang sumsunod sa amin"
"Chairman, may mga sumusunod po sa atin, bodyguard niyo po ba mga yan?"
"No hndi ako nag request ng body guard, I can handle myself" ang mahinahong sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwiran nito.
"Then Chairman sino po ang sumusonod sa atin? ang tanong ko muli.
Bago pa niya ako masagot , a spray of gun fire aims our car.
"Chairman, may atraso po ba kayo sa mga taong humahabol sa atin, siguro may nabuntis kayo na babae at ayaw niyo panagutan, Sir sabi nga nila being true will set you free" ang sabi ko pa habang walang tigil ang pagtili ko sa pagbungo ng isang kotse sa amin
"What? You're crazy woman, you don't know what you are saying, for the meantime I will just let it pass, after this, I will deal with your thoughts" ang sagot nito sa akin habang busy sa pagbangga sa sasakyang gumigitgit sa amin.
" Make sure that your seatbelt is tight agrioloúloudo, you're going to experience a one hell of a ride. After niya sabihin ito ay nakita ko na lamang na binanga niya muli ang sasakyang gumgitgit sa amin at ng makawala na dito, ay humarurot na ito ng pagpapatakbo, nakita ko na lang ang speedometer nito ay nasa 160 mph, halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa bilis nang pagpapatakbo ng binata. kapit na kapit ako sa seatbelt ko at todo dasal na sana maging ligtas kami at huwag mabangga sa pagiging kaskasero ng binata.
Ngunit hindi ganon kadali umiwas sa mga sasakyan na humahabol sa amin, hindi kami tinigilan paputukan ng mga ito, hanggang sa nahabol na din nila kami.
"Marunong ka ba mag drive?"
"opo sir, automatic lang , tinuruan po ako ni tatay nang 18 ako" ang kinakabahan ko na sagot. habang ang kausap ko ay tutuk na tutuk sa minamaneho at pag-iwas sa mga humahabol at bumabaril sa amin.
"Good" ang seryosong sagot nito sa akin, may pinindot ito sa gear upang maiwan ito na umaandar at tinanggal na nito ang seatbelt, all of a sudden eh hinatak niya ako sa kanyang pwesto kung kaya't na pabalikwas ako at napaupo sa kanyang hita habang ang kamay ko ay nasa kanyang dibdib.
'You know agrioloúloudo, if not for this situation I would enjoy this position, if not for those scoundrels who is having a grand time of making us their target"
"What?'
"típota moró mou" (nothing baby,)"
pagkasabi niya nito sa akin ay nagkabaligtad na ang pwesto namin ng boss ko ako na ang nasa driver seat , habang siya ay nasa pwesto ko na.
" The car is automatic already moro mou, just follow my instructions and will be safe, understand "?
"Wen lattan" sagot ko naman sa kanya kahit hindi alam paano paandarin ang mamahaling jaguar.
"What did you say?"
"Chairman you talk so much, when I just said yes, puro ka salitang foreigner eh ninonose bleed na ako sayo, makaganti man lang ba" sabay peace sign sa kanya.
"Moro mou, that's your last another unpleasant word from you, I swear you will receive your very first from me. understand? ang sagot nito sa akin habang kinakasa ang baril nito. napalunok naman ako sa sinabi nito at biglang tumibok ang puso sa titig niya sa akin.
"Gurl, mamamatay ka na lumalandi ka pa.., landi agad di ba pwedeng kinilig lang"
"Teka tama ba nakita ko , may hawak siyang baril saan niya nakuwa ito, wala naman akong nakitang hawak niya kanina.... Malamang self sasakyan niya ito Kaya alam niya saan nakasuksuk ito, hello bilyonaryo kaya ang amo mo kaya hndi yan aalis ng walang gamit.
Binuksan na ng binatang amo ko ang bintana ng sasakya at nakipagsabayan na rin ng pakikipag barilan, dalawang sasakyan kaagad ang nabaril nito na nag cause para magkabunggoan sila, habang ang isa naman ay sumusubok pa rin paambunan kami ng bala.
"Moro mou, turn to left side and make the car slow!"ang utos pa nito sa akin.
"Ho? Sir, gusto mo bang mamatay na tayo? Sir, hndi pwede, sabi nang nanay niyo mag-aapo pa siya sa inyo, tska sir ayaw ko mamatay na NBSB, gusto ko pa din po na bgyan ng apo nanay ko. plano ko pa nga po mga 12 na anak para masaya ang bahay...." hindi ko na natapos ang sasabhin ko ng pinasadahan niya ako ng masamang tingin.
"Hindi na natin mabubuo ang 12 anak natin Kung magiingay ka moro mou, now be an angel and turn it on the left side "
Nabingi yata ang tainga ko sa narinig sa kanya, ngunit pinagkibit balikat ko na lamang ito dahil alam ko naman mali ang pagkakarinig ko, sinunod ko na lamang ang utos ng binata at kumaliwa sakto sa pagkaliwa ko ay natutukan namjn ang sasakyan ng kalaban at nagkaroon ng pagkakataon na maunahan ng aking boss ang mga kaaway nabaril niya ang mga ito at napasabog pa niya ang tambotso, halos magdiwang na kami sa kasiyahan ngunit may rumaragasang truck na bubungo sa amin kung kaya sa huli ay tumalon kami sa kakalsadahan, maigi na lamang ay bukirin ang lugar kung kaya't halos galos lamang ang nakuwa namin.
Samantala ang sasakyan ng boss ko ay tuluyang nasalpok ng truck maigi na lamang ay wala dn nasaktan sa pangyayari.
"Sinipat ko ang boss ko na wala pa din malay tinignan ko ang kanyan pulso at kahit paano ay nakahinga ako ng maigi nang maramdaman ang regular na beating ng kanyang pulso, napansin ko din na may sugat ito sa kanyang noo, maaring sanhi ito ng pagkakatilapon namin sa sasakyan, hindi na ako nagdalawang isip pa at pinunitan ko na ang aking t-shirt, halos ang laki ng tapyas ko sa akin damit nagmukha tuloy crop top ang damit ko.
Itinali ko ito sa ulonan niya upang maampat ang dugo.
Marami na rin ang dumating na mga lokal sa pinagbagsakan namin at mga pulis na umalalay sa amin na madala sa ospital.
Nagkamalay na rin ang boss ko nang nasa hospital na kami.Habang hinihintay ang doktor na sumuri sa kanya ay hindi naman ako mapakali sa titig nito, halos kainin na ako ng buhay nito.
"Ano nangyari sa inyo"
Ang nagaalalang boses ni Sir Russel ang umagaw sa attensiyon namin. dali-daling lumapit ito sa amin at unang sinipat pinsan niya nang makita na ayos na ito ay siya namang baling nito sa akin.
"Wow the milking.cow" na siya naman nag pa rolyo sa aking mata.
"Here Moro mou, wear dis jacket baka may kambing na gusto ding sumuso sa cow ang masungit na naman na balin nito sa akin.
Dumating na rin ang doktor na sumuri sa amin, binigyan na kami ng mga gamot na iinomin, at parehas kaming pinag rerest ng 1week, habang ang boss ko naman ay pinababalik after 2weeks para sa benda niya sa ulo at kamay, pagkaalis ng doctor ay nag handa na rin kaming umuwi.
"C'mon milking mama you need to go home ,your calves our waiting for you, they need their fresh milk" ang biro.na naman ni sir Russel sa akin, na hindj ko na lang pinansin ngunit nag-cause din sa kanya ng isang malakas na batok mula sa aking boss.
"Aray masakit na ha insan kung gusto mo ikaw yung bull na nagbigay ng ano para maging makatas " hindi na nito tinuloy pa ang sasahlbihin dahil sa sabay sabay na sipa ang natanggap nito sa pinsan.
tumatawa na lang ako sa kanilang kakulitan habang hinhintay sila sa sasakyan.
Nang nasa biyahe na ay wala na din imik ang lahat dahil sa pagod, at unti-unti ay tinangay na ako ng spirito ng tulog kung kaya't di ko na naramdaman ang pagdampi ng labi sa aking noo.
"