Alex POV
9:00 o' clock AM, yan ang eksaktong oras sa wrist watch ko ngayon, ang usapang ala -siyete ng umaga ay hindi nasunod dahil sa napakabait na alaga ng boss ko, Yup it's official, alaga ng boss ko yung napaka bossy at sobrang atribidang aso , hindi ko naman mawari na trabaho ang pupuntahan namin sa Batangas pero dala niya ang aso niya dahil daw need na nito ng fresh air, wow ha, siya na ang animal lover. Wala naman sana ako problema sa aso ng boss ko kung hindi lang pakialamero ito at kinuwa ang panty ko at sa sobrang talino eh bingay pa sa amo niya. Nakakahiya tuloy ang umagang ito sa akin. Tapos pakiramdam ko pa eh parang nakita na ng boss ko ang buong kaluluwa ko dahil sa maliit na telang iyon. Anyway kahit naging awkward ang umaga namin at nadelayed na rin time ng pag alis namin sa bahay eh mukha naman good mood boss ko, kung sabagay bakit naman hindi, let me count the reasons: Una, Pinabaunan siya ng nanay ko ng isang termos na kape, plus, pagkain na para bang kakatayin kami sa daming hinanda at pinadala nito, hindi pa kasama jan yung take out niyang beef and pork tapa and vigan longganisa kaya parang batang tuwang- tuwa ito sa mga take out niya sa nanay ko,parang ako naman nalugi, ako namuhunan sa lahat ng bingay ng nanay ko. Pangalawa, He ask my mom kung pwede lagi siya mag breakfast sa amin dahil sa namimiss niya raw ang lutong bahay,aba ang nanay ko naman parang bagong sibol na dalaga at tuwang -tuwa na pumayag na dito na ito mag-agahan, hindi man lang naisjp na yung boss ko eh mag babyahe from south to north just to have his breakfast , kaloka, ang pinaka nakakaloka pa sa lahat bago pa man kami makaalis ng bahay eh, ang tawag na nang nanay ko sa boss ko ay "David" while ang boss ko naman tawag na sa aking nanay ay "Tita", e di "wow" sila na ang close, ang bestfriend ko yun parang wala na akong best friend, dahil ang tawagan na nila ngayon ay "bro &sis", NICE, maigi na lang uuwi na ito sa Ilocos, mawawala na isang makulit sa buhay ko. Pangatlong reason bakit sobrang good mood boss ko , hindi niya maalis ang pagtawa pag tinitignan ako, while ako naman kung pwede lang tusukin ang nakakahalinang mata ng amo ko gagawin ko na, his monster dog or if I may say, his ever loyal husky dog Bruno just went again to my bedroom, while I am still dressing up just to look for my torn panty, at nung nakita niya na ito dagli niyang hinatak sa hamper na pinaglagyan ko at itinakbo palabas ng kuwarto ko and of course what do I expect from a loyal dog , he ran again to his Master and show what he has found, such a very intelligent dog, note the sarcasm here, nang tangkain ko nang hihingiin yung sirang panty ko, the canine began to growl again as if saying stay away to his treasure, ang boss ko naman na sobrang bait ayon nagkibit balikat lang at para daw hindi na magalit si bruno eh ilalagay niya na lang ito sa bulsa niya, na siyang ikinapula na naman ng mukha ko parang gusto ko na magpakain sa lupa, tapos ang nanay ko parang walang nakita o narinig sa pangyayaei, eh di wow lalo. This day is turning into a nightmare, sana naman may maganda pang kahinatnan ang araw na ito hindj pa naman tapos ang araw na ito, diba?
As I climb up the car, I choose to sit in the passenger seat, for sure tabi ang mag-amo, ayaw ko naman mag third wheel sa kanila pero napansin ko nakatingin ang boss ko sa akin, minamasdan ang kilos ko.
"Sir, may problema, may naklimutan po ba tayo sa mga documents na bitbit ko?"
"Wala naman, I just wonder if Bruno will be happy that you will be sitting infront of the car" ang tugon nito while still looking at me without any emotions on his face
"Huh? bakit naman po?" ang naguguluhan kung tanong
"Because that is Bruno's favorite spot, everytime we travel"
"Ganon aba grabeng aso naman ito may pag ka brat talaga, manang -mana sa amo niya" ang bulong ng isip ko and speaking of the bossy and bully dog here he comes, at true enough dere-deretso nga ito sa passenger seat, parang ang naging siste eh pinagbuksan ko lang ito ng pinto, tinignan ko ang boss ko as if asking him to do something pero ang mokong sanay na sanay na pagbigyan ang monster dog niya, dahil nginisian lang ako nito, while looking at his dog proudly. Wala na ako nagawa kung hindi ang mag pakawala ng buntong hininga at isarado ang pinto nito at pumuwesto sa likuran bahagi ng sasakyan tabi ng boss ko. Sana lang makayanan ko kasama ang dalawang boss ko na ito maghapon. Fingers Crossed.
_____________
Going to Batangas is pleasantly peaceful walang kaguluhan sa loob ng sasakyan masaya ang tatlong kasama ko sa pagkain ng ham sandwiches na pinabaon ni mama. Para kaming pupunta sa excursion, kumpleto ang basket na bingay ni mama, may mineral water, my coffee, sandwiches, pork rinds and cashew and almond nuts para di sila mainip sa biyahe, buti na lang nakinig ang nanay ko at di na nag pilit mag padala nang pang lunch kung hindi, mag-iisip na ako kung work pa ba pupuntahan namin, sa kabilang side ng basket napansin ko na nag pack din si mama ng wipes, tissue, alcohol and first aid kit, and of course my sanitary napkin, she really knows me well alam niya ang dating ng period ko, kaso sana hindi na dito nilagay inabot na lang sa akin, maigi ako may hawak ng basket kung hindi another nakakahiyang moment para sa akin.
Time skip and ang boss ko na kanina busy sa pag sagot ng calls and emails thru his mobile phone ay biglang nanahimik and when I check on him, confirmed tulog na si pogi. Ang guwapo niya sa suot na white long sleeve , his sleeve are rolled up to his elbow ,which show how masculine he is, hubog na hubog ang katawan nito sa suot niyang polo , and ang sexy nito sa partner na black denim pants and black loafer shoes, kanin na lang kulang at busog na busog na ako.
Nailang bigla ako sa naisip ko so I turn my gaze in front and notice Kuya Ruel our driver looking at me at its rearview mirror, parang nanunukso sa ngiting ipinukol nito sa akin, Inilayo ko ang tingin dito at sumilip na lang sa tanawin na nadadaanan ng sasakyan, naaliw naman ako sa nakita ko sa mga dinaanan namin but my eyes felt heavy, so I closed it for a while.
I felt a tap in my shoulder, and a whisper in my earlobe that left a shiver on my spine.
"uhmmmmm" ang ganting ungol ko sa magaang na pagtapik sa akin ng mga kamay na ito.
"Alexandra, wake up, where here" ang bulong ng baritong boses na lalong nagpapahatak sa akin sa tulog.
"uhmmmm, mamaya na" ang ungot ko pang muli.Ilang minuto pa ay hindj ko na narinig ang baritonong boses na gumigising sa akin but to my suprise instead na baritonong boses ang maringgan ko muli na gigising sa akin ay isang mainit at basang nguso ang dumapo sa pisngi ko na nagpabalik sa akin sa realidad galing sa mundo ng panagnip ,muli ay naramdaman ko nanaman ang basang bagay na pumapahid sa aking mukha, kung kaya't napilitan ko nang imulat ang aking mukha.
"What the fudge! ' ang bulalas ko sa pagkagulat, habang nanlalaki ang mata ko na nakatingin kay Bruno, nakapatong na ito sa buo kung katawan, at sobrang bigat niya parang tatlong bata ang kalong ko sa oras na ito, habang dinidilaan ang mukha ko.
"uhmmm, brunooo, alis ka na ,please, ang bigat muna eh" ang mabait ko na sabi dito while patting it's head.
Pero hindi pa rin ito natitigilan sa pag halik sa mukha ko, asaan ba amo nito, bakit parang hindi man lang ito awatin,
Iniisip ko pa lang ang amo ko ng biglang may tumikim sa kanang bahàgi ko,
"Bruno, stop!" ang matapang na sabi ng baritonong boses na sa hinala ko ay ang boss ko. Huminto naman si Bruno sa pagdila sa mukha ko at bumaba na rin sa pagkakakalong sa akin, at lumabas sa nakabukas na pinto ng kotse, naka hinga naman ako ng maluwag nang nakababa na si Bruno sa akin. Inayos ko ang blouse ko na nagusot at ang pinagpagan na rin ang maong ko na pants.Habang inaayos ang aking sarili, naramdaman ko naman ang titig na titig na tingin sa akin ng Boss ko.
"Sir?" ang nagtatakang tanong ko dito
" I never knew you have a dog fetishes orr rather an animal fixation?" he says while smirking at me.
"What,excuse me?"
"Well I don't mind Ms. Alexandra, as long as you don't bark and lick, though you have to keep it to yourself."ang sabi pa nito habang ako naman ay sinusubukan intindihan ang pinapahiwatig nito. Binuksan na nito ang pintuan sa tabi niya nang lumingon muli ito.
"And Ms. Alexandra, before I forgot, you better clean up pretty well baka mag amoy Bruno ka, maicommand ko na tumabi ka lang sa akin or worst I might feed you with dog food, ikaw din pag hindi mo sinunod utos ko I might chain you up and put a gag ball in your mouth" he said while smirking at me, habang ako naman ay tulalang iniintindi sinasabi nito.
" You only have 5minutes to come out of the car, hintayin ka ni Ruel sa labas ng building" he said again, pero hindi na hinintay ang sagot ko at lumayo na sa sasakyan papasok ng building
"What the fudge! such a chauvinistic, arrogant, ego-maniacal pig, kala mo naman ganon kaguwapo, ang pangit-pangit mo mas guwapo si Bruno sayo, kala mo ang ganda-ganda nang katawan mo, well maganda nga pero mayabang ka pa din at gusto pa akong gawing aso, dahil lang sa dinilaan ako ni bruno, tsaka gusto niya pang sumunod ako sa kanya, may gag ball gag ball pang nalalaman, ano yun baboy lang ang peg na may mansanas sa bibig, ano ba fetish sinasabi pa nito, hmmp ka inis,!" ang delayed reaction kung himutok, kinuwa ko ang bitbit ko na wipes para punasan ang mukha ko at ang compact ko sa bag para mag retouch, nag powder lang ako ng kaunti at pinasadahan ng lip gloss ang mapulang labi, nilabas ko din Victoria Secret Bombshell na pabango ko para masiguradong hindi ako amoy bruno, mahirap na baka maikadena ako nang wala sa oras, dahil lang sa amoy ko, lumabas na ako bitbit ang document bag , shoulder bag ko at ang coffee thermos ng mayabang kung boss, paglabas pa lang ay amoy na amoy ko na ang aroma ng kape, napa langhap ako sa mabangong amoy nito, at nakaramdam na ng pagkagutom, sinipat ko ang oras sa aking wrist watch,at nakitang pasado alas 2 na pala ng hapon at wala pa silang pananghali, nagmadali akong naglakad at tinungu ang kinatatayuan ng mabait na driver na naghihintay sa akin
"Tara" ang anyaya nito sa akin at muli ngumiti lang ako at sumunod sa kanya.
Ang gusali ay made up of glass and steel. and there are ornamental plants sorrounding it, while inside the building, the floor is made up of marble, there's a modern round reception counter table at the receiving area, the lounge area is like a forest lounge, with trees and a stock up lumber sofa, but amazingly the sofa is very comfortable to sit with, also the wall has a unique design it has a plan covered on it and the whole place is painted with white and grey color. Masasabi kung nabighani talaga ako sa ganda ng paligid,naagaw nga lamang ang atesiyon ko ng nag bukas na ang elevator, sumakay na kami and Kuya Ruel press the last floor which is 4th floor. Nang huminto na ito at nagbukas ang pintuan ay dumiretso kami sa left side ng palapag, bumungad sa amin ang mahogany door ng Chairman's office, as we knock on the door, we heard a voice that let us in. I may say Chairman's provincial office is a copycat of his office in Manila, glass wall, wood floor, mahogany office table, receiving area with comfortable sofa with conference table and a mini pantry ang an adjacent room if he needs privacy.
Naagaw lamang ng pansin ang aking pagmamasid ng marinig ko ang baritonong boses nang aking boss ng tinawag ako nito Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakito ko ang aking boss sa dulo ng conference table at sa kaliwang bahagi naman nito ay may nakaupong babae.
"By the way Ms. Airah Rivera, I'd like you to meet my assistant,Ms.Alexandra Carreon" ani nito at sabay tingin sa akin.
"Alexandra, I would like you to meet Ms. Airah Rivera, she is the daughter of Governor Fabian Ribera, and she is personally here to invite our company for the expo trade Batangeno, it's her first project as tourism czar of Batangas, and as a great supporter of our company I want to give her the support that she needs." ang pakilala niya sa kausap na babae habang pinagmamasdan ko naman ang babaeng kausap nito, she has the sophisticated look, morena skin at may pagka chinitang mata, her features screams" I am upper from the class". In short mga tipong babae ng boss ko. Ngumiti ako sa kanya at lumapit para ilahad ang aking kamay.
"Hi Ma'am good afternoon ,nice to meet you po" although napahya ako dahil hindi niya pinansin ang kamay ko at ngumiti lang sa akin at tinignan ako taas ,baba ay pinagkibit balikat ko na lamang ito.
"Hey David, why so formal ang pakilala mo sa akin sa alalay mo, para naman hindi tayo close niyan , let me remind you Mr. you owe me big kaya you better make it up with me ieexpect ko ang pag sundo mo sa akin ha, duon na tayo sa beach namin sa Mabini Batangas, may island kami dun na pwede tayong dalawa ipapa handa ko yung house and then we can do some scuba diving and other fun staff" ang malambing na turing nito while holding my boss hamds gently. para namang may pumitik sa dibdib ko sa.nakikita kung tinginan nila, dahil hindi maikakaila gusto nang boss ko ang atensiyon pinupokol ng bisita nito. May lumokob na lungkot tuloy sa puso ko na hindi maipaliwanag.
Para alisin ang nararamdaman na lungkot ay nagpaalam muna ako sa kanila para ayosin ang late lunch, hinanap ko si Kuya Ruel, tinanong ko dito kung yung catered food ay dumating na ba para maiready na ang mini buffet table. Once na ihanda na sa pantry area ang food, nagtungo na ako sa kanila just to si Ms. Airah, hugging my boss.To make my presence known tumikim muna ako.
"Sir, inform ko lang po kayo na ready na po ang table for your lunch" ang sabi ko dito habang hindj nakatingin sa kanila.
"Okay, thank you Alexandra" sabay tingin nito sa babaeng katabi upang ilahad ang kamay at ayain ng kumain.
Inabala ko ang sarili ko sa pag eestima sa need nila like their water , spoon and fork at mga plates na gagamitin ibinilin ko lahat sa caterer. Akmang lalayo na ako sa kanila upang tawagan ang Country Director for todays meeting ng marinig ko ang commanding voice ng boss ko.
"And where are you going, Alexandra" ang nakakunot noong tanong nito sa akin.
"Sir, ireremind ko lang po si Mr. Caparas for our 4pm meeting tatawagan ko lang po sana siya" paliwanag ko dito.
"You haven't eaten your lunch, right?" ang tanong pa nito.
"I am still full pa naman sir, naparami kain ko ng sandwich kanina sa.sasakyan," kagat labi kung paliwanag.
" Aah sige po, sir, babalik po kaagad ako, before pa kayo magdessert" paalam ko na muli dito, samantalang tinugunan niya lang ng paniningkit ng mata ang paliwanag ko.
Tumalikod na ako at nagmamadaling tinungo ang pintuan, pipihitin ko na sana ang doorknob ng matigilan ako sa narinig kung kausap nito.
"Hello, Philroy! yes, this is Chairman Maxwell, I am reminding you about our 4pm meeting, prepare the report I want to hear all the details" tuloyan ng nabura ang plano ko ng marinig ang pagtawag ng boss ko kay Sir Philroy,. That is Mr. Caparas first name, ngunit paano kaya siya nagkaroon ng number nito?
"Tapos na ang trabaho mo in reminding them about our mtg. later,.Halika na rito and have your lunch, masyado ka nang tingting, baka isipin ni Airah dito hindi kita pinapasahod.ng tama."
While napangisi naman ang katabi nitong babae at pinisil.pa ang kamay nito, while ako naman ay walang imik na sumunod na lamang sa utos.ng boss ko kahit ang sakit makita na magkatabi sila.
Pumuwesto ako sa malayomg bahagi ng lamesa at mauupo na sana ng pigilan ako ng boss ko,
"Alexandra, wala naman siguro akong sakit para maupo ka ng malayo sa.akin" ang sarkastikong tanong nito sa akin, kung kaya't napilitan ako maupo sa kanamg bahagi niya. sumandok ako ng kaunting pagkain kahit wala akong ganang kumain dahil sa pakiramdam ko.
"Is that all the food you're gonna get?"
"Yes sir"
"Ang kaunti no womder ang payat mo," hinatak nito ang aking plato at nilaguan niya ito ng 3 klase ng ulam na may tqtlong sandok bawat putahe, at mahigit Isang tasang kanin, pinanlakihan ko naman ito ng mata, hindi ko alam king mauubos ko ba ito..
"Chairman, sobrang dami po ng bingay niyo, hindj ko po kayang ubosin"
"Well, you have to finish that all or else, mag oovertime ka ng 2weeks" ang banta nito sa akin.
"David, para namang ginawa mo na bata alalay mo" hayaan muna siya kumain while looking at me in displeased manner.
Nahiya naman ako sa turan ng bisita ng Boss ko pakiramdam ko nagpaimportante ako ng di oras.
"She's only 22 kaya bata talaga, May gatas pa sa labi' tumingin pa sa akin ito at nginisian akong parang nang-aaasr
"Oo na ako na ang bata,kainis" ang bulong ko pa sa sarili ko, at walang interest na kumain at hindi sinagot pa ang pang-iinis nito.
Tumahimik naman lahat at nag umpisa ng kumain, nang matapos ko na ang pagkain na nilagay ng boss ko sa aking plato pakiramdam ko hindi na ako makahinga at malamang hindi na rin kakain ng snacks or gabihan.
"Sir,we have mango cheesecake for dessert and if you want I can serve you your coffee now with the cake ?"ang alok ko dito, but instead of my boss, eh si Ms. Airah ang sumagot sa akin.
"No need to prepare his coffee, just bring us the cake and I will make his coffee, you know Alex, Your boss here is addicted with my coffee, so ako na bahala mag prepare nito unless David here doesn't want my coffee but just me" sabay ngiting nakakaakit sa amo ko.
"Okay po ma'am, Sir, If I may excuse po muna, I just need to go to the washroom" sabay talikod at kahit narinig ko na tawag ng boss ko ay nagpanggap na lang ako na hindi ko narinig ang tawag nito, nang makalabas na ng opisina nito ay laglag balikat akong nagtungo ng banyo at nausal nang may kalungkutan.
"You are not the coffee that he needs, cheer up Alexandra, pasalamat ka crush mo lang siya. No to PAIN!" ang pagaalo ko sa aking sarili.
Tanong, crush nga lang ba ito, pwede bang magkagusto sa taong ilang araw mo pa lang nakikilala" .
Itutuloy....
A/N:
My apology for the super delayed update my fingers are still not in a good condition need ng therapy para maging okay na ulit.
Stay safe everyone.