Alex POV
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nag banyo basta ang alam ko lang nang lumabas na ako ng banyo ay maayos na ang aking pakiramdam, hindi na ako bitter. Naaktohan ko pangang nakayakap ang bisita ng aking boss at binigyan siya nito ng masuyong halik sa labi, tatalikod na sana ako para hindi makita ang intinate scene na ito kaso bigla naman may umakbay sa akin, kung kaya't napatalon ako ng bigla sa gulat at napa tingin kung sino ang mapangahas na umakbay sa akin.
"Sir Russell, ano gingawa mo dito?" ang gulat na gulat kung bati dito.
"Well I am your booty call, tonight, sweetie" sabay kindat sa akin at lalo pa akong inakbayan nito.Ako naman parang natatangahan hindi alam ibig sabihin nito.
"Huh,ano yun sir?" pagklaklaro ko pa, tinawanan lang ako nito at pinisil pa ang aking pisngi.
"You're cute" sabay tawang nakakaloko
Ano ba ibig sabihin ng booty call, remind me later ,myself, tawagan natin si best at maraming colloquial words na alam yun.
"Sir, di ba may meeting ka sa Manila Office today?" tanong ko muli dito habang sinusubokan alisin ang braso niya sa balikat ko.
"Yeah, pero andun.si Yvonne , tsaka si Julia and my sexytary na si Froilan, kaya kampante akong iwan sila" natatawang sabi nito at inakabyan muli ako , at hinatak palapit sa magsing Irog. Well, hindi ko alam kung sila but the way how clingy Ms. Airah is for sure may namamagitan na sa kanila.
" Ouuuch Self, isampal mo pa sa akin na sila, masokista ka din ano."
"Hey Love Birds" ang bati ni Sir Russel sa kanila.
"Hey, how are you Russel? Ang nakangiting turan ng dalagang bisita while naka angkla pa din ang braso nito sa leeg ng boss ko, habang ang boss ko naman ay sinusubukan alisin ang mga nakayakap na kamay sa kanyang leeg, note the sarcasm here sinusubukan kanina naman hindi nag aattempt alisin ngayon lang nang nakita namin silang lovey-dovey, duh???? , Successful naman siya kaso nang naalis na ito ay napasimangot naman si Ms.Airah sa ginawa niya, kaya lalong nagpaka clingy ito at dumikit pa ang katawan sa katawan ng boss ko. Na pinagsawalang bahala na lang ng huli.. Samantalang ang boss ko naman ay titig na titig sa balikat ko na hanggang ngayon ay hirap na hirap ako alisin dahil sobrang higpit at bigat nang kamay ni Sir Russel na naka patong pa rin sa balikat ko.
"So and So kanina, but now na nakita ko na ang magandang anghel ko, I can say I am definitely good , and very much inspired to work again, andito na kasi ang happy pill ko" sabay ngiting napakatamis sa akin.
"Russel as far as I know you have a meeting in Manila office today with the coffee farmers of Kalinga, what brings you here? ang walang emosyon na tanong ng binatang amo
"Well I am here to see my angel" sabay ngiti ulit sa kanya.
"Really,I am.."
Kukumento pa sana ang boss ko ng putolin ng isang tawag ang pag kokomento nito. Sinipat pa nito ang tumatawag bago humingi ng paumanhin upang sagotin ang celphone na nagwawala na sa pag ring Naiwan naman kami na kapwa natahimik at naghihintay sa pagbabalik ng binatang amo.
Pagbalik niya ay nakakunot noo na ito at tinignan nito si Russel ng may kahulugan, tumango namsn ang isa ,kung kaya't nanahimik ang boss ko, at tumingin sa wrist watch niya.
"Excuse us ladies, Russel and I have an urgent discussion to talk with. Alexandra call all the involve officers in today's meeting,ask them to come immediately in the office,"sabay talikod sa akin na hindi ko man lang nakita ang ekspresyon nito.
"You heard the Boss Chairman, ladies, it's an urgent matter, so may we be excuse" ang seryosong turan ni Sir Russel, na unang beses ko palamang nakikita sa kanya.
"Yeah, no worries about that, work is work, the life of being a Chairman ng isang multi national companies is so toxic, but I have to get use to it,If you know what I mean" sabay ngiti nito kay Russell at titig naman ang pinukol sa akin, na pinagtakahan ko naman.
"Anyway I have to go, sayang kala ko maiinvite ko pa ng dinner si David" Sabay beso kay Sir Russel at nagpaalam na ito. Nang nakalabs na ng opisina dumiretso na sa Chairman's private room si Russel samantala ako naman ay walang oras nq sinayang at tinawagan kaagad ang mga taong sinabihan ng boss ko. Within 30minutes dumating na ang mga ito, Natigagal naman ako sa pagkakatayo ng makita ang mga dumating pawang mga lalakeng nagsisistaasan at ang mga katawan ay nagsisilakihan.
"Good afternoon, Ma'am, I'm Philroy and may kasama akong tatlong itlog". tinuro niya pa ang tatlong niyang kasama, na minura naman siya dahil sa pagpapakilala nito sa kanila.
"We are being expected by the Chairman" ang sabi pa nito sa akin. Mukhang nasa late 20s or early 30s ang panauhin, kahit ang mga kasama nito ay kasing edaran din ng kanyang mga boss. At walang tulak kabigin lahat ay simpatiko.
"Meron bang face and body requirements ang mga officer sa planta bakit parang ang mga ito ay modelo ng GQ magazine."
"Good afternoon Sir! Yes, Chairman Maxwell is waiting for you at his private office" ang sagot naman niya..
"If you can lead us the way, ma'am"
"Yes, Sir no problem" inalalayan ko ang mga ito sa pribadong kuwarto ng amo ko, kumatok muna ako at nang ako ay mapagbuksan na ang nakangising Russel ang bumungad sa akin.
"Hey, Angel, miss me?" ang malanding tanong nito sa akin hindi alintana na may panauhin ang pinsan niya na nasa likuran ko.
"Sir Russel, the Chairman's visitors are already here" ang sagot ko dito at pagiwas na rin sa paglalandi nito sa akin "naku dapat si best katapat ni Sir Russel parehas na malandi ang ugali." nausal ko pa sa aking sarili.
Tumingin naman si Russel sa likuran at nang nakita nga ang bulto , ay tuluyan nang na baling ang atensiyon nito sa grupo ni Mr.Caparas, nginisian niya ang mga ito at dagling kinamayan ng isang brothely handshake.
"Good to see you brothers, tara inaantay na kayo sa loob ni David."sabay pasok sa opisina.
tumabi naman ako sa gilid upang mag bigay puwang sa dadaanan ng mga panauhin.
"Look whose here, David"ang narinig ko pang sambit ni Sir Russel sa boss ko,while Sir David stood up for a brotherly handshake and hug.
Humakbamg na rin ako papalayo sa pintuan nang marinig ko ang baritonong boses ng Chairman na tinatawag ako
Muli ay humakbang ako hanggang pintuan upang silipin ang binatang amo, nakita ko itong nakaupo sa isang swivel chair sa dulo ng pang sampuang lamesa, nakatingin ito sa harapan bahagi nito na parang may inaabangan na mapanood,.napadako ang tingin ko sa tinitignan nito at nasilip ko ang isang dingding na may built in wall cabinet, napapalamutian ito ng libro at sa centro nito ay isang 41inches smart tv. nakita ko na abalang sineset up ni Sir Russel ang tv. Iginala ko pa ang mata ko at napansin ko na sa may dulong bahagi sa likuran ng binatang amo ay parang isang extension room ito na may simpleng queen size bed. The whole room has a black and white interior that makes it masculine.
"Sir, you ask for me?" ang bungad ko rito.
"Yes, please order some snacks for the gentlemen here and Alexandra I will be turning my mobile phone,.if someone called from my family tell them I am having a closed door meeting"
"Yes sir" aalis na sana ako ng biglang bumukas muli ang pinto at iniluwa nito ang lalakeng nakasabayan ko sa elevator nang unang araw ko sa MCorp. Napabuka pa labi ko ng mapagsino ito, while ang binatang boss ko naman ay nakakunot nuong nakatingin sa akin
"Am I late?" ang dere-deretsong lakad nito sabay upo sa pang gitanang upuan katabi ng mga staff ni Mr. Carpio.
Pito na kalalakihan lahat ang nasa loob ng pribadong kuwartong ito kasama na ang aking boss lahat sila ay makikisig at matitipuno ang katawan, ngunit nangingibabaw pa din para sa akin ang binatang amo, ang pagiging misteryoso at masungit nito ay lalo pang nakakadagdag sa appeal nito.
"No, your just in time, we are just about to begin our meeting"ang sagot naman ng boss ko.
"Alexandra you may go now" ang pag papalabas nito sa akin. Hindi na din ako sumulyap sa mga nangungusap na tingin ng mga bisita sa akin, dahil hindi naman aki pinakilala ng boss ko sa mga ito.
Pag labas ng private room ng Chairman ay kinontak ko na ang canteen and nag ordered nang light snacks for the seven Gentleman inside,
After few minutes ay dumating na ang inorder kung special cassava cake and puto, assorted nuts and chips. Nag timpla na rin ako ng juice and nag prepare na rin ng coffee for my boss, dinamihan kuna baka my gusto din ng ibang coffee. thankful din ako dahil may nakita akong food trolley. kaya naiset ko ng maayos ang food snacks nila,
"Bottled water,coffee,juice, pica-pica snacks, plates and spoons, check na lahat, isa na lang itext si bossing" ang usal ko pa sa sarili ko. Dinala ko na ito sa tapat ng Chairman's private office bago itext ito.
Alexandra: Sir, your snacks is ready, should I serve it now.hoping na sasagot siya kasi magoof nga pala siya ng cellphone niya
Sir David: Yes.
After mareceived ang kanyang reply kumatok na ako at pinagbuksan naman ako ng Boss ko, inalalayan pa ako nito sa pagsalansan ng maayos sa trolley na tulak ko, bago ito bumalik sa upuan nito.napansin ko naman busy ang mga kasama niyang nagbabasa kaya I took it as a chance to serve them their snacks. I ask each one of them if they want their coffee.
"Ms.Alex, I want you, pwede ba yun" ang mahinang sabi ni Sir Russel nang tanongin ko ito pero parang di naman pabulong kasi naringgan nang lahat ang sinabi niya. Natahimik na lang ako at napatingin sa boss ko na naka kunot nuong nakatingin sa amin.
"Russel, stop flirting with my PA" ang seryosong puna nito sa pinsan.
"I am not flirting, I just want her to know na I like her" ang sagot nito na ngumingisi pa.
"Dati naman hindi mo ako pinupuna pag nilalambing ko mga PA mo" dagdag pa nito.
"Because those PA I have before are to old to be your mother, compared to Alexandra," ang kunot nuong sagot nito, samantalang ako naman ay napatingin na lang sa sagotan nilang mag pinsan.
"Hindi naman matanda si Ms.Julia?"
"Hindj nga pero hindi ko PA si Julia, secretary ko siya at di ka papasa dun dahil kilala nun karakas mo"
"For sure sa Angel Alex ko papasa ako, I need an angel to lighten up my dark night" nagpacute pa ito while tumitingin sa akin.
"Yeah go find your Angel at the red light district, but not my PA, off limits ang staff ko"
An amuse laughed stops the bantering of the two alpha male. in front of me.
"Ms. Alexandra, nice to meet you again, ang swerte naman ng mokong na ito, sa dami- daming na nangarap at pumila para maging personal secretary ka eh ang magaling na Chairman pa natin makaksalo ng spot" natatawang turan nito, sabay tingin sa boss ko, na seryosong nakatitig na rin pala sa kanya.
"By the way I'd like to introduce us para kasing walang planong ipakilala kami ng BOSS mo sayo, such a possessive BOSS, don't you think? I am Dylan, the over all IT manager, your Knight in shinning Armour, tagapagligtas sa mga taong walang paki alam kung may maiwan man silang tao na maaari nang malate sa appointment nito." Napa ubo naman ang boss ko at pulang-pula na ang mukha kaya bingyan ko kaagad ito ng tubig, habang ang mga kausap naman niya ay tinatwanan siya.
"Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit, Nice meeting you ma'am Darius at your service Ma'am, mukhang mapapadalas ang pagbisita namin sa Chairman's office lalo na may Anghel na bubungad sa amin bago pumasok sa impiyerno " kung hindi mo na matiis ugali ng boss natin, You may always ask the HR para itansfer ka sa department ko sa purchasing don't worry about the Chairman ako bahala sayo" sabay kindat sa akin.
"I am Philroy, ang head mill manager sa PH. if you need a tourguide, always ready to guide you 24/7 ma'am."
"Vincent, head security and pwede ring tigapag bantay ng puso mo, angel"
"Damn! nakakabakla pakilala mo sure ka bang ikaw dapat maging head ng security" sabat ni darius.
" Carlo, ang VP accountant, angel if you need any advice about money concern you may approached me, hindj ba nag mamasters ka?
" Ah, Yes Sir!" I answered hesitantly.
"If you need money for your tuition fee, just let me know" pinamulahan naman ako sa sinabi nito.
"Damn, DOM lang bro"
"f**k, feeling mo naman papatulan ka ng manikang ito" sabi naman ni Sir Russel.
While tahimik lang ang aking boss at tamang nakikinig lamang sa banatan ng mga kausap nito.
"And I am the Chairman of this company Ms. Alexandra, and I will be your doulos zois.
Biglang natahimik ang paligid para bang may dumaan na anghel, dahil lahat sila ay nakatingin kay Chairman na parang manghang-mangha sa sinabi nito, samantalang ako ay kunot noo dahil hindi ko naunawaan ang sinabi nito, ni hindi ko nga maitype at maigoogle search kasi ang hirap ng pagkaka bigkas nito, pinag palagay ko na lang na ang ibig sabihin niya ay magiging mentor ko siya dahil siya ang boss ko.
While Sir Russel, clear his throat, and smirk at him, the others drink their water para bang natuyuan sila bigla ng kanilang lalamunan.
"Any question on what I said?" sabay tingin sa mga ka meeting niya. Napa iling naman ang lahat.
"Therefore we can continue to our meeting, working break tayo, Alexandra, kindly serve the snacks and bring my coffee here.
"But you just have you coffee , an hour ago sir" ang kunot nuong paalala ko sa kanya.
"No, I don't you left remember, paano ako makakapag kape? kapeng-kape na ako kaya dalhin muna kape ko dito" ang nagsusungit nitong sagot sa akin.
"Yes Sir" ang nagtataka kung sagot, I serve them first their snacks and juice and then lumabas naman na ako para dalhin ang coffee na ginawa ni mama para sa kanya nasa thermos pa ito ng pinasok ko sa private room, kaya gula't na gulat ang iba sa bitbit ko.
"You let her make your coffee" ang gulat na tanong ni Sir Philroy.
"Yeah, I like to drink coffee, you know that" ang bale walang sagot nito sa kanya.
"Yeah we also know that, but we also knew how coffee plays a big part on your everyday life."
"tsk, tsk, tsk, ang masasabi ko lang may nanalo na, talo na ang ibang gabriela, " natatawang sambit ni Sir PhilRoy,
"Binakuran na rin ng tandang ang sisiw kaya, bawal nang may lumandi dito" Ani ni Sir Carlo.
"Let's see how the alpha, unleashed its fang, to claim his territory, without his vixen knowing it" ang mysteryosong komento ni Sir Russel habang nakatitig sa mga kasamahan, nangingiti naman tumango ang iba, bilang pag sang ayon dito, pero ang boss ko ay parang wala lang sa kanya ang komento nito, dahil blanko pa din ang ekspresyon ng mukha nito.
Wala naman ako naintindihan sa sinabi nila kaya dinedma ko na lang ito pero para namang sinilaban ng buong sili ang katawan ko ng mahawakan ng boss ko ang kamay ko nang iabot ko na ang kape sa kanya, bigla akong nailang dahil nagkatinginan pa kami kaya naman dali-dali ako nag excuse sa kanila para lumabas na nang kuwarto nito.
Kumalma lamang ako ng nakalayo na sa presensiya nang binatang boss ko. Hays Alexandra ano ba nangyayari sayo???....
Itutuloy...
A/N
Doülos Zois.- greek word for forever slave