CELESTINE Maaga akong pumasok. Sumabay uli ako kay Tito Arman. Matapos naming makapag-log in at makapag-time in ay naghiwalay na kami. Tumuloy na ito sa maintenance room kung saan ito naka-assign at naka-duty. Samantalang ako naman ay nagtuloy na rin sa locker room para naman magbihis ng uniporme. Tahimik lang ako na nagpapalit. May mga kasabay ako na ibang mga regular na empleyado roon kaso hindi ko naman kilala. Pero kahit gano'n ay bumabati pa rin ako at ngumingiti sa mga ito bilang pag-galang na rin. Ayoko namang may masabi ang mga ito at isipin nilang snobber ako. Mataas pa rin sila sa akin. Hamak na ojt lang ako kaya kailangan kong makisama. Tapos na akong magbihis pero wala pa ni isa sa mga kasamahan ko ang dumarating. Hindi ko alam kung masyado lang akong maaga o ano. Napa-check

