CELESTINE Kakatapos lang ng briefing namin. Palabas na kami ng tinawag ako ni Ma'am Michelle. Napilitan akong magpaiwan at pinauna na ang mga kasama ko. Nakadama agad ako ng kaba.Hindi ko alam kung bakit. Napaisip ako kung may nagawa ba akong mali. Agad akong lumapit dito. "Bakit po, Ma'am?" kinakabahang tanong ko rito. "Pumunta ka raw sa opisina ni Sir Kim," saad nito. Nagpanteng agad ang magkabilang tenga ko ng marinig ko iyon. Ibig sabihin ay okay na nga talaga ito. Ibig sabihin din ay pumasok na ito at naroon na rin ito sa opisina nito. Makikita ko na uli siya. Ang pogi nitong mukha. Ang Mr. Pogi ko. Ang crush at ang apple of the eye ko. Yey! Natuwa ako at the same time ay na-excite ako bigla. Tuloy ay hindi ko na napigilang pasimpleng ngumiti ng sobrang tamis. Mabuti lang at hi

