CHAPTER 14

2328 Words

CELESTINE Kakagaling ko lang ng HR department nang pinatawag ako ni Ma'am Michelle para sabihan na 'wag na daw muna akong mag-report kay Sir Kim mamayang hapon sapagkat wala raw ito. Maaga raw itong umalis kanina at hindi sinabi kung saan pupunta. Pinapasabi raw nito iyon para hindi na raw ako maghintay pa. Pagkatapos niyon ay lumabas na rin ako. Malungkot at matamlay akong naglakad pabalik sa mga kasama kong ojt na nasa cafeteria. Lunch break na kasi namin. Lahat ay halos ay naroon na at kumakain. Napilitan akong iwanan ang pagkain ko para sumaglit na puntahan si Ma'am Michelle. "Oh, ba't parang namatayan 'yang mukha mo?" pansin agad ni Tonet sa akin nang makabalik ako at umupo muli sa mesang inuukopa namin. Napatigil pa ito sa pagsubo ng kinakain nang makita ako. Maging sina Zaira at P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD