CELESTINE Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Sir Kim. Hindi ko ine-expect na makikita ko siya roon at hihinto ito para tawagin ako. Kung tutuusin ay pwede naman itong lumagpas at magkunwaring hindi ako nakita. Gusto kong magpasalamat at dumating ito kung saan kailangan ko talaga ng tulong. Someone who can save me from this bad experience. Someone who can be my knight in shining armour. "Sakay na!" Sigaw ulit nito. Napatayo ako nang marinig ko iyon. Lalapit sana ako kaso naisip ko na basa nga pala ako. Hindi lang basta basa as in tumutulo talaga ang suot ko. Pesting ulan kasi! Kung saan pa talaga pauwi na ako, hirap pang sumakay at wala akong dalang payong ay saka naman bumuhos ito ng todo. Iniisip ko rin na baka mabasa ang upuan ng sasakyan nito. Nakakahiya naman dito. "Sir Ki

