CELESTINE Nakahinga ako ng maluwag nang matapos naming linisin ang kahuli-hulihang kwarto. Actually may ilan pang kailangang linisin pero hindi na namin nagawa pa sapagkat patapos na rin ang oras namin. Halos magfo-four pm na rin kasi at kailangan na rin naming umuwi. Naka-sampong kwarto yata kami sa buong araw at nasa iba't-ibang palapag pa iyon. Sobrang laki ba naman kasi ng Hotel Trevino at sa totoo lang nakakapagod talaga ang mag-akyat panaog. Pero naisip ko naman na nakakaya nga ng ibang mga empleyado na araw-araw nilang ginagawa iyon. Nakakabilib nga ang mga ito. Parang hindi sila napapagod. Parang balewala lang sa kanila ang dami ng lilinisan nila. Kahit na feeling ko ay pagod na pagod na sila ay wala akong naririnig ni ano man. Minsan ay nakikita at naririnig ko pa nga na nagtata

