CELESTINE Kakarating ko lang sa Hotel Trevino. Hindi ko kasabay si Tito Arman ngayon sapagkat nalipat na ang schedule nito. Pang-gabi na ito kaya mag-isa na lang akong pumasok ngayon. Medyo maaga pa naman. Matapos kong makapag-log in sa logbook ng security guard na naka-bantay sa entrance ay hindi na muna ako nagtuloy sa loob para mag-time in at magbihis sa locker. Tumambay muna ako roon saglit. Medyo napagod ako sa pakikipag-unahan ko kanina para lang makasakay ng bus. Ang hirap talaga 'pag sobrang aga ng pasok at maraming kasabay. Kailangan talaga makipagbalyahan kung hindi late ang aabutin ako. Iniiwasan ko pa naman iyon. Pumwesto muna ako sa may gilid. Baka may dumating din akong mga kasamahan kong ojt. At habang naghihintay ay kinuha ko na lang muna ang cell phone ko para nagcheck.

