CELESTINE Tuluyang bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang may gawa niyon. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makilala ang may-ari ng kamay na iyon na walang iba kundi si Sir Kim. Mukhang humabol ito kaya hingal na hingal. "Sir Kim, kayo po pala," sabi ko rito. Pumasok ito sa loob ng elevator. "Ayos lang po ba kayo, Sir?" tanong ko pa. "Ayos lang ako. 'Wag mo 'kong intindihin," sagot nito na habol pa rin ang hininga. "Saang floor po kayo bababa?" tanong kung muli ng sumara na ang elevator. Pareho na kaming nasa loob. "Kahit saan!" Nagtaka ako sa sagot nito. "Sir?" "Bingi ka ba, Ms. de Castro?" May iritasyon ang pagtaas ng boses nito. At nasindak ako ng konti roon. "Hindi po, Sir," natatakot ko pang sagot. "'Yon naman pala, eh. Kung saan ka pupunta, do'n din ako pupunta."

