Hating gabi na ay hindi parin dalawin ng antok si Irish ,Biling baligtad siya sa kama, Bakit pilit pumapasok sa utak niya ang mukha ni Airon,Hindi mawala sa kanyang ala ala ang mga sinabi nito kanina, na siyang nagpapalundag ng kanyang puso."anu ba Irish nasan ang tapang mo kala ko ba matigas ka bakit sa mga titig palang niya natutunaw na ang sinasabi mong pusong bato ka,"bulong ng utak ni Irish
Kinuha pa niya ang isang unan at itinakip sa kanyang mukha Nang makaramdam siya ng pagkauhaw, Bumangon siya nagtungo sa baba para kumuha ng tubig sa ref, hindi na nya binuksan ang ilaw tangin liwanag nalang ng ilaw sa labas ang nagbibigay liwanag sa kusina. Uminom siya inilagay niya ang baso sa lababo. Bumaling siya pabalik ng bigla siyang nabangga sa isang bulto ng tao hindi niya nakilala , Naout of balance siya mabilis ang kamay ng lalaking may matipunong katawan na nasalo siya upang hindi tuluyang matumba. Nakayakap ito sa kanyang bewang
Amoy na amoy niya ang alak na ininom sa hininga nito.
Kahit na medyo madilim ay nakilala ni Irish ang lalaking sumalo sa kanya.
Dahan dahan siya nitong itinayo, hindi nito inaalis ang mata nito sa kaya nakipagtitigan siya dito,animo nahipnotismo siya sa napakagwapong mukha niyo, Mga matang nangungusap matangos na ilong mapupulang mga labi, bagay na bagay dito ang clipchin nito na lalong dumagdag sa kagwapuhan nito.
Naramdaman nalang niya ang malabot nito labi na nakadampi sa kanyang mga labi, Gustong magprotesta ng isip ni Irish ngunit tinatalo ito ng kanyang puso. Marahan nitong kinagat ang kanyang ibabang labi panganga siya sa ginawa nito, Ngayon lang niya naranasang mahalikan, pakiramdam niya nababaliw siya sa mga halik nito. Ibang sensasyon ang dulot nito sa kanyang buong katawan.
Hindi marunong humalik si Irish nakabuka lang ang kanyang mga labi habang hinagalugad ng dila ni Airon ang kalooban ng kanyang mga labi ,naramdaman na lang niya na unti unti na niyang ginagaya ang ginagawa ni Airon sa mga labi niya, Kaytamis ng nalalasahan niya,naghahalo ang mainit at ang amoy ng alak sa hininga nito halos mapugto na ang kanilang hininga ng sila ay mag hiwalay.
Magkahinang ang kanilang mga mata. Hinawakan ni Airon ng isang kamay niya ang batok ni Irish habang isang kamay ay nakayakap parin sa mga bewang nito.
Pakiramdam ni Irish ay may mga paro parong nagliliparan sa kanyang sikmura pati ang puso niya ay lumulundag dahil sa kakaiba niyang nararamdaman.Kusang gumalaw ang mga kamay ni Irish niyakap niya ang matipunong katawan ni Airon. Palalim ng palalim ang mga halik ni Airon kay Irish,
Natigilan sila ng biglang magliwanag ang sala mabilis na tumalikod si Irish. palabas ng kusina.
Nasalubong niya ang kanyang best friend.
"best"saad agad ni Irish
"saan ka ba galing beshy"tanung ni iyah sa kaibigan.
"ah eh nauhaw kasi ako kaya bumaba ako at uminom. eh ikaw san ka pupunta?"tanung ni irish na malikot ang mga mata. hindi niya matitigan ang kaibigan.
"nagising ako na wala ka kaya bumaba ako dito"ani ni Iyah.
Napansin ni Iyah na nasa pinto ng kusina si Airon.
"tito" ani Iyah na nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa.
Pakiramdam ni Irish ay namula nag buo niyang mukha.. Halos hindi siya makahinga sa kabang nararamdaman..
" Iyah gusto mo bang uminom"alok ni Airon na may dalang ice cube.
"ay tito bet ko yan, kaw best tara join tayo kay tito"aya ni Iyah kay Irish...
Nilingon ni Irish si Airon tinignan niya ito ng masama. saka humarap kay iyah
"Hindi na best kayo nalang. inaantok nako.."tumalikod na siya nagtungo na siya sa kanilang kwarto sa taas..iniwan niyang nakatanaw lang sa kanya ang dalawa.
POV Airon.
"Mommy nasan po si Irish"tanung ko kay mommy ng masalubong ko siya paakyat ng hagdan.
"Nasa garde hijo"tugon ni mommy.
Dali dali akong bumaba ng hagdan at nag tungo sa garden,
Nakita ko siyang nakaupo sa swing, dahan dahan akong lumapit sa likod niya upang yakapin, ng biglang tumunog ang phone niya, Rinig na rinig ko ang usapan nila ng lalaking iyon. Halos sumabog ako sa matinding panibugho, Pilit kong kinalma ang sarili ko bago siya kausapin.
Masakit sakin na malaman na ang babaing mahal ko ay iba ang itinitibok ng puso,
Gusto kong malimutan ang kirot na nararamdaman ko. Bago ko bumalik sa bahay ni Irish ay mag tungo muna ko sa mini bar sa bahay, kumuha ko ng wine dala ang wine pumunta ko sa kabila, Mula ng manggaling sa ospital si Irish ay lagi na ko sa kanila natutulog kahit pagtabuyan pa niya ko hindi ako nagpapatinag, Labis kasi ang naging pag aalala ko ng makita ko na nawalan siya ng malay.
Matamang nakaupo ako sa may sala ng mapansin kong may bumaba ng hagdan dahil sa madilim ang lugar na iyon hindi niya ko napansin, Sinundan ko siya nagtungo siya sa kusina, Nabigla ako ng bumaling siya pabalik nagkabangga kami mabilis ang kamay ko na hinapit ang kanyang bewang, Tinitigan ko ang mapupungay niyang mga matang nangungusap, hindi ko napigilan na angkinin ang kanyang malambot na labi,"sobrang ganda mo love nakabaliw ka" bulong ng utak ko, Dahil sa tama ng alak ay nag init ang buo kong katawan, Pareho kaming hindi na makahinga ng bitwan ko ang kanyang mga labi..Nagulat kami ng magliwanag ang buong sala. Bigla ang pagtulak niya sakin. Mabilis niyang nilisang ang kusina. Gusto ko siyang habulin at ikulong sa aking mga bisig. Nang matauhan ako ay sumunod ako dala ang lalagyan ng ice cube. Inabutan ko silang. nag uusap ng pamangkin ko. Nang lingunin niya ko ay , Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkamuhi nadudurog ang aking puso. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako titig para makuha lang ang kanyang pagmamahal. Gusto ko nang matupad ang kasunduan namin duon ko sisimulang paibigin siya.