Asikasong asikaso ni Airon si Irish, pinagmamasdan lang ng mga kaharap nila ang ikinikilos ni Airon.
"wow naman tito sobrang caring mo naman sana all" saad na biro ni Iyah sa amain
Nagtawanan sila napayuko lang si Irish, Hinawakan ni Airon ang kamay ni Irish, Napalingon siya dito," bakit ba hindi niya magawang tanggian ito bakit gustong gusto niya ang mga pag aasakiso at pag aalala nito sa kanya. Bakit kayang kaya nitong tunawin ang galit na pilit niyang itinatamin sa kanyang puso."bulong ng isip ni kim
"eh kaylan nyo naman ba balak magpakasal" saad ng ginang
Napalingon si Irish dito.
"Ho La!"gulat na saad ni Irish napanganga pa siya. na nanlaki ang mata,
Mukang wala ng atrasan ito talagang subo na siya bakit ba kasi tinanggap niya ang hamon ni Airon na hindi inaalam ang background nito. Sanay hindi siya naiipit ngayon, Siya pa naman ang tao na hindi bumabali sa binitiwang salita. Kaya, kaya niya na makasama ito habang buhay. Sabihin na lang kaya niya ang buong katotohanan kay lola Mary para matigil na ang kabaliwang nangyayari sa kanya.
May kirot sa puso niya sa isiping iyon pakiramdam niya ay nalungkot ang kanyang puso. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Airon. Lumapit ito sa kanya tabi.
"Love may problema ba kinakausap ka ni mommy"bulong nito sa kanyang tenga naramdaman niya ang kaliting dulot ng mainit nitong hininga.
"Ha anu po yun La"bigla saad ni Irish
"sabi ko mommy hindi lola"saad ng ginang.
"Airon kaylan nyo balak magpakasal"ulit na tanung ni Dory.
" Ah ate mamanhikan muna ko sa parent ni Irish kaylangan ko ng kanilang basbas."sagot ni Airon.
"eh kaylan ka naman tito mamanhikan" singit ni Iyah .
"paggaling namin ni Irish sa vaccation, lilipad ako patungong Canada pormal kong hihingin sa magulang ni Irish ang kanyang mga kamay." tahasang saad ni Airon napatingin si Irish dito. Nabigla siya sa sinabi ni Airon hindi niya akalain na desidido talaga si Airon.
"Brother sasamahan kitang magtungo sa canada" saad ng kuya ni Airon, sinuportahan si Airon ng kanyang kuya.
"Salamat kuya" saad ni Airon habang pinagsasandok nito ng kanin si Irish.
Napansin naman ni Irish ng kumuha ng pork chop ang mommy ni Airon.
"Ops La bawal po sa inyo iyan" nawala sa loob nya ang pinag uusapan dahil sa pag aalala nito kay lola mary.
"Naku anak sabi ko mommy" saad na biro ng ina ni Airon.
"sige na po mommy bawal po sa inyo iyan ang cholesterol po"paalala ni Irish dito. Lalong humahanga si Airon sa babaing nakaukit sa kanyang puso.
"ikaw talagang bata ka hindi ako makalusot sayo," natutuwang saad ng ina ni Airon.
Napapailing nalang ang mga kaharap nila sa nakikitang sweetnest ni Irish at ng ina ni Airon. Nag iba ang atmosphere sa hapag ang akward moment kanina na nararamdaman ni Irish ay naging magaan. Ikinuwento ng matanda ang lahat ng pagsasama nila ni Irish ang pagiging maalaga maalalahanin at maaasahan sa lahat ng bagay.
"kaya ikaw Airon magpakatino ka wag mo nang hayaang makawala pa si Irish pag nangyari yun itatakwil kita" birong banta ng ina ni Airon dito. Natawa ang mag asawa ng Dory at Dante napakamot naman ng ulo si Airon.
"Mommy naman ngayon pa ba na nasakin na ang babaing matagal ng nakatago sa puso ko bakit hahayaan ko pa siyang makawala,"tahasang saad ni Airon na nakatingin kay Irish.
Namula ang mukha ni Irish napayuko ito.
"ang sarap pakinggan ng sinabi mo Airon, pero bakit natatakot akong magtiwala sayo"bulong ng isip ni Irish.
Masayang natapos ang pananghalian.
Mag isa si Irish sa garden na nakaupo sa swing iniwan siya ng mommy ni Airon dito may kukuhanin lang daw ito.
Nang tumunog ang phone niya. Pangalan ni Reynald ang nakaregistered kaya agad niyang sinagot.
"Hello " saad niya
"hi! kamusta kana" saad ng nasa kabilang linyan
"eto medyo ok na kaylangan lang ng pahinga"sagot ni Irish
"Irish mag iingat ka palagi ha mamimiss kita" saad ni Reynald na bakas ang lungkot sa boses nito
"may problema ka ba Reynald saan ka pupunta" pag aalalang tanung ni Irish.
Hindi niya napapansin na may tao nang nakatayo sa likod niya na nagtatagis nag bagang sa selos.
"wala need ko lang kasi umalis may kaylangan akong asikasuhin" sagot nitong walang gana
"eh saan kana man pupunta at kaylan ang balik mo"tanung ni Irish.
"may pinaasikaso lang si daddy sakin hindi ko rin alam kung kaylan ang balik ko baka hindi na siguro. Basta Irish tandaan mo hindi man ako bumalik palagi ka parin dito sa puso ko, gusto kong patunayan na mahal kita, masakit man para sakin pero may isang salita akong dapat tuparin, Hindi kita kayang kalimutan, mahal kita Irish."makahulugang saad ni Reynald na nasa kabilang linya, dinig niyang huminga ito ng malalim.
"anu bang nangyayari sayo Reynald, bakit ba nagkakaganyan ka"pag aalalang tanung ni Irish.
"basta lagi mo.nalang tatandaan na mahal kita, at kung nasasaktan ka o may mananakit man sayo tawagan mo ko kahit nasa malayo ako pupuntahan kita para ipagtanggol at alagaan, sa ngayon lalayo muna ko, sige na Irish mag iingat ka lagi mahal kita" malungkot na saad ni Reynald inooff na nito ang phone.
Napabuntong hininga si Irish nakatitig lang siya sa phone niya, Ramdam niyang may kakaibang nangyayari.
May tumikim sa likod niya na kumuha ng kanyang atensyon.Nilingon niya iyon,
"Kanina ka pa ba dyan"kita nya ang pamumula ng mukha nito sa pagpipigil
"kadarating ko lang bakit" pag sisinungaling ni Airon humugot siya ng hininga para kumalma ang sarili.
Lumapit ito kay Irish na nakaupo sa swing,
"Sino ba yung tumawag sayo"tanung ni Airon na nagpipigil gusto niyang mag wala sa selos.
"ah wala " pagkakaila ni Irish dito.
"Don't forget Irish my deal tayo " makahulugang saad nito.
"wag kang mag alala Airon hindi ko yun nakakalimutan hindi rin ako marunong umatras sa kaban. may isang salita ako" saad ni Irish na tumayo yumarap sa kanya.
"naninigurado lang ako" nakangising saad ni Airon.
"Tandaan mo rin Airon makuha mo man ang buong pagkatao ko pero hinding hindi mo makukuha ang puso ko" halos hindi makahinga si Irish sa kanyang sinabi nakita niya ang bumalatay na sakit sa mukha ng kaharap nya.
Tinalikuran na niya ito.
Sinundan lang ni Airon si Irish na papasok sa loob ng kanilang bahay.
Matinding selos ang nararamdaman ni Airon alam niya si Reynald ang itinitibok ng puso ni Irish. Yun ang katotohanang hindi niya matanggap. Pakiramdam niya ay sasabog siya matinding panibughong nararamdaman.