CHAPTER 18

1233 Words
Naramdaman ni Irish na may humahalik sa bumbunan niya. "Love gising na nandito na tayo"bulong ni Airon. Nagmulat siya ng mga mata tiningala niya ito, sumilay sa kanyang mga mata ang matamis nitong ngiti. Mula sa pagkakasandig niya dito ay umayos siya ng upo. Luminga linga pa siya, Tanaw mula sa labas ang malaparaisong resort ng kanyang uncle, Silang dalawa at ang piloto nalang ang nasa loob ng choper nakita niya ang general na may kausap sa phone Nauna na itong bumaba. "Love halika na kanina pa nag iintay ang uncle mo"ani ni Airon na hawak ang kamay niya. Napasarap ang tulog niya hindi niya namalayang nakarating na sila sa kanilang destinasyo. "Bakit hindi mo ko ginising agad"reklamo ni Irish. "gusto ko kasing mabawi mo ang iyong lakas Love"paliwanag nito sa kanya. "nakakahiya tuloy kay tito"ani ni Irish "wag ka mag alala ok lang kay general yon."sagot ni Airon Naunang bumaba si Airon nilalayan niyang makababa si Irish. Nang baba na si Irish ay naout of balance kaya napayakap siya kay Airon nayakap naman ni Airon ang bewang ni Irish. Ilang minuto sila sa ganoon sitwasyon nakatitig lang sila sa isat isa. "ehem"ani ng general na nagpabalik sa realidad ng dalawa. "kay lagkit na tinginan naman niyan"biro ng general. namula si Irish sa tinuran ng amain. Nakangiti lang si Airon. Bumitaw agad si Irish sa pag kakayakap kay Airon. Sumunod kayong dalawa sakin. Huminto ang general bumaling ito kay Airon. "Airon catch" hinagis nito ang susi kay Airon. "iyan ang susi ng rest house ko dito at ng guest room."paliwanag ng general. "thank you sir" saad ni Airon ng masalo ang susi. "by the way isang room lang ang gagamitin nyong dalawa."nakakalokong turan ng amain ni Irish. "what" nanlaki ang mata ni Irish sa narinig "why Irish tutal naman malapit na kayong ikasal bakit nagulat ka eh dun din naman ang punta nun." ani ng general. napangiti naman si Airon sa naging expression ng mukha ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga nito. "wag ka mag alala love hindi ako malikot matulog."bulong nito sa tenga ni Irish. Nag init ang katawan ni Irish dulot ng hininga ni Airon na dumampi sa kanyang tenga . Ramdam niya ang kiliting gumapas sa kanyang sistema. Pigil ang kanyang hinihanga. Siniko niya si Airon. "aray" daing ni Airon na hinawakan pa ang tagiliran. Nilingon sila ng general na nauuna sa kanila sa paglalakad. "sorry" ani ni Irish na hinimas pa ang tagiliran ni Airon. Kinuhang pag kakataon iyon ni Airon para hapitin ni Airon ang bewang ni Irish. "ok lang love"saad niya Nagpatuloy na sa paglalakad ang general. "anu kaya ang ipinakain ng mokong na ito kay uncle bakit napaamo niya ito,"bulong ng isip ni Irish tinignan niya si Airon. Na napansin ni Airon, Lalo nitong inapit ang kanyang beywang. "why look at me love"malambing na saad ni Airon. "bakit masama bang tignan ka"inis na saad ni Irish. "ang sungit naman ng mahal ko, may period ka ba" nakangising saad ni Airon' Irap lang ang isinagot ni Irish dito. Narating nila ang sinasabing rest house ng general. Para itong paraiso sa ganda, Kung alam lang ni Irish na ganito pala ito kaganda sanay nuon pa siya nag punta dito. Matagal nang sinasabi ng general na mag bakasyon siya dito pero palagi niyang sinasabi na "saka nalang po uncle pag may time". Kung hindi pa siya nagkasakit hindi pa siya makakarating sa mala paraisong lugar na ito. "wow! ang ganda naman dito" inikot ni Irish ang paningin sa paligid. Manghang mangha siya sa ganda ng lugar, Pumikit siya at ninamnam ang malamig at mabangong simoy ng hangin Natutuwa si Airon sa ikinikilos ni Irish para itong bata na nakarating sa pangarap na lugar na gustong puntahan. "nuon pa kasi kita pinag babakasyon dito, puro ka dahilan" saad ng general "uncle pwede ba kong mag extend ng one week pa dito" lambing ni Irish sa amain kumawing pa ito sa braso ng General at ikinilig ang ulo sa balikat nito. "hmmm eh mag tutungo pa kayo sa Canada hija" saad ng General " eh kaya na ni Airon yun siya nalang pumunta kala mommy"nakangusong saad ni Irish "Love ayaw mo bang makita sina lola Cathy, Pwede naman tayong bumalik dito pag galing nating sa Canada" ani ni Airon na niyakap siya sa bewang kahit na nakahilig siya sa balikat ng kanyang uncle. "anu ka ba Airon para kang sawa dyan nakalingkis ka ng nakalingkis, Hindi ka ba nahihiya kay uncle" inis na turan ni Irish na pinalis ang kamay ni Airon na nakayakap sa bewang niya. "eh bakit nama ako mahihiya kay General ipinakikita ko lang naman ang aking nararamdaman"walang kagatol gatol na saad ni Airon. "siya nga naman Irish"sang ayon ni General. "uncle naman sa halip na ako kampihan nyo ito pang mokong nato kinakampihan nyo"umikot ang mata ni Irish na nakahalukipkip ang mga kamay. Nasa may tapat na sila ng pinto ng rest house ni General. Binuksan iyon ni Airon. Pumasok ang dalawang lalaking may dala ng kanilang mga gamit. "eh anu ba naman kasi ang ikinagagalit mo hija eh magiging asawa mo na din ito si Servantes. Kahit nga maghalikan kayo sa harap ko wala akong pakialam magpapakasal naman na kayo."natatawang saad ni Gen. Andrew Guzman. "what uncle naman"nainis na saad ni Irish dahil nakikita niyang nakangiti si Airon yun bang ngiting tagumpay. "eh anu naman ang ngini ngiti mo dyan Airon ha"baling ni Irish kay Airon. "eh tama naman si General kahit anu gawin natin ok lang isa pa nasa tamang idad na tayo,at malapit ng ikasal."ani ni Airon , tumango lang ang uncle ni Irish "ganun kapal mo din hano"inis na turan ni Irish. Pumasok na ito sa loob ng rest house. Naiwan ang dalawang lalaki na tatawa tawa. Matagal na nag usap si Airon at ang uncle ni Irish na general. Hindi na lumabas pa si Irish, Hinayaan nalang ito ng kanyang uncle , kilala siya ito pag sinumpong, Umalis na ang uncle ni Irish ng hindi niya kinausap. Naramdaman ni Irish na bumukas ang pinto ng kwartong kanilang tutuluyan. "love bakit hindi ka lumabas umalis na ang uncle mo" ani ni Airon na palapit sa kamang kanyang inuupuan. inaayos nya ang kanyang gamit na ilalagay sa closet. Hindi niya iyon sinagot ipinag patuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Naupo si Airon sa likot niya Naramadaman niya ang mga kamay nito, na yumakap sa kanya. Bumilis nanaman ang pintig ng kanyang puso. Naramdam niya ang mainit nito hininga na dumadampi sa kanyang leeg nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam nagdulot ito ng kiliti sa kanyang kaibuturan. Pigil ang kanyang hininga napapikit siya dulot ng init ng hininga ni Airon sa kanyang leeg. "love anu gusto mong ulam ,mag luluto ako" saad ni Airon, Nainis siya dahil ang inaakala niya ay hindi natuloy nag humopya si Irish, "bahala ka nga kung anu wag mo ko abalahin dito nakita mong ng aayos ako, lumabas ka na nga dun" angil niya dito. Napakamot ng ulo si Airon. Bago ito tumayo hinalikan muna niya sa pisngi si Irish. "sobrang sungit naman ng mahal ko mahiya ang tigre sayo, makita mo mawawala yang kasungitan mo sa gagawin ko"pang aasar niya kay Irish. "Che' ewan ko sayo ,"ani ni Irish hindi siya nagpahalata na kinikilig siya, Lumabas na si Airon nag tungo sa kusina upang mag luto ng kanilang hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD