CHAPTER 17

1154 Words
Natapos ang isang masayang pananghalian, Agad nang gumayak sina Airon at Irish. Sakay ng sasakyan ni Airon, nagtungo na sila sa fort kung saan nanduon ang private chopper ng tito ni Irish. Tahimik lang si Irish na nakatingin sa daan.. Nang maramdaman niyang hinawakan ni Airon ang kanyang isang kamay napatingin siya dito. Sinulyapan siya ni Airon. Hindi niya magawang bawiin ang kanya kamay na hawak nito. Inangat ito ni Airon dinala sa mga labi niya. lumakas ang kabog ng dibdib ni Irish " napakalambing ni Airon."bulong ng isip niya Hinayaan lang niya ito dahil gusto naman niya ang ginagawa nito.. sa twing sinusungitan niya kasi ito bakit siya ang nasasaktan. Iniisip ni Irish na susunod nalang muna siya sa agos ng hindi siya mahirapan.. Ramdam niyang binagalan ni Airon ang pagpapatakbo ng sasakyan. Wala rin itong lubay sa paghalik sa kanyang kamay. Nilingon niya ito. "why" ani ni Airon na nasa labi nito ang kanyang kamay. " mukang abusado ka naman na yata porke hinahayaan kita, baka maubos na kamay ko niyan." ani ni Irish na napapailing. Natawa naman si Airon sa sinabi niya. "Mahal na mahal kita Irish"halos bulong na saad ni Airon pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Irish ang sinabi nito. Malinaw niyang narinig ang sinabi nito Mabilis ang naging t***k ng puso ni Irish. Nakarating sila sa fort na hindi binibitawan ni Airon ang kamay niya. Inabutan na nilang nag iintay si General Guzman sa kanila. Inihinto ni Airon ang sasakyan sa garahe sabay na silang bumaba ni Irish hindi na nito inintay pa na pag buksan siya ng pinto ni Airon. Lumapit sila sa nag iintay na general sa harap ng mansion nito. "hello uncle"lumapit si Irish sa general humalik sa pisngi nito. "kamusta ka na hija," saad ng general na nag aalala "ok na man po uncle napagod lang po" paliwanag ni Irish sa amain. "yan na nga ba sinasabi ko sayo masyado mong inaabuso ang katawan mo,nakita mo nangyari sayo."ani ng general. Lumapit si Airon sa general at nakipagkamay, nginitian lang siya nito. Muling hinarap nito ang pamangkin "sa sobrang tigas ng ulo mo muntik kanang mapahamak Irish"muling wika ng general "uncle naman"reklamo ni Irish "one month ang leave mo after one week mo makapagpahinga sa private resort lilipad kayo ni Airon patungong Canada.,"saad pa ng general. "But why" tangin nasagot ni Irish sa pagkabigla. nanlaki pa ang kanyang mga mata. "para pormal kayong makapag paalam sa magulang mo Irish, inayos ko na ang lahat para pag balik nyo mula sa private resort diretso na kayo patungo sa Canada."naiintindihan mo ba maotoridad na saad ng general "eh plantiyado na pala ang lahat eh wala na pala kong choice"reklamo ni Irish. Inirapan nito si Airon na nakangiti. kinindatan naman siya nito na lalo niya ikinainis. "wala ka na talagang choice dahil ikaw ang nakipagkasundo kay Airon, Tandaan mo walang Guzman na bumabali sa binitawan nito salita."banta ng general. "i know uncle pero masyado naman atat na atat itong bakulaw na to hindi naman ako aatras."inis na saad ni Irish "watch you word Irish"mariing saad ng general. napayuko si Irish ramdam niya ang pagkapahiya. Mabait kung sa mabait ang general pero pag ito ang nagsalita kabahan kana. iba itong magalit. Spoiled si Irish kay General Andrew Guzman, pero may pag ka estrikto ito. Lahat ng gustuhin niya ay ibibigay nito, Tulad nalang ng gusto niyang maging isa pulis. Tutol na tulol dito ang kanyang lola Cathy ngunit walang nagawa ang mga ito . Dahil ang general na ang nagsalita para matupad ni Irish ang kagustuhang maging isang pulis. Ito na rin ang nagtutos sa pag aaral ni Irish. Naiinis siya kay Airon dahil bakit alam ng kanyang uncle ang deal nilang iyon, na sinang ayunan naman agad ng general, Dapat sana tumutol ito o magalit dahil hindi biro ang papasukin niya, pero parang sa tingin niya ay mas excited pa ito sa nalaman na magpapakasal siya kay Airon, napasubo talaga siya ng husto sa kasunduang iyon. Napansin naman ng General ang kawalan ng kibo ng minamahal na pamangkin, Inakbay nito si Irish tinapik pa nito ang balikat ni Irish. Napalingon si Irish sa General nakita niyang nakangiti ito, Alam na ni Irish ang ibig sabihin ng ginawa nito sa kanya, Iyon ang way ng kanyang Uncle upang aluhin siya o manghingi ng paumanhin. Matamis na ngiti ang isinukli niya dito. Kinausap naman ng General si Airon " Ikaw Servantes panindigan mo ang mga sinabi mo at ipinangako mo sakin, kung makikitang kong tutulo ang luha ng pinakamamahal kong pamangkin ng dahil sayo, I warning you hahanapin kita at ako mismo ang papatay sayo" babala ng general kay Airon, Kita ng General ang katatagan sa mukha ni Airon, hindi ito nagpakita ng anumang takot sa sinabi ng general. "yes general i will promise to love and takinng care of your niece"ramdam mo ang katapatan sa mga binigkas ni Airon. "Oh anu pang hinihintay nyo tara na sa chopper"aya ng general. Napangiti si Irish. "Kasama ka po ba uncle"tanung Irish "oo kasama ko sa paghatid sa inyo duon,babalik din ako"paliwanag ng general. "ay kala ko kasama kang magbabakasyon"panghihinayang ni Irish "hindi hija, nandyan naman si Airon, malaki ang tiwala ko sa batang iyan."ani ng general. Hindi na kumibo si Irish sumunod nalang sila sa general patungo sa chopper. Inakbayan siya ni Airon nagulat siya sa ginawa nito, mabilis ang kamay niyang inalis ang pagkakaakbay sa kanya. pero hindi nagpatinag ni Airon muli niyang inakbayan si Irish sanay tawag sa general. "Sir "ani ni Airon Nilingon sila nito. "Sir salamat po dahil pinagkatiwala nyo sakin si Irish lahat po ng ipinangako ko sa inyo ay tutuparin ko."tinignan niya si Irish sa tabi nya.Inirapan naman siya nito, "aasahan ko yan, at sana yung hinihiling ko sayo ay tuparin mo din"may lokong ngiti ang lumabas sa labi ng general "yes general matutupad po iyan."natawang saad ni Airon Napapaisip si Irish sa usapan ng dalawa. habang nag lalakad patungo sa chopper. "uncle"tanging nasambit niya "yes hija"saad ng general na patuloy sa pag lalakad "anu po iyong hiniling nyo dito kay Airon"naguguluhang tanung niya "ang bigyan ako ng maraming apo"natatawang saad ng general "ho"lumaki ang mata ni Irish sa narinig Nagtawanan ang dalawang lalaking kasama niya. Hindi na nakapagprotesta pa si Irish, nasa choper na sila, Inalalayan siya ni Airon para makaakyat sa choper. Inayos niya ang safety belt at headset. Sumandal siya magkatabi sila ni Airon sa backseat ng chopper habang ang general ay nasa side ng pilot ng chopper. Inilagay ni Airon ang isang kamay sa likod ni Irish hinapit siya nito palapit sa dibdib nito. hinawakan ang kanyang ulo at isinandal sa matipuno nitong dibdib. Kumalabog ang puso niya, Hindi naman niya magawang mag protesta dahil naroon ang general. "love magpahinga ka"bulong nito May kung anung kilig ang naramdaman niya. Sinunod na lang niya ito isinandig niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Airon, Naramdam siya ng kapanatagan.Nakatulog siya sa dibdib nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD