Parang sira ulo si Airon halos galugadin niya ang buong bahay ni Irish ngunit hindi niya ito matagpuan .. Wala naman ding tao sa bahay ni Irish na pwede niyang pagtanungan. Ilang bases niyang tinawagan ito sa selpon nito ngunit hindi ito sumasagot.
Labis na pag aalala na ang kanyang nararamdaman.
Makalipas ang ilang minuto ay may narinig siyang sasakyang pumasok sa loob ng bakuran nila Irish dali dali siya nagtungo upang sinuhin ang dumating .
Nakita niyang nag aalis na ng helmet si Irish.
Inilang hakbang lang niya ang pagitan nila ni Irish mahigpit niya ito niyakap..
" love" bulong ni Airon habang yakap ng mahigpit si Irish.
Nagtaka naman si Irish sa ginawa ni Airon sa kanya.
"love san kaba galing kanina pa kita hinahanap" may pag aalalang tanung ni Airon .
Inilayo ni Airon ang kanyang katawan kay Irish. hinawakan niya ang mukha nito ng kanyang dalawang palad tinitigan niya ito sa mga mata..
Halos hindi makagalawa si Irish sa ginawa nito sa kanya na istatwa siya.
Ramdam ni Irish ang pagdagundong ng kanyang dibdib nanunuot sa kalooban niya ang mga titig sa kanya ni Airon.
"anu ba Airon" singhal niya dito upang maitago ang kanyang nararamdaman sabay hawi niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha.
Nakita niya ang pagkabigla nito at sakit nararamdaman sa mga mata nito..
Hindi na nakakibo pa si Airon sa ginawa sa kanya ni Irish..
"alam mo ang oa mo kung akala mong tumakas ako nagkakamali ka hindi kita tatakasan"pairap na saad niya dito.
Kumuyom ang mga kamay ni Airon..Masakit para sa kanya ang ginagawa sa kanya ni Irish..
Isinabit ni Irish ang kanyang helmet sa manubela ng sakay niyang motor..
"halika na"ani ni Airon na hinawakan pa nito ang kamay ni Irish hinila niya palabas ng gate.
"Anu ba Airon" inis na saad ni Irish hinatak niya ang kanyang kamay..
" kanina pa nag hihintay sila mommy dun tayo manananghali sa bahay.:"paliwanag ni Airon dito. Muling hinawakan ni Airon si Irish , wala ng nagawa pa si Irish kung hindi sumunod nalang dito..
Nang malapit na sila sa pinto papasok ng bahay. huminto si Airon ang hawak nitong kamay niya ay ikitawit nito sa bewang at inakabayan siya ni Airon.
Nakangiti itong tumingin sa kanya.
"anu ba Airon "singhal ni Irish
" wag kang maingay baka marinig tayo ni mommy,isipin nanaman nun nagkakagalit tayo."bulong ni Airon dito na itinapat pa ang hintuturo nito sa labi.
Hindi na nakapagprotesta pa si Irish dito.
tanging irap nalang ang naitugon niya dito.
Iiling iling si Airon sabay silang naglakad na magkaakbay papasok sa loob ng bahay. Sumunod nalang si Irish sa gusto ni Airon..
Hindi siya nag pahalata na gusto niya ang ayos nilang iyon. Magkaakbay silang papasok sa loob ng bahay. Halos hindi siya makahinga sa excitement na nararamdaman..
Nagdiretso sila sa kusina. Inabutan nilang nakaupo na ang lahat tanging sila nalang dalawa ang hinihintay ng mga ito.
Nagliwanag ang mukha ng mommy ni Airon ng makita ang sweetan nina Irish at Airon.
Bumitaw si Irish kay Airon lumapit ito sa matanda na nakaupo.
"Hello La" saad ni Irish dito humalik siya sa pisngi nito.
"hay naku hija hindi kana natuto sabi ko mommy" nakangising saad ng matanda.
"sa susunod na tawagin mo uli akong lola kukurutin ko nayang singit mo"biro ng matanda na akmang kukurutin siya nito.Umiwas naman si Irish na natatawa.
"sige na po mommy" saad ni irish habang umiiwas sa birong pag kurot ng mommy ni Airon. napatayo na ito at pilit siyang inaakmaang kurutin
Niyakap nalang ni Irish ang matanda upang matigil ito sa pag habol ng kurot sa kanya.
halos mawalan ng mata ang matanda sa kakatawa.
"hay nako hija pag ikaw talaga kasama ko lagi mo ko napapasaya magkaakap si Irish at ang mommy ni Airon sa gilid ng mesa..
"Hay naku mommy nagdadrama ka nanaman"saad ni Irish. Masaya namang pinagmamasdan ng mga naroon silang dalawa. Inalalayan na ni Irish ang matanda na makaupo muli.
"Mommy parang nagseselos na ko ah bakit naman laging ikaw nalang niyayakap ng mahal ko,Hmmm"kumalukip kip pa si Airon na nakataas ang kilay. tila nag tatampo.
"naku Irish hija yakapin mo na nga yang bata nayan at baka umiyak pa." natatawang saad ng matanda.
walang nagawa si Irish kung hindi sumakay ka nalang at magpanggap kumakabog ang dibdid niya na lumapit kay Airon.
"ikaw naman love nag seselos kapa kay mommy " ikinawit niya ang isang kamay sa bewang ni Airon . Kinurot niya ito ng bahagya. Napaigtad si Airon sa ginawa niya..
Hindi napansin ng mga naroon ang ginawa ni Irish.
"Love naman natural ako na ngayon ang lagi mong yayakapin" inalis niya ang kamay ni Irish sa bewang niya. iniharap niya ito sa kanya hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Irish. Nagulat si Irish sa ginawa nito na paghalik sa kanyang labi.Nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Airon Ramdam niyang namula ang mukha niya sa hiya.
"nakakainggit naman"saad ni Iyah na ikinatawa ng lahat.
"hoy maupo na nga kayong dalawa nilalanggam na kami dito"biro ni Ate dory sa dalawa.
Pigil ang hininga ni Irish hindi siya makabawi sa ginawa ni Airon sa kanya.
Sumunod nalang siya dito naupo siya sa upuang hinila nito para sa kanya. Bago naupo si Airon inasikaso muna niya si Irish nilagyan niya ng ulam at kanin ang plato nito.
"ako na maupo kana kaya ko naman" ani ni Irish. Nahihiya siya dahil nakatingin sa kanila ang mga kaharap nila.
"hayaan mo na ko love hayaan mo nang pagsilbihan ko ang aking mahal na reyna"kinindatan pa siya nito.
"abay!dante magpapadaig ka ba naman sa kapatid mo abay nakakainggit sila oh."biro ni ate dory na hinarap ang asawa. Nagtawanan silang lahat. napayuko si Irish na natatawa.
" ikaw kasi eh" hinarap ni Irish si Airon.
" hayaan mo silang mainggit love"nakangiti na kinindatan ni Airon si Irish
" ang masama si lola ang mainggit baka maghanap ng boyfriend yan" singit ni Iyah napalakas ang tawanan ng lahat..
"Ay apo binigyan mo ko ng idea" ganting biro ng matanda.
"anu po mommy abay dadaan muna sila sakin" naka ngiting turan ni Irish
"naku Irish anak sobrang higpit mo daig mo pa mga magulang ko sa pagbabantay sakin ah pano ko magkakaboyfriend nyan daig ko pa may sampong body guard sayo." natatawang saad ng matanda.
" talaga po mommy hindi uubra sakin kung sino man matatangka sa inyo" ani ni Irish na ikitawa ng lahat.
"eh para naman may mag alaga sakin"pangangatwiran ng matanda na kala mo batang ngayon palang makakaranas na magkaboyfriend.
" naku mommy ako mag aalaga sa iyo," nakangiting sagot ni Irish.
Daig pa nito ang tunay na anak ni Mommy Mary sa pag aalala sa matanda.
"ikaw talaga hija daig mo pa mga anak ko sa tindi ng pag aalala mo sakin." ani ng mommy ni Airon.
Parang hinahaplos naman ang puso ni Airon sa makikita niyang kabaitan ni Irish sa kanyang ina. Alam niyang labis ang naging pagmamahal ni Irish sa kanyang ina. Dahil mula ng iwan nila ito at nag tungo sa America. Ay bumalik agad si Irish ng malaman na walang makakasama ang kanyang mommy sa kanilang bahay.
"lalo tuloy akong nagseselos niyan eh" saad ni Airon na tila nagtatampo.
"naku Airon lumubay ka nga sa kaartehan mo, dahil bago ka minahal nitong si Irish eh mas nauna akong mahalin niyan kaysa sayo,"pang aasar ng matanda sa anak.
"correct ka dyan mommy"sang ayon ni Irish. pinagtawanan ng lahat si Airon.
"naku tito kabahan ka na baka pag pinamili mo si beshy kung sino ang uunahin nya ikaw ba o si grandma eh paniguradong si grandma ang pipiliin."pang aalaska pa ni Iyah sa amain.
"naku iyah lumubay ka dyan baka hindi kita ilakad kay james."ani ni Airon na napipikon na.
"tito naman binibiro kalang eh"bawi ni Iyah
Nilakihan naman ng mata ni dory ang anak.
"mommy naman" ani ni Iyah na nakanguso
"mommy ka dyan, baka ako kumurot sa singit mo"pagbabanta ng ina ni Iyah
"daddy si mommy oh."paghingi ng tulong ni iyah sa ama na tatawa tawa.
"Hon! hayaan mo na yang anak mo alam na niya ang ginagawa niya" saway ng daddy ni Iyah na si Dante sa asawa.
"isa ka pa Dante kaya lumalaki ulo ng anak mo dahil kinukunsinti mo." hinarap nito ang asawa.
Napakamot ng ulo si Dante. Natatawa ang lahat dahil napatupi ito ng asawa.
Ang isang simpleng pananglian ay nauwi sa isang masayang salo salo sa loob ng hapag nila Airon.