Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng nangyaring kamalasan sa akin sa bar at dahil sa nangyari, nagising nalang ako na katabi iyong lalaki na di ko kilala.
“Ri!” nabalik ako sa huwisyo nang biglang pitikin ni Roxan ang noo ko. Lahat ng kaklase ko pati si Professor Sanchez ay nakatingin sa akin. Agad akong nag-ayos ng aking pagkakaupo.
“Oo na, maganda na ako!”
At sabay silang nagtawanan. Napakunot ang aking noo. Mga temang lang, inamin ko lang naman ang totoo tapos pagtatawanan nila ako. Mga kampon kasi ni Anabelle e, nagchachaka ng mga mukha. Kahit perla lang gamit kong sabon atleast makinis ang mukha ko kesa sa kanila na puno ng tigyawat o di kaya maputi nga sa kung anu-ano ang ipinahid nila sa mga mukha, maitim naman leeg nila.
Pati si Professor, ang taba tapos payatot pa. Wag mo'kong tignan ng ganiyan, Prof!
“Repeat your answer!” galit na si Prof. Lumingon ako kay Roxane ngunit umiwas lamang to ng tingin sa akin. Ano ba kasi iyong pukinginang question na iyan?
“Po?” kamot-ulo kong tanong. Napatampal si Professor Sanchez sa noo niya at mas lalong pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko.
Ano ba kasi ang naging sagot ko at ganiyan sila makareact? Malala kaya? Napalunok ako ng laway. “Yung panty niya daw kasi prof ay lustred!” sigaw ng isa mga kaklase kong lalaki.
Yon? Sagot ko? Aguy!
“Enough!” saway ni Prof kay Franco at binato ito ng sandal. Mabuti nalang ay mabilis itong nakailag kundi sapol talaga iyon sa mukha niya. “Wag kang bastos, Mr. Santos! Hindi ikaw ang kausap ko!” naging tigre na naman si Prof. Awtomatik silang napatikom ng bibig.
Napayuko si Franco sa hiya. Lihim naman akong napangiti. “May i know your question again, Prof?”
Ibubuka na sana nito ang bibig niya para ulitin ang tanong ngunit muli akong nagsalita hawak-hawak ang aking tiyan. “Prof? May tinapay ho ba kayo diyan?” napataas ang kilay nito sa akin.
Di pa kasi ako nakapag-agahan e. “Eww! Di na nahiyang manghingi kay Prof! Nga pala poor pala siya!” rinig ko kay Eliza na nasa tabi ko lang. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kasi baka magkagulo pa't masuspenso pa kami pareho..
“Shut up your mouth, Ms. Ramiro! Wag kang magsalita ng ganiyan. Alam mo namang,” bumaling ito ng tingin sa akin. “na lubos ng ulila si Miss Guerrero.” saway niya kay Eliza.
Kahit palaging masungit si Prof ay palagi niya akong pinagtatanggol sa mga kaklase kong anak mayaman. Nakatungtong lang naman ako sa private university na ito dahil sa scholarship ko e. Ang hapdi ng tiyan ko.
“Are you, okay Ms. Guerrero?” nag-alalang tanong niya, namimilipit ako sa sakit ng tiyan ko.
“O-opo, Prof," nauutal kong sagot. Medyo dumilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa clinic na ako. Bumungad sa akin si Nurse Eva habang inaayos nito ang mga gamit niya.
“Mabuti't gising kana, Ms. Guerrero. Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Nurse Eva sa akin. Medyo nawala na iyong sakit.
Pero nagugutom ako..gusto ko ng maraming pagkain. “Ano po'ng nangyari?” tanong ko pa. Baka may taning na buhay ko? Nako! Hindi pa naman ako nababayaran ng mga suki ko sa palengke lagot ako kay Manang Uring. Dyes porsyento lang kasi ang akin, okay na iyon atleast may pambili akong pagkain.
Kinabahan ako pero syempre mas nangibabaw iyong gutom ko. Nag-aalburoto na mga alaga ko sa loob ng tiyan ko. “May taning napo ba buhay ko, Nurse Eva?”
“Of course not, Ms. Guerrero. You're was weak dahil sa kakulangan sa sustansya at palagi ka rin nalilipasan ng gutom. Ang ikinatakot ko lang baka magka-ulcer ka.”
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko mamatay na ako eh. Thank you lord!
“May ipinabigay si Professor Sanchez sayo. Pinabilhan ka niya ng pagkain sa canteen at maiinom. Sabi niya kapag raw nagising ka ay she wants to talk to you sa opisina niya.” sabay abot ni Nurse Eva ng pagkain na nakalagay sa supot. Nagningning ang mga mata ko nang makita ito.
Pero nacurious ako kung bakit gusto ni Professor Sanchez na makausap ako. Ibabagsak kaya niya ako ngayong sem? Sa pagiging lutang ko? This few months.
Wag naman sana. Ayokong mawala iyong scholarship ko. Kung di ako gragraduate, di ako makapaghanap ng magandang trabaho at kung wala akong trabaho di ako makabili ng bagong panty. Di ko alam kung magtatagal paba mga panty ko. Kinse anyos pa kasi ako nong huling nakabili ng panty at magbebenta uno na ako.
Pagkatapos kong kumain ay sumigla ako bigla. Nakalabas narin ako ng clinic. At ngayon tinatahak ko na ang faculty kung saan naro'n si Prof. Sanchez. Dalawang beses akong kumatok.
“Come in!” rinig ko kaya't marahan kong itinulak ang pinto. Nadatnan ko siyang abala. Nag-angat ito ng tingin sa akin.
Umupo ako. “I'm glad that you're okay. Kinain mo ba ang pagkaing iniwan ko kay Nurse Eva?” tanong niya, malapad akong ngumiti.
“Thank you po sa pagkain at hindi napo masakit ang tiyan ko.”
“You're always welcome, Miss Guerrero! Nakita ko ang sarili ko sayo noon kaya't alam ko kung gaano kahirap ang walang makain. Gusto kitang makausap kasi this few months medyo wala ka sa sarili mo. Is there something wrong? May problema kaba? Just tell me, i am willing to listen.”
Di kasi maalis sa isip ko iyong kamalasang nangyari sa akin no'ng gabing iyon. Tiyak na mapapagalitan niya ako kapag malaman niya na iyong pinakaiingatan kong virginity ay naisuko ko sa lalaking hindi ko kilala.
“Dala lang po siguro ng pagod, Prof. Kung anu-ano nalang kasi ang naisip kong trabaho para lang matustusan ang pangangailangan ko sa pang-araw-araw. Sana may part time job na pwede kong pasukan habang nag-aaral ako,” malalim siyang napabuntong-hininga sa sinabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Actually, isa rin iyan sa mga rason kung bakit kit gustong makausap. Pansamantalang naghahanap ng kasambahay at ikaw ang nireto ko. Di naman mahirap trabaho do'n sa mansyon nila. Mag-aalaga kalang ng aso ng unico-hijo niya. At tsaka 12k ang weekly allowance mo. Ikinwento kasi kita sa kaniya,” huminto siya saglit sa pagsasalita at bigla nalang siyang ngumisi, may naalala siguro siya. “At para narin makabili ka ng bagong panty."
Tuluyan na siyang natawa. Napakamot naman ako sa ulo ko. Walangya rin itong si Roxane, ikinalat ba naman na mga lustred panty ko. Palibhasa kasi anak mayaman. “Si Roxane po ba ang nagkalat, Prof?”
Sumeryoso siya bigla. “No, ikaw mismo ang nagsabi niyan,” natutop ko ang aking bibig sa narinig ko. Ako talaga? Bakit ko naman ipagkakalat na lustred mga panty ko?
“Po?”
“Sa tuwing pinapasagot kita sa mga nilecture ko, iyan ang palagi mong sinasagot. Na kesyo lustred ang panty mo. You're smart naman kaya ka nga nagkaro'n ng sponsor e pero this few months kasi palagi ka nalang sa lutang sa klase ko. Nagreklamo narin ibang professor mo. At kung interesado ka sa inoffer ko sayo,” inabot niya sa akin ang calling card niya. “Tawagan mo'ko, ako mismo ang maghahatid sayo ro'n.”
Tinanggap ko naman iyong calling card niya.
Matapos ang pag-uusap namin ni Professor Sanchez ay napangiti akong bumalik sa classroom, dahil sa wakas ay hindi na ako magugutom pa. Makakain narin ako sa tamang oras. At syempre mapapalitan ko rin mga luma kong panty. Waaah?! Palagi bang ganon sagot ko sa kaniya? Kaya pala, pinagtitinginan at pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko.
Waa! Nakakahiya!
Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Puro what if ang laman ng isip ko. At puro pagkain. Pero kahit papaano ay na-perfect ko naman mga assignment at quiz namin.
Pagdating ko sa bahay, kinontak ko si Professor Sanchez sa inoffer niya sa aking opportunity. Kunting damit lang ang dala ko pero puro ito labahan. Do'n ko nalang lalabhan sa mansyon. Dala ko rin ang dalawang pares kong uniform. Sabi kasi ni Professor Sanchez sa akin ay may uniform daw ako do'n ng pang-maid.
Hinatid na niya ako sa mansyon ng kaibigan niya. May nakita akong lalaki sa ikatlong palapag na nakatayo malapit sa may bintana.
Anak siguro iyon ng kaibigan niya. Iyong unico-hijo sa pamilya.
Pinagbuksan kami ng gate ng babaeng medyo may katandaan na, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Matapobre si tanda! Tsse!
Binati niya si Professor Sanchez. Sumunod naman kami kay tanda papasok ng mansyon at do'n ko nakita ang babaeng nakaupo sa living room, abala ito sa kaniyang laptop. “Olivia!” masayang tawag nito kay Prof at tumayo.
Bumeso siya kay Prof at nginitian niya naman ako. Mukha naman siyang mabait. “Siya naba?" Tanong nito kay Prof.
Ipinakilala ako ni Prof sa babae, nahooked ako sa mala-birhen niyang ganda. Sakto lang ang tangos ng ilong niya. At halatang alagang Dra. Belo siya. “Simply lang naman ang trabaho mo rito hija. Mag-aalaga kalang naman ng mga aso ng anak ko. Paliliguan mo sila at pakakainin. Maglilinis ng kulungan nila. At syempre ipapasyal mo silang tatlo palagi sa harden tuwing alas singko ng hapon.”
Naiinsecure tuloy ako sa aso ng anak niya. Sana naging aso nalang aso. Hayss. Tumango-tango lamang ako.
Nagpaalam narin si Prof sa kaibigan niya dahil may dinner date pa raw sila ng mister niya. Itinour naman ako nito sa kwarto ng aso ng anak niya. Naol talaga, may kwarto.
Sa susunod kong buhay gusto kong maging aso. Syempre ayokong maging asong kalye gusto ko, aso ng mga mayayaman. Ayokong kumain nalang ng tae. Gusto ko imported mga pagkain ko kapag naging aso ako.
Nabalik ako sa huwisyo nang tumalon sa akin ang malaking aso at nawalan ako ng balanse ngunit may sumalo sa akin. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko kasi siya iyong lalaking naka-one night stand ko nang gabing iyon. Nakatitig lamang ako sa kaniya, halos hindi ako pumipiyok. I meet him again.
Hardinero ata nila ito. Pero ang gwapo ng hardinero nila. Binitawan niya ako. “Mommy pakisabi na rin ang rules ko,” sambit nito kay? Teka lang! Mommy?
“Yes, son!”
Putakte,! Siya pala ang unico-hijo ng amo ko. Sa mga sandaling ito gusto kong lamunin na ako ng lupa. Iyong lalaking naka-one night stand ko ay anak ng amo ko at may-ari ng mga asong aalagaan ko. Pwede bang umatras?