“Have we met before, Miss?” sarkastiko at malamig niyang tanong sa akin. Napalunok ako ng laway. Di niya pwedeng malaman na ako iyong babaeng basta nalang niyang hinila no'ng gabing iyon.
Natameme ako habang nakatitig sa manipis at mapula niyang labi. “Po? H-hindi ko ho alam...sir! Pasensya na ho!” pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay nagkita na talaga kami.
Nakakahiya! Sobrang wild ko pa naman nang gabing iyon. “Okay!” malamig niyang turan at lumabas na ito ng kwarto. Wala manlang ka emo-emosyon ang mga mata niya. Nonchalant si pogi..
“I wish i would see his smile again” rinig kong bulong ni Ma'am Olivia. Mahirap pala pasayahin ang lalaking iyon? Mukhang mapapasabak ako nito a?
Isa-isang sinabi ni Maam Olivia ang bawat rules ng anak niya sa loob ng mansyong ito. Sa sampung iyon ay isa lang talaga ang naintindihan ko—huwag papasok sa kwarto niya ng basta-basta.
Napahawak ako sa aking tiyan. Nag-aalburuto na naman ang mga bulate sa loob ng tiyan ko. Pagkain,pagkain pagkain!
“Naiintindihan mo ba ang rules ng anak ko rito, Miss Ri?” tumango-tango lang ako kahit di ko naman talaga naintindihan lahat..english kasi..
“Ma'am, libre po ba pagkain dito?” kamot-ulo kong tanong kay Maam Olivia. Wala ng hiya-hiya pa, nakakamatay iyan.
Bahagya siyang ngumiti. “Of course hija. All your expenses are free. May health insurance ka rin.” Sagot nito.
“Gracias, Madam! Arigato arigato nagugutom na ako.”
Napapailing nalang ito. Problema ni Maam Olivia sa akin? Mukhang may tililing itong amo ko. “Follow me!” utos niya at lumabas ng kwarto.
Bumaba kami at dumiretso sa kusina. “Ma'am? May tililing ka po ba?” biglaang tanong ko. Napahinto sa paglalakad si Maam Olivia at lumingon ito sa akin na nakataas ang isa niyang kilay. Paktay ka, Ri!
“What did you say?”
“W-wala ho, Ma'am sabi ko po ang ganda niyo po. Para kayong si Dawn Zulueta.” Sumilay ang ngiti nito sa labi.
Napasinghap ako. Muntik na ako do'n a? Bakit ko pa kasi naisipan na itanong. Bibig mo talaga, pakilagyan ng packaging tape!
“Pagkain..pagkain..pagkain!"
Dumiretso ako sa dining area. At lahat ng nakaupo ro'n ay napalingon sa akin. “Gusto ko ng extra jumbo hotdog na matambok at masarap!”
“Who the hell is she?” maarteng tanong ng babae na puno ng kolorete ang mukha. Nagmukha tuloy siyang painting.
“Is she our son's new maid?” tanong ng lalaki. Nakabusiness suit ito. Tiyansa ko ay nasa singkwenta'y anyos na ito. “Yes she was, dad. But i don't really like her as my new maid” sagot no'ng lalaki, nagtama ang paningin naming dalawa. Ang sungit niya! Di ko naman inaano! Di naman malaki ang kaniya.
“i don't like you, Miss for my cousin's new maid. Mukha mo palang ay hindi na mapagkakatiwalan,” singit ng babae. Mula ulo niya akong tinignan. Mas makinis pa nga pwet ko sa mukha niya eh! Feeling gwapa ay!
“Why are you staring me like that? Are you insulting me?” ay aba! Pavictim ang puta!
“Hey! Watch your words, Abby! Nasa harap tayo ng pagkain. Do'nt judge the book by its cover. Besides, she didn't do anything!” saway ng matanda habang hinihiwa nito ang karne na nasa plato niya.
Mabuti pa ito. “Sorry for what they've said, hija. Join us here!” aya nito sa akin. Napalingon naman ako sa gawi ng mga kasambahay lalo na do'n sa mayordoma nila. Si Manang Tanda. Ang sama nito makatingin sa akin. “Dad, she is just our newly maid. She doesn't belong here! ” reklamo naman ng may maliit na pototoy.
Umupo si Ma'am Olivia sa tabi no'ng ginoo. “Your dad is right, anak. We should consider her as our newly member of the family. At tsaka walang masamang ginawa sa'yo si Ri.” sang-ayon ni Maam Olivia.
Napangiti ako. He rolled his eyes at tumayo. “Excuse me, I have lost my apetite!”
Nagwalk-out ito. “Me too. Ang dugyot kasi ng babaeng iyan nakakadiri!”
Ang kapal ha! Nagkatinginan ang mag-asawa. “pagpasensyahan mo na, Ri. Join us here! Kayo narin, Manang" aya ni Maam Olivia at bumaling ito ng tingin sa apat niyang kasambahay na nakatayo lamang sa gilid.
“Salamat, Maam pero hindi napo!” maaring tanggi ng mayordoma sabay tingin sa akin. Kanina pa talaga mainit ang dugo nito.
Gutom na talaga ako. Kanina pa ako natatakam sa mga pagkain na nasa lamesa. Uupo na sana ako ngunit bigla nalang akong hinila sa braso ng matanda. “You should know how to respect! Hindi pwede na makisalo ang kasambahay sa amo na kumakain. Bastos iyon!” mariing usal niya.
“Sorry po!"
“Huwag mo dalhin ang ugaling skwater dito sa mansyon hija. You should know your limits and bounadaries. Wag kang bastos hija? Baka hindi kana malalakabas rito ng buhay!”