CHAPTER: 9

1253 Words
Madilim pa ng idilat ko ang aking mga mata. Kahapon ay nag pasa ako ng resignation letter sa opisina. Hindi ko na kaya pang pumasok sa trabaho, dahil nahihiya ako sa ginawa ni Diego. Hindi ko kayang tiisin ang mga titig sa akin ng mga kakilala namin at kasama sa trabaho. Ang hirap pag nasanay na ang katawan mo sa ganitong oras ng gising. Para bang body clock na babangon talaga sa ayaw o sa gusto. Tumayo ako at diretso sa kusina. Nag-init ako ng tubig at nagtimpla lang ng kape. Hawak ko ang tasa, naupo ako sa balcony ng bahay. Iniisip ko ang nakaraan, kung paano ako niligawan ni Diego. Kung paano ako nito napasaya. Hanggang sa naalala ko ang kawawang mukha ng aking kasintahan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagmamadaling tinungo ang banyo. Naligo ako, tatlong beses pa ako nagsabon ng buong katawan at dalawang beses nag sipilyo ng ipen. Simple lang na crop top cotton blause ang suot ko na pinaresan ko ng baggy jeans at white rubber shoes. Nakalugay ang buhok ko na abot sa balikat, light makeup lang sa mukha at lumabas na ako ng bahay. Nag trycle lang ako papuntang labasan at doon ako nag para ng taxi. Ipinakita ko sa driver ang address na binigay ni Diego sa akin at para akong naiihi sa sobrang bilis ng t***k ng aking puso. Halos kalahating oras ako sa loob ng sasakyan at ngayon, nakatayo ako sa napakalaki at napakataas na gate. Napapikit ako sa sobrang lakas ng hangin. Grabe ang ganda ng bahay na ito, parang palasyo sa teleserye. Hindi ko alam kung bakit maluwag ang security ng lugar, tinanong lang ako kung may valid ID, tapos pinapasok na ang taxi na sinasakyan ko kanina. “Good morning, Ma’am.” nakangiti ang gwardya na lumabas mula sa guard house at lumapit sa akin. “Ito po ID ko, Kuya.” Tulad ng sabi ni Diego, wala akong ibang dapat gawin kundi ‘yon lang. Tinitigan ako ng lalaki at nakangiti na tumango. Ginaya ako papasok sa loob ng gate. “Ma’am, sakay po kayo dito, mainit na po kasi pag nag lakad lang. Medyo malayo pa po ang papunta sa mansion,” sabi ng lalaki. Napakamot ako ng ulo. Parang ang OA naman. Oo nga at mainit na talaga. Pero mapuno naman ang daan, kita na rin ang mansion. Pero dahil ‘yon ang sinabi, sumunod na lang din ako. Medyo napakamot ako ng ulo. Dahil ang akala ko na main door, hindi pala. Sa kabila pala ang daan papasok sa mansion. Umikot pa ang kotse bago ako binaba ng security guard sa main door daw. “Hanggang dito na lang po ako, Ma’am. Bawal po kami pumasok sa loob. Katok ka na lang po.” Sabay paandar ng sasakyan nito. Kinakabahan man, nandito na ako. Kaya bumuntong-hininga ako at saka nag doorbell. “Pasok ka, po Ma’am.” nakangiti ang matanda na ginaya ako papasok. Tahimik ako na naupo sa malaking sofa na pang mayaman. Binigyan ako ng matanda ng juice at hintayin ko na lang daw bumaba ang kanyang Sir. Kinakabahan na napatingin ako sa mga gamit, mga mamahalin. Pero napanganga ako ng makita ko ang lalaki na pababa ng hagdan. Nakasuot lang ito ng bathrobe na kulay dark gray. Magulo ang basa pa nitong buhok. Seryoso ang mukha na humahakbang sa hagdan pababa. Hanggang sa makarating sa harapan ko. Blangko ang mukha nito na tinitigan ako sa mata. “Follow me,” tipid na sabi nito. Sinundan ko ito paakyat sa taas ng hagdan. Pumasok siya sa isang silid, kaya't sumunod lang din ako. Parang opisina ang loob ng silid. Parang hari na naupo ito sa malaking sofa na pang mayaman at nilapag ang isang piraso ng papel at ballpen. “A–Ano ‘to?” may pagtataka na tanong ko dito. Ang buong akala ko, magiging past time lang ako nito o laruan. Pero laking gulat ko ng marriage agreement ang hawak ko. May mga rules na nakapaloob pa sa hawak kong papel. “Sign it once you've confirmed everything is acceptable to you. If there are any issues or concerns you have with it, please state clearly what the problem is. Marami pa akong gagawin at mahalaga ang oras ko.” “Sa rule number two. Ibig mo bang sabihin dito, hindi na ako pwede makipagkita kay Diego?” alanganin na tanong ko. Kita sa mga mata ng lalaki ang dilim na nakabalot. Tinitigan ako nito na naninigas pa ang mga panga habang may ngisi na nakakaloko sa labi. “I totally don't get jokes, Ms. Dionisio. I'm gonna be your husband after all – why would I ever be dumb enough to let you hang out with other guys? And heaven forbid you see that ex of yours... you know, the 'upstanding citizen' who helps himself to things that aren't his. Real catch he was, huh?” Hindi ako makagalaw. Nakayuko na kasi ito na nakapatong pa ang dalawang palad sa ibabaw ng babasagin na lamesa. Halos halikan na nito ang labi ko at parang susunugin ako sa matalim na tingin. “P–Papano kung ayaw ko magpakasal sayo?” tanong ko dito. Habang ang tuhod ko, nanginginig na sa kaba, dahil sa titig nito at maaaring sagot. “You always have a choice,” nakangisi na sagot nito sabay naupo ng muli. “Dalawang hearing na lang, pwedeng isa na lang. Diretso na sa malaking kulungan ang magnanakaw na ‘yon. Yun ay kung aabot pa siyang buhay,” dagdag pa nito, sabay tayo at nagsindi ng sigarilyo. Nanginginig ang mga kamay ko na pinirmahan ang papel. “Okay na,” mahinang sabi ko. “Hindi ka na babalik sa bahay mo. You will stay here. Later on, I will have my assistant send over the marriage certificate that you need to sign. No ceremonies.” Sabay talikod nito at iniwan ako sa loob ng kanyang opisina. “Ma’am, ihahatid ko na po kayo sa silid mo.” bungad ng matanda kanina na sumundo sa akin sa baba. Bumuga muna ako ng hangin bago tumayo mula sa aking pagkakaupo. Sumunod ako sa matanda at halos mahilo na ako at hindi matandaan ang aming dinaanan. Ang ending, sa tabi lang din naman pala ng silid ni Declan ang silid ko. “Ako pala si Ate Jo, ako ang mayordoma dito. Ako ang inatasan sayo na mag-alaga at mag bantay. Lahat ng kailangan mo, pwede mo sa akin sabihin,” nakangiti na sabi ng matanda. “Salamat po Ate Jo,” sabi ko dito. Nilibot ko ang paligid at pinakita nito ang mga gamit sa loob ng silid ko. “Tama po ba ang size mo, Ma’am? Small lang? Twenty-five ang bewang? thirty-eight ang bust at hips?” tanong ng matanda na tinanguan ko. Ang weird lang na alam nito ang eksantong sukat ng katawan ko. “Mauuna na po akong bumaba, Ma’am. Kung may kailangan po kayo, dial lang ninyo ang number one sa telepono.” Paalam ng matanda sa akin. Nagmamadali akong tinungo ang closet pagkalabas ng matanda. Nanginginig ang mga kamay at mata ko ng hawakan ko ang ilang kahon na may lamang alahas. Sa buong buhay ko, kahit sa jewelry department sa mall, never ako humawak man lang ng ganitong alahas. Sa buong buhay ko, ngayon lang. “Nagustuhan mo ba?” nagulat ako at nabitawan ang hawak ko na kahon. Paglingon ko, si Declan pala ito. Akala ko umalis na ito kanina pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD