Earlier, I was still single when I left the house. Now, I'm just traveling on a plane, and it looks like I'm taken now. Nangingiti ako habang nangangalay ng bahagya ang aking leeg. Nakapikit ang magandang dalaga at mukhang malalim ang tulog habang nakasandal ang ulo sa balikat ko. Nakakalungkot lang na ilang minuto na lang ay lalapag na ang eroplano.
“Ano ang schedule ko, Chris?”
“Sir, you have an early dinner with Mr. Smith from SMC Corp. at three o'clock this afternoon. That's all for now – tomorrow you have quite a number of meetings.”
Tumango lang ako sa aking assistant na agad sumalubong sa akin sa airport kanina. Naglalakad na ako ngayon papasok sa isa sa mga resort and hotel na pag-aari ko. Ito ang pinakamalapit na pwedeng tuluyan sa lahat ng property ko, dahil halos katabi lang nito ang mga meeting place ko sa aking mga kasosyo at possible investors.
Pagtingin ko sa aking relo na pang bisig, halos alas dose pa lang ng tanghali. Maaga ang flight ko kanina at maaga akong nakarating dito sa Bicol. Nahiga ako sa malaki at malambot na kama pagpasok na pagpasok ko sa aking silid. Inaamoy ko ang aking suot na damit at napangiti ako dahil dumikit sa akin ang pabango at shampoo ng katabi kong dalaga kanina sa eroplano.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at hinubad ang suot kong damit. Tinupi ko ito ng maayos at naghanap ako ng plastic na may ziplock, sinilid ko ang damit at napangiti ako sa aking naiisip na kalokohan.
Dahil naalala ko ang babae, I peeked out the window, I spotted a familiar figure. The orange maxi dress, white flip-flops, and bohemian bag were exactly like the outfit of the woman who’d sat beside me earlier. So I quickly reached into my pocket for my latest smartphone – its camera is so sharp it puts even telescopes to shame, even if what I’m looking at is on the other side of the island.
“Gotcha!” mahinang bulong ko. Pero napalunok ako ng makita ko itong naghuhubad ng damit. Kulay puti na two peace swimsuit ang suot nito na panloob.
Litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan nito at ang halos kulay labanos na balat sa puti. Para akong nauuhaw na tinalikuran ang bintana at pumasok diretso sa banyo para maligo. Mabilis na pinihit ko ang shower at pinabuhos sa aking hubad na katawan ng tubig nito.
I don't have time for my own foolishness right now. I still have a meeting to attend, and my mind shouldn't be occupied by just anyone. Pero parang gusto ko sapukin ang aking sarili, dahil hindi naman kung sino lang ang iniisip ko.
Nagmamadali akong nagbihis ng corporate attire at kumain ng bagong deliver lang din na pagkain dito sa hotel. Habang nakaharap ako sa aking laptop, kumakain ako ng mabilis lang. Ganito ang buhay ko sa loob ng maraming taon. Trabaho at trabaho lang. Wala ako halos social life, dahil wala akong hilig sa babae o sa night life. Kung papipiliin, mas gusto ko pa matulog na lang.
I'm 6 feet 3 inches tall, with a high-bridged nose, thin lips, thick eyebrows, and brown eyes. May maayos na trabaho, maraming pera, pero solo lang sa buhay. Hindi ko kilala ang aking mga magulang, ampon lang ako ng isang Briton na negosyante. Ako ang nagmana ng lahat ng kanyang yaman, dahil wala itong asawa o masasabi na pamilya.
I let out a slow smile, my head shaking softly as the thought settles in. I have everything this world can offer – but none of it means a thing without my woman, the one I’ve always known was meant to be mine. She’s so close now… I can feel it in my bones. I’ll move heaven and earth, cross any line, do whatever must be done to bring her to me. She is mine, she just doesn’t know it yet. All I need is for her to finally come home where she belongs – by my side, in my life, forever.
_____
Pabalik-balik ako ng langoy sa dagat, pakiramdam ko, may mga mata na nakatitig sa akin. Ganito din ang pakiramdam ko pag lumalabas ako ng bahay, pakiramdam ko may nakatingin sa akin mula sa bakuran ng aking tirahan. Ang weird lang na hanggang dito, ganun pa rin ang pakiramdam ko.
Umahon ako at ininom ang juice na order ko kanina. Ang ganda pala ng resort na nakuha ko. Sulit na sulit ang 50 thousand promo package nila na good for three days at wala na akong babayaran kahit sa pagkain.
“Hello! I’m James, and you?”
Hindi ako lumingon ng may nagsalita sa likod ko. Ayaw ko maging assuming. Kaya dinampot ko mula sa beach chair ang dress na hinubad ko kanina, sabay suot. Wala kasi sa plano ko ang lumangoy kaagad, naakit lang ako ng dagat, kaya naman hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili.
Pagpihit ko, matangkad na lalaki ang nasa harapan ko. Nilampasan ko lang ito at hindi ako interesado na humakbang papalayo. Nagsisisgaw pa ang lalaki ng “Miss!” pero hindi ko ito nilingon man lang. Tiwala ako sa resort na ‘to, kaya alam ko na walang magtatangka na bastusin ako, sa dami ba naman ng police na umiikot ‘e.
Sa totoo lang, wala akong interes kahit na sinong lalaki. Kahit solo lang ako ngayon, nananatili ang loyalty ko kay Diego.
Pagdating ko sa aking kinuha na silid, agad kong ni locked ang pinto at diretso ako sa banyo. Mabilis lang akong naligo at pagkatapos ko tuyuin ang aking katawan, nahiga ako ng nakatihaya sa ibabaw ng kama. Pinunas ko ang luha sa aking mga mata. Dahil hindi ko maiwasang hindi malungkot ngayon, dahil wala sa tabi ko si Diego.
*Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiing!*
Naputol ang pag emote ko ng bigla na lang tumawag si Wena sa akin. Iniisip ko kung sasagutin ko ito, dahil nga stress na balita lang ang hatid ng babae sa akin. Nalaman ko na ang totoo galing mismo kay Diego. Alam at aware ako na ayaw na ayaw nito sa aking kasintahan, noon pa man. Kaya't puro lang paninira ang balita nito.
Hinayaan ko lang mag ring ang cellphone. Ayaw ko mas malungkot pa, mahal ko si Diego at marami na kaming napagdaanan. Kung makikinig ako sa iba, sisirain ko lang ang relasyon namin. Medyo naiinis ako ng huminto ang ring, sunod-sunod na message naman ang dumating. Kaya binuksan ko ang isa.
“Ar, si Diego pinaghahanap ng mga pulis. Itinururo siyang kasangkot sa nangyari na nakawan sa jewelry kaninang madaling-araw. Inside job daw ang sabi. Manood ka ng balita o kaya sa trending news sa social media.” Laman ng mensahe ni Wena.
Halos manginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Halo-halo ang emosyon na meron ako ngayon.