CHAPTER: 6

1320 Words
Matapos ko basahin ang message ni Wena, tulala akong napaupo sa gilid ng kama. Nagtatalo ang isip at puso ko. Ang puso ko na nagmamahal sa aking kasintahan at ang isip ko na nagsasabing possible na totoo ang balita, dahil may mga kilos si Diego na kahina-hinala naman talaga. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-ayos ng mga gamit ko. Kadarating ko pa lang at hindi pa man lang umiinit ang pwet ko dito sa resorts, heto at pabalik na naman ako na siyudad. Nagbihis lang ako ng simpleng damit at rubber shoes, pagkatapos ay naupo akong muli at nag research online kung ano ang pwede kong sakyan. Pero nanghihina ako ng makita na fully booked lahat ng byahe sa eroplano. Ang schedule ng flight ko ay after 4 days pa. Pagtingin ko sa bus, aabutin ako ng walong oras ng byahe by land. Kaya napahiga na lang ako ng patihaya sa ibabaw ng kama. Napapikit ako sa pagod at stress. “Hello?” nakapikit na sinagot ko ang tawag sa hawak ko na cellphone. “B—Babes, tulungan mo ako please.” Napaupo akong bigla dahil si Diego pala ang tumawag. “Babes, nandito ako sa Bicol, wala akong sasakyan ngayon. Bukas ba-byahe ako by la–.” “Bakit, nakahanap ka na ba agad ng pamalit sa akin? Bullsh*t!” sigaw niya sa akin na halos mabingi na ako sa sobrang lakas. Tinakpan ko ang aking bibig at impit ako na napaiyak. Gumagawa naman ako ng paraan. Sadyang wala lang akong masakyan. Alangan naman maglakad ako pauwi o lumangoy ng dagat. “Pupuntahan kita bukas,” tanging nasabi ko lang. Hindi ko na nahingi pa ang detalye, pinatayan na ako nito ng tawag. Napadapa ako sa kama at iniyak ko na lang lahat ng sama ng loob ko kay Diego. KINABUKASAN halos lutang ako na lumabas ng resort. Nagtanong-tanong ako paano makakabalik ng siyudad sa pinakamabilis na paraan. Pero wala din talaga, ngayon ay hapon na alas singko na at tapos na ang oras ng dalaw. Napahiga ako sa ibabaw ng aking kama at gusto mo ng umiyak, naubos na yata ang luha ko sa magdamag. Naghilamos lang ako at nagbukas ng sardinas. Wala akong gana kumain pero kailangan may lakas ako para bukas. Sa maghapon halos na byahe ko, tanging cup noodles lang ang laman ng aking tiyan at tinapay. Nanginginig na rin ako sa antok at pagod ngayon, kaya napilitan akong kumain. Lumipas ang magdamag, nakatulog naman ako ng bahagya, pero pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako. Pero wala akong pagpipilian, kailangan ko kumilos. Kaya nagmamadali akong nagkape at kumain ng pandesal na binili ko sa bata na nagkasakay lang sa bisikleta na may styrofoam. Mabilis lang akong naligo at umalis na rin ng ng bahay. Ang tagal bago ako papasukin sa loob police station. Hindi ko alam kung ano ang pinagbubulungan nila at napatulala ako ng sa visiting area, halos pikit na ang isang mata ni Diego at may pasa ito sa panga, putok ang labi at paika-ika ang lakad. “A–Anong nangyari?” umiiyak na tanong ko sa aking kasintahan. Akmang hahawakan ko ang mukha nito ng tabigin niya ang kamay ko. “Bakit nandito ka? Umuwi ka na! Magpakasarap ka na lang doon sa malayo. Wala ka namang pakialam sa akin hindi ba?” madiin ang boses nito na para bang ako ang sinisisi niya sa lahat ng ito. “Ano bang nangyari sayo, Diego? Naipit lang ako sa probinsya, nandito na ako oh! Anong oras na ako nakauwi kahapon, inabot na ako ng gabi. Hindi mo ba ‘yon maintindihan?” medyo mataas na tono na rin na paliwanag ko. Sa aking sinabi, medyo lumamlam ang mukha nito. Yumuko si Diego at lumuha. “Gusto ko lang naman ng magandang buhay para sa pamilya ko, para pag marami na silang pera, tigilan na nila ang kakasalita ng masama sayo, tulad na lang ng mas bagay sa akin si Judy. Gusto ko din na pakasalan ka na, para wala na sa atin makapaghiwalay pa. Nadala lang ako ng sitwasyon, babes. Hindi naman ako masamang tao, alam mo yan.” lumuluha si Diego habang hawak na ang kamay ko. “A–Alam ko, gagawa ako ng paraan. Hahanap ako ng abugado mo, para mapababa ang sentensya mo,” lumuluha na rin ako habang nagsasalita. Dahil wala akong ideya sa ganitong bagay. Wala akong alam at wala akong kilalang tao na malalapitan. “M–May alam ako babes. P–Pero wag na,” mahina, halos hindi na marinig na bulong ni Diego. “Ano, sabihin mo sa akin please?” malumanay na tanong ko. Pero hindi na ito kumibo pa. Tumayo na lang ito at tumalikod na sa akin. Hinabol ko si Diego at inabot ang bag na may lamang damit niya at pagkain, hygiene kit. Kinuha naman niya, pero hindi man lang ako nilingon. “Nako, Ma’am! Sinasayang mo lang ang oras mo sa kasintahan mong yan. Masyadong mayabang sa loob, kaya napag-iinitan ng mga preso. Isa pa, malaking tao ang kinalaban ng grupo niya, kaya wag ka ng umasa pang makakalabas yan. Siya pa ang maangas kahapon ng dinalaw siya ng anak ng may-ari ng mall na ninakawan nila,” umiiling na kwento ng isang matandang pulis na mukhang mabait naman. “A–Ano po ang pangalan ng lalaki na dumalaw sa kanya kahapon, Sir?” tanong ko naman sa pulis. “Declan Sinclair. Nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng nagtataasang gusali na nakikita mo dito sa siyudad.” sabay talikod sa akin ng pulis. Halos hindi ako makagalaw. Iniisip ko kung saan ko narinig ang pangalan ng lalaki. Hanggang sa nakauwi na lang ako, ‘yon pa rin ang iniisip ko. Pagdating sa bahay, agad kong tinawagan si Wena. Mabuti na lang at day-off nito at sinadya akong dalawin dito sa bahay. “Ar, sorry huh? Wala akong maitutulong sayo financially. Tapos nalaman ko pa, yung pumasok sa loob ng mall, yung dumekwat talaga sa jewelry na dalawang lalaki, patay na. Bali, apat na lang silang natitira ngayon na buhay.” si Wena. “A–Anong kinamatay, saan namatay?” natatakot na tanong ko. “Nang-agaw daw ng baril sa pulis,” nakayuko na sagot ni Wena. Laman ng mga balita ang ganyan na senario. Para bang may tao sa likod ng agaw baril at ayaw sumikip ang mga kulungan. Kaya nanginginig ang mga tuhod ko na naupo. “Natatakot ako, Wena.” Pag-amin ko sa aking kasama sa trabaho na naging kaibigan ko na rin. “Bukas sasamahan kita dumalaw kay Diego. Kakausapin din natin yung kaibigan ko na dinemanda ang mga sister-in-law niya ng harassment. May kilala yun na abugado. Pa second opinion lang tayo. Kahit pa alam naman natin na binigyan ng pamahalaan ng libreng abugado ang mga nakakulong. “Salamat, Wena. Kung hindi dahil sayo, hindi ko na alam ang gagawin ko.” pag-amin ko sa aking kaibigan. “No problem, basta help ko lang hanggang ganito lang. Pag pera na, auto pass ako. Alam mo naman, isang hamak na dukha lang ako. Pero girl, napansin ko ‘yong kotse sa tawid. Para bang may tao sa loob na nakatingin sa atin dito,” sabi ni Wena na nakatitig pa sa labas. “Lagi naman yan nandyan. Baka taga kabila, walang parking lot sa kabilang street ‘e, tricycle lang ang kasya doon,” paliwanag ko kay Wena. Pero ang totoo, hindi ko din alam bakit lagi na lang may kotse doon. “Paano, uuwi na ako. Daanan na lang kita dito bukas, okay?” “Sige, salamat huh?” Hinatid ko lang sa gate si Wena at nilagay ko ang kadena. Pagpasok ko sa loob ng bahay, ni locked ko rin ang pinto. Natakot ako na baka madamay ako sa kaso ni Diego, lalo pa’t alam ng lahat na kasintahan ko ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD