“Wena, Babes,” pagbati ni Diego sa akin at sa kaibigan ko na katrabaho din namin sa mall.
Nakatitig lang ako sa aking kasintahan na wala na ang isang ipen sa taas na bahagi ng kanyang bunganga. Ang dati isang pikit na mga mata lang nito ay naging dalawa na. Para bang ginuguyumos ang puso ko sa aking nakikita.
“Sa labas muna ako, tawagin mo na lang ako mamaya huh?” Paalam ni Wena sa akin.
“K–Kamusta ka na dito?” nakayuko at lumuluha sa sobrang awa na tanong ko sa aking kasintahan.
Kahit naman gumawa ito ng ganitong kasalanan, wala naman itong ginawa sa akin na masama. Ni minsan ay hindi ako nito pinagbuhatan ng kamay o sinigawan. Kaya't nasasaktan ako para sa kanya.
“Babes, tulungan mo ako please.” palinga-linga sa paligid at mahinang bulong ni Diego sa akin.
“Paano?” tipid na tanong ko.
Halata ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay at naluluha pa nakatitig sa aking mga mata.
“Narinig ko, sabi ng isang pulis ay mahilig daw sa babae ang nag-iisang tagapagmana ng mga Sinclair. A–Ano kaya kung akitin mo siya at hilingin mo na ang kapalit ay ang kalayaan ko?”
Biglang hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito ng mahigpit. “Anong klaseng plano yan?” Medyo mataas na tono ko.
“Wala akong maisip na paraan, Babes. Hindi nila kailangan ng pera dahil bilyonaryo sila. Wala akong maisip na meron tayo na gusto nila. Baes, makinig ka. Dito sa atin, kahit sa kabilang barangay pa, dito sa Sta. Milagrosa, ikaw ang nakita kong pinakamaganda. Mas maganda pa sa mga beauty queen sa television.” Tila may ningning sa mga mata ni Diego habang nagsasalita at kinu-kumbinsi ako.
“P–Paano kung may mangyari sa amin? Sabi mo nga babaero ‘yon hindi ba?” kinakabahan ako sa sagot ni Diego. Kaya't nanginginig ang labi ko, habang nagsasalita.
“Isa, dalawa, tatlo! Ano ba ang kakaiba doon? Mahalaga ako ang nauna sayo, hindi na mahalaga kung sino ang susunod pa, wala naman sayong mawawala, Babes.” Sabay iwas nito ng tingin sa akin.
Napatayo ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Diego. Ang ini-expect ko, ipagdadamot ako nito. Ganun naman talaga ang nagmamahal hindi ba? Gusto mo sayo lang siya sa isip, katawan, maging kaluluwa. Pero bakit bigla na lang naging parang ibang tao ang kaharap ko.
“Edi wag kung ayaw mo! Pabayaan mo na lang ako ditong mamatay! Isa pa, wag ka na dadalaw.” Sabay tayo nito at diretso pasok muli sa kanyang selda.
Nanghihina ako at luhaan ng lumabas ng police station. Sa susunod na linggo na ang hearing ng kaso nito, at heto ako, naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
“Anong nangyari sayo, Ar?” tanong ni Wena na agad akong sinalubong. May hawak na plastik ang kamay nito na ang laman ay soft drinks. Naupo kami sa plant box sa labas ng gusali at doon ko ikinuwento ang napag-usapan namin ni Diego sa loob kanina.
“Tang*na! Noon pa naman sinasabi ko na sayo, hindi ka mahal ng gago na yan. Parang price ka lang, trophy ka lang sa kanya. Maganda, sexy, walang komplikasyon sa pamilya, dahil walang pamilya. Unli jug-jug, pakain mo pa sa bahay mo. Ano pa ba aayawan niya sayo? Ano pa ba ang dahilan bakit manloloko siya at ipagpapalit ka? Ngayon na may problema na, na siya naman ang may kagagawan, ikaw pa ang naisip niyang ibenta. Iba din ang kakapalan ng mukha ni Diego! Mana sa nanay niyang mukhang pera.” Galit na galit na sabi ni Wena.
“Anong gagawin ko, Wena?” lumuluhang tanong ko.
“Ito, hindi ko sinasabi na gawin mo. Kung ako lang naman ito. Kung magpapalaspag ka, doon na sa bilyonaryo. Hindi sa ex-con na manggagamit. Sundin mo ang gusto niya, pero tanga ka kung babalikan mo pa siya. Pagkatapos ng problemang ito, ipahinga mo ang p*ki mo girl. Self worth ang mahalaga. Hindi yung gagamitin ka lang,” sabi ni Wena na nanlilisik pa rin ang mga mata na nakatitig sa himpilan ng pulisya.
“Wena, natatakot ako. Paano pagkatapos ng gulo na ‘to, may magmamahal pa ba sa akin?” pabulong na tanong ko kay Wena habang pauwi na kami.
Ang plano na puntahan ang kanyang kaibigan na may kilalang abogado ay hindi na namin itinuloy pa. Kakausapin ko na lang ang tagapagmana na Sinclair. Kung paano, hindi ko alam.
“Gaga! Kung saan-saan na nakarating ang isip mo. Ang mahalaga ngayon ay matapos na ang gulo na gawa ni Diego. Tungkol naman sa tanong mo, marami. Hindi lang ikaw ang unang babae na hindi na birhen. Marami nga dyan may anak pang tatlo, pinakasalan pa. Ano ka pa na single, sexy at maganda. Bukod doon, napakasipag mo sa trabaho at mabait.” Buong kumpyansa na sabi ni Wena.
Napangiti ako kahit papano. Hanggang sa makababa na kami sa tapat ng bahay ko. Nagkape lang si Wena sa loob at pagkatapos ay nagpaalam na rin na uuwi, dahil may mga alaga pa siyang bata.
Habang nakaupo ako mag-isa, nakatulala na lang ako sa kawalan. Parang ang dating, napatunayan ni Wena na tama siya sa lahat ng pagkadisgusto niya kay Diego para sa akin noon pa. Kanina nakangiti lang ako, pero ang totoo ang sakit. Nasasaktan ako isipin na mahal lang ako ni Diego dahil komportable siya.
Napatayo ako at naputol ang pagmumuni-muni ko ng tumunog ang aking cellphone.
“Hello?” tanong ko sa kabilang linya.
“Mama to ni Diego. Siguro naman nakausap mo na ang anak ko. Nakita mo na ang kanyang kalagayan. Pwede ba, magkaroon ka naman ng silbi sa buhay niya! Si Judy nagbigay na ng sampung libo, para sa gastusin na pagkain na dadalhin kay Diego tuwing dadalaw kami. Ikaw, ano ang tulong mo? Hindi sinasabi ni Diego sa akin, pero alam mo daw kung paano siya matutulungan. Bakit hindi mo gawin?!”
Halos nanghihina ako ng patayin din nito agad ang tawag sa akin. Siya ang tumawag at siya din ang tumapos ng hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita kahit isang pangungusap.
Halos hindi na ako makatulog ng maayos. Dalawang araw na ang nakalipas magmula ng huling dalaw ko kay Diego. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pakiusap nito sa akin. Halos hindi na rin ako makapagtrabaho, hindi ko kaya ang tingin ng mga kasamahan ko, dahil iniisip ng mga ito na nakinabang din ako sa kalokohan ni Diego.
Dahil hindi ako pumasok sa trabaho, nagpasya ako na dalawin na lang si Diego. Namili ako ng mga prutas at karne. Magluluto ako ng igado na paboritong ulam ng aking kasintahan.
Matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin, nakangiti akong lumabas ng bahay. Tinungo ko ang police station. Pero sa waiting area lang daw muna ako, dahil may dalaw daw si Diego. Akala ko, kapamilya niya. Pero nagulat ako ng isang mukhang mayaman na babae ang diretso lumabas ng istasyon.
“Anong ginagawa mo dito?!” pasigaw na tanong ni Diego sa akin. Kaya ang titig ko sa labas ay napunta sa mukha ni Diego.
“Sorry ngayon lang ako nakadalaw,” pagdadahilan ko.
“Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ang laki at nangingitim ang eyebag mo. Hindi ka ba kumakain ng maayos at natutulog sa tamang oras?” Tanong nito sabay iwas ng tingin. “A–Ayaw mo sa hinihiling ko, ano pa ang ginagawa mo dito? Wala ka namang magagawa hindi ba?!” Mataas bigla ang tono na sabi nito sa akin ngayon. Nawala ang pag-aalala para sa akin ng mga mata nito.
“Gagawin ko na,” nakayuko na sabi ko.
“Ito ang address niya. Magpakilala ka lang daw sa mga batay at magdala ng ID,” biglang upo at hawak nito sa kamay ko.
“Kinakabahan ako,” pag-amin ko dito.
“Promise, matapos lang ito. Magpapakalayo na tayo. Lilipat tayo ng ibang lugar, kung saan hindi tayo kilala. Magapapakasal tayo at bubuo ng pamilya,” naluluha ang mga mata ni Diego habang nakatitig sa akin.
Tumango lang ako at ngumiti. Inabot kami ng isang oras na maayos ang naging usapan. Kumpara sa mga nagdaan na araw ng pag dalaw ko, ngayon ay maayos ang kanyang pakikitungo sa akin ngayon.
Hanggang sa makalabas ako, napangiti ako na lumingon sa estasyon ng pulisya. Hindi ako sigurado, pero para kay Diego, handa akong gawin ang lahat. Ganun ko siya kamahal.