“Aalis na kami bukas ng umaga ni Mommy, Kuya Declan. Halika, inumin mo ito. Come on! Wala itong lason.” Napakunot ako ng noo. Kanina pa ako nakauwi, nauna pa ako kay Declan, dahil nga mahilo ako kanina. Hindi ata alam ng bruha ang presensya ko. Maingat akong humakbang papalapit pa sa bar nitong bahay, kita ko si Declan na kauuwi pa lang at hawak ang baso ng malamig na tubig. Pinipilit ni Viona uminom. Tumalikod na nga si Declan, sumunod pa rin ang babae at nangungulit ng tagay. “Inumin mo na, honey para matapos na,” singit ko sa dalawa na mukhang gulat na gulat ang babae sa presensya ko. “K–Kailan ka pa umuwi?” Mukhang kinakabahan na tanong nito sa akin. “Kanina pang alas dos,” tipid na sagot ko. Inabot ni Declan ang baso at tinungga ang laman nitong alak. “Tomorrow is Wedn

