Napapakamot ako ng ulo habang kanina pa patay sindi ng sigarilyo. “Anak, gumawa ka ng paraan! Saan tayo matutulog ngayon? Paano ang kapatid mo, paano ako? Matanda na ako, hindi ko kakayanin pa ang lamig ng gabi, baka magkaroon pa ako nito ng TB.” Tahimik lang ako na naupo sa simentong upuan dito sa labas ng aming bahay. Umiiyak si Mama Bhing at ang aking kapatid na si Sia. Hindi ko akalain na magiging ganito kagulo ang aking buhay. Ang buong akala ko, pag nakalabas na ako ay mas magiging madali na sa akin ang lahat. Hindi ko akalain na gaganti si Arleta sa panloloko ko sa kanya. Kilala ko ang dati kong kasintahan. Mabait, maunawain at laging mahinahon at tama ang mga desisyon. Kaya marahil, labis ko itong nasaktan. “Sinasabi ko na sayo noon pa man, maldita yang Arleta na yan! Mahin

