“Okay ka lang ba na nandito sila?” Tanong sa akin ni Declan habang hinahalikan nito ang aking batok. “Basta't wag nila ako guluhin, okay na rin. Hindi naman sila magtatagal dito, hindi ba?” tanong ko sa aking asawa na tumango. “They said only one week. If they overstay, I will personally kick them out.” Hindi na ako sumagot pa. May tiwala naman ako sa aking asawa. Alam kong hindi nito hahayaan na masaktan ako. Sa ilang buwan na magkasama kami, hindi ko tuloy maiwasan na lalo itong magustuhan. Na para bang hindi ko na naalala pa si Diego at ang kagaguhan ng lalaki na ginawa sa akin. “Thinking of him?” Tanong nito na inismiran ko, sabay harap sa kanya. “Maniwala ka man sa akin o hindi, hindi ko na siya mahal. Ikaw na lang nga ang nagpapaalala sa kanya ‘e. Kung hindi mo binanggit, hi

