ARI CANCELLED HER plans with her friends to be with Selina. Last minute kung mag-text si Selina sa kanya kaya last minute din siyang nag-cancel sa dinner kasama sina Ale at Iya. Nakahilata siya sa ibabaw ng kama niya at iniisip kung ano ang susuotin. Magkikita sila sa isang bar kung saan may live band. Hindi niya tuloy alam kung magsusuot ba siya nang naaayon sa pupuntahan o hindi dahil baka mapuna siya ng Ate Eileen niya. Nang muling balikan ang closet ay nagpasya siyang magsuot ng bestida para isang suotan na lang. Hindi na siya mahihirapan pang maghanap ng ipa-partner. Effortless, isang suotan lang, nalutas na ang problema niya.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa sinasagot ang pangungulit ni Ale sa text kung bakit hindi siya tutuloy. Pwede pa rin naman siyang humabol kung matatapos agad ang gabi nila ni Selina. Who knows. Pero hindi siya mangangako. Sa ngayon ay gusto niya lang makipagkita sa isang iyon. For old time’s sake lang, gano’n. Isang linggo na simula ng huli nilang pagkikita. Hindi rin malinaw sa kanya kung bakit ito makikipagkita. Ang alam niya lang, napa-oo agad siya nang magyaya itong lumabas. Kung nakikipaglaro ito sa kanya, Ari can do that also. She has all the time in the world.
Nasa kalsada na siya at mayamaya pa’y lulan na ng tren nang makatanggap ng text. Inis na ibinaba niya ang cell phone nang mabasa ang text ni Selina. Ito ang nag-cancel sa kanya. Napakabuti mo, gagad niya sa isip. Sa inis niya ay binura niya ito sa contacts niya. Hindi niya ito magawang i-block kaya sa ngayon ay iyon lang ang kaya niyang gawin.
Nahihiya naman siyang sumama sa lakad nina Ale kaya sa ilang sandali ay hindi niya alam kung saan ang punta niya.
Nilunok niya muna ang kahihiyan bago nag-text kay Samael. Madali lang itong kausap. Nang sabihin niyang nasa labas siya at imbes na umuwi ay gusto niyang magpunta kahit saan, niyaya siya nito sa flat nito at hintayin ito habang nag-aayos.
Binaybay na niya ang daan patungo roon. She’s nervous. Ewan niya kung bakit. Hindi niya alam kung mag-isa lang ito sa flat nito. Sabi naman nito ay maliligo lang ito saglit at tawagan ito kapag malapit na siya. Takot yata siyang makasama ito nang silang dalawa lang. Hindi niya kakayanin ang presensya nitong nag-uumapaw.
Laking pasasalamat niya dahil nang tawagan niya ito ay nakagayak na raw ito. Sinabihan niya itong bumaba na at tagpuin na lang siya sa labas.
Nang magkasama na sila ay agad itong nagyaya kumain. Pumunta sila sa isang malapit na Pinoy restaurant. Doon sila nagpakasawa sa chicharong bulaklak, lumpia, at pancit.
“Bakit ako ang naisipan mong kontakin?” ang tanong ni Samael habang naghihintay ng panibagong order ng chicharong bulaklak.
Nagkibit-balikat siya. “Nag-cancel na ako kina Ale, eh.”
“I’m surprised ako ang naisipan mo, not that I’m complaining,” anito habang nilalaro-laro ang toothpick sa pagitan ng mga labi nito.
“May sariling s**t si Keeno. The girlfriends are out on a date,” dahilan niya.
“Nice dress, by the way.” He looked at her from head to toe. Nainis siya sa ginawa nitong pagsuri. But he smiled the way she wanted to be appreciated and seen. She just stared at him for a long time, shook her head, looked at him again and saw that he was still watching her.
“Samael,” ang namutawi sa mga labi niya.
“Yes, Amari?”
“What are you doing?”
“Naghihintay ng chicharong bulaklak,” ang naging sagot nito.
Napangisi na lang siya at tiningnan ito ng nakaloloko. Hindi na siya nagsalita dahil ayaw niyang mang-asar, baka bumaliktad lang ang sitwasyon at hindi na siya makaahon sa hukay na hindi siya willing tambayan. Sa isang banda naman, hindi na masama na basta na lang nag-cancel ang dapat na katatagpuin niya kahit na walang binigay na eksplenasyon. Hindi na rin siya humingi ng rason kung bakit, hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon. Basta na lang siya hindi nag-reply, burado na nga ang number kaya kahit maisipan niyang i-text ito, wala naman na sa contacts niya ang numero nito. Naka-unmatch na rin ito sa app na siyang dahilan kung paano sila nagkakilala.
Palihim niyang tinitigan ang kasama. Inaayos nito ang magulong buhok. Hindi siguro ito nakapagsuklay sa pagmamadali. Parang gusto nitong career-in ang pagiging double stunt ni Jason Momoa sa pormahan nito. Humahapit pa ang braso at dibdib nito sa T-shirt nito.
Tumuhog siya ng isang piraso ng chicharon at sinawsaw iyon sa suka. “Ang sarap,” she exclaimed. Ang exaggerate ng pagkakasabi niya. May gusto lang siyang iparating. Parang ang sarap kasi talaga… ng chicharong bulaklak. Nakakapaglaway lalo iyong suka na may paminta at sibuyas.
“Sarap?” ani Samael at ginaya nito ang ginawa niya. Hindi niya kinaya ang ginawa nitong pagtitig sa kanya sa bawat kilos nito.
Ayan na nga ba ang sinasabi niya. Hirap panindigan ang pagiging malandi. Inilulugar talaga ‘yon, eh.
I need a drink, kausap niya sa isip.
She pouted. Uminom na lang siya, tutal ay natutuyuan na rin naman ang lalamunan niya. Bakit late naman kasi ipinakilala ng tadhana si Samael sa kanya? Iyong pareho pa silang may sabit. Siya may saltik lang sa utak. May sabit kuno pero wala naman talaga. Nababagalan na kasi siya sa takbo ng buhay niya kaya inunahan na niya. Nag-download siya ng nag-download ng iba’t ibang dating apps. Ngayon masasabi niya na iba talaga kapag nakakilala ka ng tao in a very organic way. Hindi katulad na kapag nag-meet in person, nagkakapaan kayo tapos iisa lang ang tumatakbo sa isipan niyo that time: magse-s*x kaya kami nito?
Natawa siya sa naisip.
“Why are you laughing?” puna ni Samael na panay pa rin ang titig sa kanya. Inusog nito ng kaunti ang upuan paharap sa kanya. Ngayon ay medyo nakaharap na ito sa kanya. Kung magkukuyakoy ito ay magdidikit na ang mga tuhod nila. Kung hindi siya pipirmi ay sasayad ang naka-de cuatro niyang binti.
“I wanna drink tonight,” ang namutawi mula sa mga labi niya. “Do you?”
“Count me in, love,” sagot nito. “Are we going hard tonight or what?” dagdag nito.
Muntik na siyang ihitin ng ubo sa narinig. “Ikaw bahala,” ang naging sagot niya.