Chapter 11

1498 Words
MALAPIT NA TALAGANG itakwil ni Ari ang kaibigang si Keeno. Malaman-laman niya na laced pala ang cake na ginawa nito para sa birthday ng nobya ni Samael. Sinabi lang nito nang magkita ulit sila dahil nagkayayaan tumambay sa dalampasigan. Kaya pala may kakaibang nangyari nang gabing iyon. Ang laking kupal talaga.  Sabihin nang boring or buzzkill siya pero kahit kailan ay hindi niya trip ang mga gano’ng klaseng kalokohan lalo na’t wala namang consent ng mga kumain ng cake na may halong droga pala iyon. Buti kung lahat ay agree sa libreng pa-edible ng hangal.  Sa kabilang banda naman, wala na namang text si Selina sa kanya. Okay lang, sa isip-isip niya. It’s exhausting to be with someone when they’re not capable of holding their ground.  Ale and Iya are spending their numbered days in Brussels right now. She doesn’t know the whole details but they managed to meet with Jelly and would see her again during her days off.  Ayaw naman niyang istorbohin ang dalawa sa honeymoon ng mga ito kaya si Jelly na lang ang kinukulit niya sa chat. Mula rito ay nalaman niyang ang manliligaw nitong cabin crew na sinasabi nito ay nagpalipat ng base rito sa Barcelona at kasalukuyang dito nag-i-stay. Nandito raw kasi ang pamilya nito kaya ayaw na nitong magpakalayo pa. Tinanong niya kung may balak na itong sagutin ang lalake. Ang sagot naman nito ay, “Sa birthday ko na lang. Para isang handaan na lang.” Sabay buntot ng tawa. “Akala mo talaga magkasama sila para mag-celebrate ng monthsarry eme na iyan,” biro niya sa kausap. “Uy, bakit, pwede naman akong umuwi diyan o kaya siya ang dumalaw rito kapag off niya.” “Sabagay.” Most days ay tinatanggihan niya ang paanyaya ng ilang katrabaho at kaibigan na lumabas dahil sa sobrang init. Hindi niya magawang gumala sa katirikan ng araw. Ang lagkit sa pakiramdam. Kulang na lang ay magpaiklian ng suot ang mga tao rito. Kaya nito lang nang makauwi ang dalawa, sina Ale at Iya, mula sa trip ng mga ito nang siya’y lumabas muli. Nasa apartamiento sila ni Ale at bukas ang lahat ng bintana, ang electric fan, ang TV para sa background noise, habang si Iya ay nasa kusina at nagluluto. Nakikigulo lang siya sa dalawa at syempre gusto niya ring makisagap ng kwento ng dalawa. Mukhang masaya naman ang tri-country trip ng mga ito base na rin sa mga p-in-ost na mga litrato online. Nakakainggit nga dahil nakuhang bumisita ng tatlong bansa ang dalawa samantalang siya na bagot na bagot na at puro reklamo sa buhay na paulit-ulit lang ang routine niya ay hindi man lang makagawa ng ibang bagay na labas sa comfort zone niya.  Ang roomie na si Lewis ay kasama nila at kakwentuhan.  Kanina pa ito may binabanggit na kaibigan ni Samael na kakilala raw nila. Sa isip-isip niya naman ay si Ale at Belle at ang nobyo lang naman nito ang kakilala niya. Ang dalawang huli lang naman ang nakasalamuha niya ng matagal sa birthday ni Belle.  Wala gaanong pumapansin sa sinasabi nito dahil hindi rin naman nila maisip kung sino pa ang posible nilang kakilala samantalang maliit lang naman ang circle nila.  Nang makapaghanda ng brunch si Iya ay nagpulong na sila sa hapagkainan. Malayang umiikot ang lazy Susan kapag namimili sila ng kukuning pagkain. Panay ikot lang iyon at sa totoo lang ay kailanma’y hindi niya nagustuhan ang ganoong klase ng mesa. Nakakahilong makita na may umiikot sa harapan mo.  Over brunch, Iya expressed how public display of affection changed her life. She had to laugh at that. But in all seriousness, who wouldn’t wanna do that with the love of your life? It’s a different feeling when doing it with your other half. Naiintindihan niya na asiwa ito na hindi magawa ng dalawa iyon dito dahil marami silang kababayan dito. Mabilis lang kumalat ang tsimis kaya todo ingat ang dalawa. How she wished she could do the same also. It’s weird how every summer she feels lonesome and wants to dive into the dating scene just to find the perfect summer lover. It’s so engaging to be outside, do water activities, bathe under the sun, sun-kissed skin to brag with co-workers, a European summer movie kind of mood. Oh, how she would love to experience that.  She joked to her friends how jowang-jowa she is. Sabay nguso ang dalawa sa kwarto ni Lewis na hindi na lang niya pinansin. Tapos na itong saluhan sila sa pagkain kaya umeskapo na ito. “Jowang-jowa pero ayaw ng commitment?” si Ale. “Ano kaya ‘yon.” “The only commitment she doesn’t like is with men.” Iya commented. Naningkit ang kanyang mga mata na tila pinag-isipan ang sinabi nito. “Uh-oh,” ani Ale. “Bakit pinag-isipan pa?” puna nito. “Vakla ka,” si Iya. “Meron? Da hu?” “Wiz bet. Taken, eh,” sagot niya naman.  Nagpulasan ang dalawa sa kinauupuan at lumapit sa kanya. “Tangina, magkwento ka,” pamimilit ni Ale. Nanggigil itong pinisil ang kanyang braso nang hindi siya agad nagsalita. “Taken nga kasi,” ulit niya. Natigilan ang dalawa. “Sino nga?” Tumaas na ang boses ni Ale. “Tanginang ‘yan, mas excited pa sa akin,” turan niya. “Si Samael?” tanong ni Iya. She made a face. Ale almost slapped her due to excitement. “But, Amari! May boyfriend at girlfriend siya!” Alejandra exclaimed. “At tsaka huwag ninyong mabanggit ang pangalan niya. Baka mag-report itong roomie ni Ale,” mahinang saway niya sa dalawa.  “Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Iya. “Akala ko ba may Selina ka na?” “Forget Selina,” sabi naman ni Ale. “Cheater at liar ‘yon.” Inikutan niya ng mga mata ang sinabi nito kahit na nga ba agree siya rito. “Truth. Ekis na iyang si Selina.” Char. Oo, gusto niya rin namang kalimutan ang babaeng iyon pero mahirap dahil nasanay siya sa presensiya nito. Inuunti-unti niya naman ang ginagawang paglimot dito. Iyon nga lang, nadale na naman siya nang mag-dinner sila at nakita ito na nalalayo sa normal nitong pormahan. Simula ng huling pagkikita nila, maya’t maya na siyang naghihintay ng text mula rito. Lagi niyang hawak ang cell phone at nakatitig sa blankong espasyo ng mensahe kung saan gigil ang mga daliri niyang magpadala ng chat dito. Hindi nawawala sa daily routine niya ang pag-obsess sa chatbox nila. Tinitingnan niya kung online ito o hindi. “Dapat lang,” mariing sabi ni Ale. “Huwag kang magkakamaling makipagkita ulit diyan,” babala nito. “Nakakatakot naman itong girlfriend mo, Iya,” tukso niya. Ngumiti ito at niyakap si Ale. “Meet my girlfriend,” pahayag nito. Natuwa siya sa narinig. “Finally!” ang reaksyon niya. Doon din naman ang punta ng dalawa. Habang maaga pa at magkasama ang dalawa ay mainam na may pagkakaintindihan sa pagitan nila.  “Ang taray. Wala pang isang buwan nagka-girlfriend agad,” aniya sa dalawa. “I can’t believe I have a girlfriend na, huhu.” Ale feigned a cry. “Love of my life,” anito kay Iya at hinalikan ito sa noo. “Sa harap ko pa talaga,” reklamo niya. Tumayo na siya at nagsimulang magligpit ng pinagkainan nila. “Walang bastusan, mga erp.”  “And did you hear about Jelly’s manliligaw?” si Ale. Tumango siya. “His name is Lawrence daw. Taga-rito.”  “Yup, naikwento niya nga dati. Sila na ba?” tanong niya. “Hmm, ewan ko. Pero uuwi yata iyon si Jelly next month,” kwento ni Ale. “Oh? Hindi siya umuwi ngayong buwan, ah. Nagpapayaman siguro.” “Never niyo pang nakita iyong Lawrence?” tanong ni Iya. “Sa picture lang. Never pa namin na-meet iyon,” sagot niya. “Same,” si Ale. “So medyo LDR pala sila, ano?” si Iya ulit. “Naku, bantayan niyo iyong guy. Mahirap na magpakakampante.” “Babantayan ko rin iyang si Ale, huwag kang mag-alala,” mabilis na sabi niya. “Gaga. Iyan ang hinding-hindi ko gagawin kay Iya,” sabi ni Ale. “Kontento na ako sa aming dalawa. Masaya ako sa kanya. Ba’t pa ako maghahanap ng iba?” Nagkatinginan sila ni Iya.  “Linyahan ng mga ano talaga, eh, ‘no?” sabi niya kay Iya. Natatawang sinakyan nito ang sinabi niya.  “Narinig ko na ‘yan, eh,” si Iya. “Uy, ibahin niyo ako. I am dating to get married. Hindi ako naghahanap ng plaything,” depensa ni Ale.  Ano pa nga ba, eh, ‘di nag-kiss ang dalawa kaya iniwan na niya ang mga ito. Hindi naman siya inggit. Hindi talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD