Chapter 10

2271 Words
SINUNDO NI IYA SI Ari pagkalabas niya ng trabaho. Nagyayaya itong mag-shopping. Sabi niya sa sarili ay sasamahan niya lang ito ngunit lumikot ang mga mata niya pati na rin ang kamay at hindi napigilang kumuha ng susukatin niya. Nag-i-splurge na naman siya. Mabilis siyang napa-oo ng kasama na kumain sa labas. Malapit pa sa dagat kaya naman parang ang view na ang babayaran nila rito. Nasa kalagitnaan sila ng dinner nang sabihin sa kanya ni Iya na magta-tri country tour sila ni Ale. Natigil siya sa ginagawang pagsubo at napatitig dito. “Hindi man lang ako naisipang i-invite?” ang unang reaksyon niya. Nahihiya itong umiwas ng tingin. “Eh, alam mo na, para wala kaming chaperon,” tugon nito. Ibinaba niya ang mga hawak na kubyertos at sumandal sa upuan. Masuyo siyang ngumiti. “I’m teasing. Go and enjoy yourselves. So, what’s the score between you, two?” she inquired. Kinikilig si Iya at sinusubukan nitong itago iyon. “We’re still dating, I guess. But like, advanced dating. With privileges, I mean,” nahihiyang sabi nito. Siya naman ang humagalpak ng tawa. Natawa siya dahil sa nakitang reaksyon sa kasama. Halatang hindi pa ito sanay na ibahagi ang namamagitan sa dalawa. “Anong nakakahiya ro’n?” aniya. Nagkibit-balikat ito. “Alam mo naman, I’m a shy girl. Isa pa, dito sa Barcelona ay maraming Pilipino. I’m excited to have this trip with Ale. I’m beginning to imagine kissing her in public. Hold her intimately while walking. All out na ‘to. Wala naman na ako sa Pilipinas. Marami lang kasi talaga mga Pinoy rito kaya hindi rin ako masyadong makagalaw.” “I understand. So, saan kayo magtu-tour?” “Brussels. May kaibigan daw kayo roon ni Ale?” Tumango siya. “Yes. Our other friend Jelly. Mag-stop by kayo sa place niya? Or makikipag-meet kayo sa kanya?” “Not sure pa. Ale will talk to her. She’s a cabin crew, right? We need to know her schedule first. After Brussels, Budapest and Prague kami.” Nangalumbaba siya at tumingin sa dagat. “Ang saya naman. Mag-enjoy kayo ro’n. Minsan lang ‘yan. Kung may time ka pa, pasabit naman ako sa lakad niyo. Mag-out-of -the-country tayong tatlo kahit three nights, 2 days lang.” Malamig ang simoy ng hangin at malakas ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Marami ring naliligo ngayon at ang iba ay walang pang-ibabaw na suot. Hindi na iba sa mga tao roon ang mag-sunbathing at maligo ng fully nude or half-naked.  “How do you find Ale?” tanong niya rito.  “Oh, Ari, she’s the greatest. I’ve only been here for almost three weeks but I can already imagine having an apartment with Ale, the minimalist kind of interior design that we’d both put together. We would adopt a rescue dog. I wanna be a plant mama and care for them plants like I’ve been made my whole life. Ugh, Ari, iba. It’s kinda scary. It feels fast, ‘no?” anito sa kanya. Natawa siya. “Talagang mabilis. But, who cares?” She shrugged her shoulders. “It’s exciting. It’s raw. Life serving you some realness. My advice is to take it slow because the first few dates, first few months with the person you’re dating, it’s blurry and it feels rushed resulting in you making decisions. Maybe that’s me. But if you’re scared, if it feels fast which it is, then slow down, Iya. The world is yours and Ale to conquer,” Ari said. “Ari,” tawag sa kanya ni Iya. Tinitigan siya nito. “You know I came to Espanya because I wanna live and study here.” Tumaas ang mga kilay niya sa narinig ngunit hinayaan niya itong magpatuloy.  “I wanna take a master’s degree here. That’s why I went to Valencia and Bilbao.” Nanlaki ang mga mata niya. “Iyon ba ang ipinunta mo?” “Yes! Kaya ako talaga nagpunta sa Valencia at Bilbao ay para ro’n. Nagpasa na ako dati sa Universidad de Barcelona pero na-reject lang. Sana matanggap na ako. I don’t wanna be hard on myself by the time they email me. I wanna get this information out there. It’s not a secret. But what if I’m not accepted, ‘di ba? Anyway, nasabi ko naman na. Wish me luck.” “If it’s for you, it’s gonna happen. Good luck. Not to add pressure but think about it, you won’t be far from Ale,” namamanghang sabi niya.  Tumango-tango ito na tila naluluha. “‘Di ba? Kung mag-LDR kami, I know that I can do it. But I don’t wanna sleep on the opportunity that I can be in Spain and take train or bus rides just to visit Alejandra. Mami, I’m scared. Parang in love na in love yata ako. Wala siyang alam tungkol do’n. ‘Wag mo munang sabihin, ha.” Hindi niya mapigilang matawa sa nakitang itsura ni Iya. Nagbabanta nang tumulo ang mga luha nito at heto siya’t tinatawanan pa ang pobreng kaibigan. “I’m sorry. Hindi ko alam bakit ako natawa. Hello, hindi pa ba obvious na in love kayo sa isa’t isa? Makakaasa ka na hindi niya ‘yan maririnig mula sa akin. But, my god, Iya. I wish I have an Iya all to myself. Imagine someone going in great lengths just to be with me, just to meet me… I’d die. I swear. And if Ale won’t follow through, girl, I wouldn’t know where to begin.” Ito naman na ang tumawa at pinagsalikop ang mga kamay. “Right? We all deserve an Iya. I need me a me.” “Ang sarap mo siguro maging jowa,” sabi niya. Nagdududa itong tumingin sa kanya. “Ari, ha.” Binalaan siya nito gamit ang mga mata. “Gaga. Nagfi-feeling ka riyan. Ang akin lang, we all need someone na kuntodo sa effort and shit.” Iya smugly shrugged her shoulders. “Yeah, you need yourself an Iya.” Nang matapos sila sa dinner ay nagpasya silang tumambay sa dalampasigan. Naupo lang sila roon at nagpahangin.  Sumunod si Ale at pinagkwentuhan nila ang itinerary ng dalawa. Ibinalita rin ni Ale na sa isang araw na ang alis ng dalawa. Nakapagpaalam na raw ito sa trabaho nito. Ang tri country tour pala ang ginawang pagpapagal ni Ale—hindi ang pagpunta ng weekend sa Zaragoza—nitong mga nakaraang araw kaya hindi ito nakakasama minsan sa paglilibot nila ni Iya. That leaves her to her own devices again. Bahay-trabaho pa naman siya at kung minsan ay suma-side trip ng kung anu-anong kababalaghan. Wala na siyang tiwala sa sarili niya kapag wala siyang ibang pinagkakaabalahan. Minsan ay natatakot na rin siya sa kung anong kaya niyang gawin.  They quickly went to gelateria and bought ice cream waffles only to come back to their spot. They were supposed to buy Ale’s dinner but she was picky with all the food stands they passed by. Ale was weighing her options: fast-food or home cooked meal. Iya piped in that she will prepare her dinner if she wants. As soon as they were done with their waffles, they left and walked from the beach to Ale’s apartment. While Iya was cooking, Ale and Ari were having a video conference with their close friend Jelly.  Hindi nila ito laging nakakausap at nakukumusta kaya ngayon lang ipinaalam ni Ale na may dine-date ito at bibisitahin nila ito ni Iya kung suwak sa schedule nito ang pagdating ng dalawa sa Brussels.  Nagulat ito sa nalaman pero nagpahayag ito ng saya para kay Ale. Sa kanilang tatlo raw ay ito pa lang ang may potential magkaroon ng kasintahan. Silang dalawa raw ni Ari ay single pa rin. Pahapyaw nitong binanggit na may nagpapalipad-hangin dito na cabin crew din. Wala naman siyang maikwento dahil wala naman talaga siyang idine-date ngayon. Ale took the liberty to tell Jelly that Ari was and still in the online dating scene and managed to bring up Selina.  Nilalait na naman nito ang panlabas na anyo ni Dutchie—ang tawag nilang magkaibigan kay Selina—kahit na nga ba walang maisusumbat sa itsura nito. Hindi maitago ni Ale ang inis habang ito ang nagsasalita. Tinatawanan niya lang ang kaibigan.  “Oh? Sino ‘yong kasama kagabi ni Ari?” tanong ni Jelly. Natahimik ang buong sambahayan. Naka-chat niya ito kagabi nang nakauwi na siya galing sa dinner nila ni Selina. Nabanggit niya na kauuwi niya lang dahil nag-dinner siya kasama ang isang babae. “Ari?” pukaw ni Ale na hinihintay ang sasabihin niya. Nilingon niya ang daan papuntang kusina dahil tumahimik din sa parteng iyon. Si Iya ay nakatayo sa hamba ng pinto at pinapanood sila. Laking pasasalamat niya nang ipakilala ni Ale ang kaibigan kay Iya. Nag-usap muna ang tatlo bago bumalik ang atensyon sa kanya. “What did you do last night?” tanong ni Ale. Tinapos na ni Iya ang niluluto nito para raw marinig nito ang kwento niya. Nakatingin siya sa mukha ni Jelly sa screen. Kauuwi lang nito galing shift nito at nagdi-dinner pa lang. Subo ang kutsara ay iminuwestra nitong magsimula na siya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimula. “We went to a restaurant where she made a reservation.” She could hear all their gasps. “She was really pretty in her dress that was so smooth to touch. Nag-catch up kami. Light kwentuhan sa mga ganap sa buhay while we were away from each other. She said she misses me. I said the same thing. Last night was the first time I heard her address me by name. When you’ve been with someone for too long, you just want to hear them say your name. I got kilig. I called her out about having a boyfriend and how she still made an active choice of hiding it. I kinda ruined the night by then. Here’s another thing,” Isa-isa niya munang tiningnan ang mga kaibigan bago nagpatuloy. “Dutchie wants to break up with her boyfriend,” pahayag niya. Napamaang ang tatlo. “No way,” si Ale. “Hmm. It’s getting complicated,” si Iya. “Hala siya,” si Jelly. “Mag-behave ka nga riyan.” “She said, she’s not doing it because of me. Sabi niya, matagal na niyang gustong gawin iyon. Maybe I was the catalyst.” They all looked at Ale when she scoffed. “Yeah, and no more than that. You will just serve as someone who made her do it. I don’t like that she’s gonna be gone for a few days then she’s gonna appear again because she doesn’t want you to lose interest.” “Galit na galit?” si Jelly kay Ale. “Parang kilala talaga ‘yong babae, ha.” “Pinagbabasehan ko lang base sa mga kwento ni Ari.” ani Ale. “And then there was this music. Subtle, just sitting in the background yet it urges me to take Selina by her hips and slow dance with her. Mierda,” dugtong niya. Napatulala siya sa isang sulok habang inaalala ang tagpong iyon kagabi. She really had the urge to ask Selina to dance with her. Nevermind the people that could see them. But if she did that, it would feel so personal there’s no way getting it back.  “Oh, no,” si Ale. Hinawakan siya nito sa mga balikat. “Nooo. Snap out of it.” Inalog-alog pa siya nito. Malakas naman ang pagkakabuntong-hininga ni Iya. “Amari,” masuyong tawag nito. “It’s okay. We all get to feel that sometimes.”  Maang na tinitigan ni Ale si Iya nang marinig ang sinabi nito. “But it’s not okay if we let these undeserving people treat us like we’re not queens. You know what I’m saying?” patuloy ni Iya. “Ari, girl,” ani Jelly. “Dance with somebody who’s ready to match your steps, okay? Anyone that gets your moves.” “Well, Ari?” si Ale na inuudyok siyang mag-salita. Nginitian niya ang tatlo. “Don’t worry, I didn’t. Hmm, maybe with someone else… in the near future.” Nanlaki na naman ang mga mata ng tatlo. “Sino ‘yan?” sabay-sabay na tanong ng tatlo. “Taken pa, eh.” Pinanood niya ang reaksyon ng tatlo. “Biro lang. ‘To naman,” bawi niya. “‘Laking gago mo talaga,” sabi sa kanya ni Ale.  “Iluhod mo na ‘yan sa Quiapo,” suhestiyon ni Jelly. “Baka amagin ka na riyan.” “Hindi ka na natapos sa mga surpresa,” saad ni Iya. “Kumain ka na nga muna, Ale.” Nagpaalam na silang dalawa ni Jelly. Iniwan niya ang dalawang malakas ang halakhakan. Napailing-iling na lang siya. Kinikilig lang ang dalawang iyon. Ayan, solo na nila ang isa’t isa. Nilakad na lang niya ang pauwi sa kanila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD