KINALABIT SIYA NI Samael. Nilingon niya ito. Nakahiga sila sa nakalatag na sapin sa damuhan. Nag-picnic silang dalawa sa may tabing-ilog. May dala silang pagkain at board game na UNO. Hinilig niya ang ulo sa braso nito. “Huwag mong masamain ito, ha?” disclaimer nito. Natawa siya. “Ano ba iyon?” “Baka pwede mo nang i-block iyong Aiden? Delete mo na rin number niya sa phone mo,” pakiusap nito. Marahan niyang hinatak ang manggas ng damit nito. “Ok.” Tiningala niya ito. “Done.” Iniharang nito ang kamay sa mukha dahil nasisinagan ito ng araw. “What do you mean? Tapos na?” Tumango siya. “No’ng last time na nag-punta ka sa bahay, no’ng nagluto ka ng kare-kare.” Nakahinga ito ng maluwag. “And Selina?” tanong pa nito. Lumunok siya bago sumagot. “I still have to do that.” She reached for

