TINAPIK NI AMARI ANG bakanteng espasyo sa tabi niya. Pinapaupo niya si Samael sa sofa. Dumalaw ito sa bahay nila at muli na namang nagluto ng isa sa paborito nitong ulam na kare-kare. Excited siyang umayos sa pagkakaupo niya. “Sinabi lang din sa akin ito ni Ale. Ginagawa rin daw nila ito ni Iya. Ito iyong questions to ask your boyfriend or partner. Mahaba-haba ito kaya maupo ka muna,” aniya na kulang na lang ay hatakin itong maupo. Gusto niya nang simulan ang pagtatanong. Agad namang tumalima si Samael sa sinabi niya. “Boyfriend ba kamo?” pilyong sabi nito. “Sinasagot mo na ako?” Mabilis siyang umiling. She buried her face in her hands. “Hindi! But this is something you could be asking your partner, too. Naisip ko lang, maganda rin naman itong itanong habang nagde-date pa. Para pwede p

