NAKATITIG LANG SI AMARI kay Samael. Nandito pa rin ang dalawa sa pamamahay nila. Abala si Alejandra sa pagkalikot sa telepono nito. Kausap nito si Iya sa kabilang linya. Habang si Samael ay pinapanood niya kung paano ito mag-swipe left at swipe right. Iyong itinigil niya na ang kakahanap ng match sa dating application na iyon sabay itong isang ito ay gumagamit na niyon. How ironic. When she finally stopped using it, for the third time, it was Samael’s turn to utilize it this time. Nakanguso siya habang pinapanood niya ang daliri nitong panay ang swipe kaliwa’t kanan. Naghahanap pa ito ng iba, nandito lang naman siya. Bakit naghahanap pa ito ng iba? Dahil ba hindi siya nito bet? They have put the past behind them. By past she means the hickey episode. They’ve talked about it through t

