LUMUKSO ANG PUSO ni Amari nang makitang lumuhod si Samael. Pigil niya ang hininga habang pinapanood itong magtali ng sintas ng sapatos. She cleared her throat then turned her back. Gusto niyang alugin ang ulo para bumaba ang dugong naipon doon. Hinaplos niya ang braso niyang pinanindigan ng balahibo. Kinabahan pa siya para sa wala. “Hey,” tawag sa kanya ni Samael. Hinawakan siya nito sa tagiliran. Ngumuso ito sa kanya. “Pa-kiss,” ungot nito na may ngiti sa labi. Inikutan niya ito ng mga mata. “Umayos ka nga,” masungit niyang sabi rito. “Babe,” tawag nito sa kanya. Gano’n na lang ang ginawa niyang paglingon dito dahil sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata. “Sinasabi mo?” asik niya. “Bakit ang init ng ulo mo sa akin. May nagawa ba ako? Ayaw mo ng ‘babe’?” tanong nito. Inis niya it

